Nadine Samonte, hirap sa ikalawang pagbubuntis

PHOTOS: Anna Pingol & @nadinesamonte

PHOTOS: Anna Pingol & @nadinesamonte

Two-and-a-half months nang buntis ang StarStruck alumna na si Nadine Samonte sa pangalawa nilang anak ng kanyang husband of five years na si Richard Chua, ang unico hijo ng aktres na si Isabel Rivas.

Last October 4, Nadine related in her Instagram post that she’s undergoing a test to know if she still has Polycystic ovarian syndrome (or PCOS) at antiphospholipid antibody syndrome (or APAS) na isang disorder of the immune system “that is characterized by excessive clotting of blood and/or certain complications of pregnancy,” cording to www.medicinenet.com.

Naging mahirap daw kay Nadine ang pagbubuntis noon sa panganay na si Heather Slone, now two years old, dahil sa mga kundisyong nabanggit. Kaya naman minabuti niyang magpa-eksamen ulit para makasigurong wala na siya ng mga ito sa pangalawang pagbubuntis na itinuturing niyang “unexpected” but welcome gift.

Sa kasamaang palad, according to her October 15 post, taglay pa rin niya ang APAS, kaya doble ingat pa rin siya ngayon. Ang hirap din siguro sa pagbubuntis ang dahilan kaya wish ni Nadine na sana ay baby boy na ang ipagkaloob sa kanila ni Richard para marahil kung hindi na nila i-attempt maka-tatlo pa ay may babae at lalaki na sila.

Nag-lie low na si Nadine sa showbiz mula nang pakasalan si Richard Chua, isang immigration officer, noong 2013. Manaka-naka nalang siyang tumanggap ng acting at performing jobs at isa sa huli niyang nilabasan ay ang isang episode ng Wish Ko Lang last September. Bagama’t aminadong miss na niya ang showbiz, mas pinagtutuunan ng panahon ngayon ni Nadine ang pagiging nanay kay Heather at ang beauty business niyang “Be Beautiful by Nadine Samonte” that makes and sells products such as whitening soaps, anti-acne soaps, lipsticks, and body sprays.

Huling namataan ng pikapika.ph si Nadine sa 60th birthday party ng kanyang mother-in-law na si Isabel Rivas na ginanap sa Quezon City Sports Club sa E. Rodriguez Avenue last December 18.

Bukod sa pagbibigay mensahe sa love na love niyang biyenan, nagpa-unlak din ng ilang awitin si Nadine, at isa dito ay duet pa with husband Richard, sa request na rin ni Isabel at ng mga kamag-anak nila.

Feel na feel ni Nadine ang pag-awit niya that night ng “Just The Way You Are” ni Bruno Mars  at “Bakit Ba Ganyan?” ni Dina Bonnevie, halatang miss na nito ang pagpe-perfrom sa harap ng maraming tao na ilang taon din niyang ginawa bago niya nakilala ang asawa na niya ngayong si Richard.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Meet Nadine Samonte's baby boy Austin Titus

Nadine Samonte shares ultrasound images of son Austin Titus

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.