Nadine, pinu-push ni James na mag-Darna

PHOTO: @nadine on IG

PHOTO: @nadine on IG

Si Nadine Lustre na kaya ang susunod na Darna? 

Ang FAMAS award-winning actress kasi ang napipisil ng karamihan, kasama na ng dating Darna director na si Erik Matti, na gumanap sa Pinay superhero matapos ang announcement na umexit na si Liza Soberano sa Star Cinema movie project.

At hindi lang si Direk Erik, kundi pati pala si James Reid ay gusto ding makita si Nadine na sumigaw ng "Darna!"

Kuwento ni Nadine, "pinu-push" siya ni James na sumubok bilang Darna dahil may similarities daw ang aktres sa superhero. 

"For James, 'yon 'yong nakikita niya na characteristics ko, e. Someone who's very independent, strong, so parang syempre ipu-push niya ko." 

Ano naman ang nararamdaman ni Nadine na naihahalintulad siya kay Darna? 

"I'm really very honored," sey ng aktres. "Kasi syempre si Darna, icon 'yan ng mga Filipinos. Especially for the women, cause she's a strong woman. So parang she's also a symbol of hope. And she's a protector.

"So parang maihalintulad ng tao ako kay Darna, it's amazing."

Ngayong binuksan na ng Star Cinema ang Darna auditions sa lahat, handa kayang mag-audition si Nadine? 

"Hindi ko po alam, e," nahihiyang sagot niya. Management pa rin daw kasi ang magsasabi kung dapat siyang mag-audition, given na may mga projects din siyang naka-line-up sa Viva. 

Pero kung bibigyan daw siya ng go signal ng mga bosses, e di why not?

"Kasi ako naman po pag sinabihan ako, gagawin ko. Gano'n naman, very ano naman ako, very open to everything. 

"Pero kung wala naman pong sinabi sa akin ang management, it's okay lang. But if they ask me, of course I would wanna do it.

"Sino naman pong ayaw maging Darna di ba?" 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Darna stars get their own Darna Funko Pop collectible

Watch: Nadine’s reaction regarding Darna choice

Angel Locsin, Liza Soberano congratulate Jane De Leon for bagging Darna role

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.