Muling pinatunayan ng Viva actress na si Nadine Lustre na isa s’ya sa mga reyna ngayon pag dating sa aktingan.
S’ya kasi ang itinanghal na best actress sa 2023 Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) awards night na ginanap kagabi, August 13, sa Manila Hotel.
Iginawad sa aktres ang mataas na pagkilala sa mahusay n’yang pagganap sa suspense-thriller and comeback movie n’yang Greed (2022), kung saan nakatambal n’ya si Diego Loyzaga.
Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan ni Nadine ang pamunuan ng FAMAS sa pagkakasali ng movie n’yang Greed at maging ng Deleter sa mga nominado ngayong taon.
Karangalan din daw sa kanya na muling makatanggap ng tropeo mula sa nasabing prestigious award-giving body sa bansa.
“Maraming maraming salamat po sa bumubuo ng FAMAS Awards. Isang karangalan po para sa bumubuo ng Greed at ng Deleter na makasama po sa mga nominated ngayong gabi,” pahayag ng actress on stage.
“Pero isang malaking karangalan din po na magkaroon nito [best actress trophy]. Maraming salamat po,” saad pa n’ya.
Kasunod nito ay inialay ni Nadine ang pagkapanalo sa kanyang pamilya at mga taga-suporta.
“Gusto ko po itong i-dedicate sa lahat po nang nagmamahal at sumusuporta po sa akin, sa buong pamilya ko po, sa partner ko, sa friends ko, my team, sa bumubuo po ng Greed, and of course, to my Viva family,” Nadine said.
May special mention din ang multi-awarded actress sa direktor na si Yam Laranas.
“And Direk Yam Laranas, maraming maraming salamat po for trusting in me, for pushing me, and for giving me this opportunity to do Greed. Maraming salamat po. Thank you,” pagtatapos n’ya.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagwagi si Nadine bilang best actress sa FAMAS.
Ang una n’yang panalo ay noong 2019 para sa pinagbidahan n’yang “Never Not Love You” movie kung saan katambal n’ya ang former love team partner and former boyfriend na si James Reid.
Ito naman ang nagsisilbi niyang ika-limang best actress recognition. Ang tatlong iba pa ang mula sa MMFF 2022 (Deleter), URIAN 2019 at Young Critics Circle 2019 (Never Not Love You).
Going back to FAMAS 2023, bukod kay Nadine, wagi naman bilang best actor si Noel Trinidad para sa movie’ng Family Matters, habang itinanghal namang best supporting actress si Nikki Valdez na mula rin sa pelikulang Family Matters. Si Sid Lucero naman ang nakakuha ng best supporting actor award for his movie Reroute.
Congratulations!
YOU MAY ALSO LIKE:
Nadine Lustre looks back on the craziest rumor about her
Nadine Lustre, aminadong na-frustrate noon dahil hindi natapos ang pag-aaral
Nadine Lustre, deadma sa pagkakadawit niya sa nabuhay na banggaang Dina Bonnevie at Alex Gonzaga
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber