Nadine Lustre recalls how she got rejected at auditions before because “‘mestisa po ang hinahanap namin.’”

Dahil maraming beses na na-reject noon sa mga auditions because of her complexion ay naging insecurity daw ni Nadine Lustre ang kanyang pagiging morena. Good thing ay na-overcome na daw niya ito and she learned to embrace her true skin color. "Hindi na ako ganu’n katakot na umitim. Ano naman talaga ako, morena naman talaga ako," pahayag niya.

PHOTO: @nadine on Instagram

Dahil maraming beses na na-reject noon sa mga auditions because of her complexion ay naging insecurity daw ni Nadine Lustre ang kanyang pagiging morena. Good thing ay na-overcome na daw niya ito and she learned to embrace her true skin color. "Hindi na ako ganu’n katakot na umitim. Ano naman talaga ako, morena naman talaga ako," pahayag niya.

Makailang ulit daw na na-reject sa mga auditions noon ang aktres na si Nadine Lustre dahil sa pagiging morena niya.

Iyan ang nai-tsika niya sa actress-vlogger na si Bea Alonzo nang sumalang siya sa Lie Detector Challenge vlog nito last April 15.

Isa kasi sa naitanong sa kanya ng Kapuso actress ay kung naranasan ba niyang ma-discriminate before sa mga pinuntahan niyang go-sees and auditions.

Dito niya naikuwento na ilang ulit umano siyang na-reject noon because of her complexion.

"Madaming beses, super daming beses, actually, mainly because of my skin color. Sasabihin sa akin, ‘Ay, mestisa hinahanap namin.’ S’yempre, pauuwiin na ako," pagbabalik-tanaw ni Nadine.

Ito nga daw ang naging dahilan kaya matindi ang kanyang insecurity noon. Ito rin umano ang rason kung bakit daw siya nagpa-gluta para pumuti.

"I did… Isa sa mga naging insecurities ko back then kasi hindi s’ya once lang nangyari sa akin," pag-amin ng multi-awarded actress.

"Alam mo ’yong pag VTR pipila ka nang mahaba, ’di ba? Ang tagal-tagal. Tapos pagdating doon, isang line kayo," pagdedetalye pa ng Viva artist.

"Papapilahin kayong ganyan tapos pauuwiin na ’yong feeling nila hindi pasok, ’di ba? Tapos mapapauwi ako tapos sasabihin, ‘Mestisa po hinahanap namin.’"

Hindi tuloy naiwasang mag-reak ni Bea sa mga inilahad ni Nadine.

"Bakit n’yo s’ya pinapila [kung papauwiin din lang pala sa huli]?" natatawa pero naiinis na tanong ni Bea na ang ina-address ay ang mga nag-reject sa aktres noon.

"Pero I love your skin color. I love it….super," pagko-compliment pa nito sa kanya.

Good thing ay na-overcome na umano ni Nadine ang kanyang insecurity and she learned to embrace her true skin color.

Hindi na nga daw siya nag-e-effort na magpapaputi pa at hindi siya nahihiyang ilantad ang kulay niya sa social media.

"Hindi na ako ganu’n katakot na umitim. Ano naman talaga ako, morena naman talaga ako," pahayag niya.

Katunayan, wala na daw siyang kebs kahit na ma-expose under the sun kapag pumupunta siya sa beach.

"’Yong nasa Siargao na ako, hindi na ako nagko-cover o nagpapayong," nakangiting pagtatapos niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Nadine Lustre looks back on the craziest rumor about her

Breakup nina Nadine Lustre at James Reid, muling nabuhay dahil sa viral photo ng aktor at ni Issa Pressman

Nadine Lustre, aminadong na-frustrate noon dahil hindi natapos ang pag-aaral

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.