Nadine Lustre, nananawagan sa mga dog lovers na gustong umampon sa nasagip niyang mga tuta

Akala raw ni Nadine Lustre, joke lang na itatapon ng may-ari ang limang tuta sa ilog dahil marami na umano itong alagang aso. Pero dahil seryoso raw ito, minabuti niyang kunin na lang ang mga kawawang tuta na ngayon ay hinahanapan niya ng mga pamilyang mag-aampon.

PHOTOS: @andreisuleik via @nadinelustreofficial & @nadine on Instagram

Akala raw ni Nadine Lustre, joke lang na itatapon ng may-ari ang limang tuta sa ilog dahil marami na umano itong alagang aso. Pero dahil seryoso raw ito, minabuti niyang kunin na lang ang mga kawawang tuta na ngayon ay hinahanapan niya ng mga pamilyang mag-aampon.

Nananawagan ang aktres na si Nadine Lustre sa mga followers niyang dog lovers na baka meron sa mga ito ang gustong umampon ng mga tuta.

Limang tuta kasi ang nasagip ng aktres noong isang araw ayon sa kuwento niya sa kanyang Instagram Story kahapon, September 5.

Ayon kay Nadine, nalaman daw niya na plano nang itapon ng may-ari ang mga tuta sa ilog dahil marami na umanong aso sa lugar na iyon. 

"We came across 5 puppies at our location yesterday.  (We couldn't find the other 2 last night so they're not in the picture)," panimula ng aktres sa kanyang post. 

"The crew told us that the owner is planning to toss them in the river if no one would take them because there are 'too many dogs' around," pagpapatuloy pa niya.

Inakala pa nga raw niya na biro lang iyon pero totoo raw pala. Doon na umano siya umaksyon. 

"At first I thought it was a joke, but the crew said the owner was actually serious," she said.

Pinalikom niya raw ang mga kawawang tuta para masagip ang mga ito. 

"The Tanod offered to help me and gather the puppies for me to pick up on Thursday. I'll be taking care of them in the meantime while we're still looking for a new home for them," saad ni Nadine.

Hindi raw kasi niya kayang hayaan na lang na mamatay ang mga iyon kaya nagmagandang-loob na siya. 

"I just couldn't stand thinking they might die when I could've done something to help," aniya.

"We don't know how old they are, but it seems like they're able to eat food already," pagde-detalye pa ng Deleter lead star sa mga tuta. 

May nagsabi na raw sa kanya na aampunin ang dalawa sa mga ito. Ngayon naman, hinahanapan niya ng bagong family ang natitira pang tatlo.

"[Two] puppies are already accounted for. If anyone wants to adopt the other puppies please let me know [White heart emoji]," panawagan ni Nadine. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Nadine Lustre at Christophe Bariou sa usapin ng pagse-settle down: “We’re not rushing.”

Nadine Lustre, nanermon ng mga netizens na nang-iintriga sa relasyon nila ni Christophe Bariou

Pika's Pick: Nokturno, the second Nadine Lustre-Mikhail Red collab, starts filming

Nadine Lustre dedicates second FAMAS best actress trophy to her family and supporters

Nadine Lustre recalls how she got rejected at auditions before because “‘mestisa po ang hinahanap namin.’”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.