Myrtle Sarrosa, pinagsisisihan ang pag-gastos para sa isang lalaki

Nang matanong sa presscon ng Ang Henerasyon Sumuko sa Love—na ginanap kahapon, September 23, sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City—kung ano ang mako-consider niyang “craziest thing she’s done for love,” ang pagiging generous sa minahal na gamer daw siguro ’yon ayon kay Myrtle Sarrosa (left photo).

PHOTOS: Anna Pingol

Nang matanong sa presscon ng Ang Henerasyon Sumuko sa Love—na ginanap kahapon, September 23, sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City—kung ano ang mako-consider niyang “craziest thing she’s done for love,” ang pagiging generous sa minahal na gamer daw siguro ’yon ayon kay Myrtle Sarrosa (left photo).

Babaeng jaded na sa pag-ibig ang role ni former PBB (Pinoy Big Brother 2012) big winner na Myrtle Sarrosa sa latest millennial-centered movie ni Direk Jason Paul Laxamana na Ang Henerasyong Sumuko sa Love. Hindi ito naniniwalang happy ending lagi ang ending ng isang relasyon. Mailap din ito sa konsepto ng kasal. Opposite sila ng character ng boyfriend niya sa movie na si Albie Casiño na isang napaka-idealistic at committed guy naman. 

In real life, may mga pagkakataong naging jaded na rin si Myrtle sa love, but not while the relationship is ongoing. Habang ka-relasyon niya kasi ang isang guy, may tendency palang mag-all-out si Myrtle sa pagka-pabulosa.

Case in point ang ex-boyfriend niyang gamer na niregaluhan niya ng mga gaming stuff na mamamahalin. 

Unknown to many, professional gamer—o ’yong nakikipag-compete sa mga digital games—din kasi itong si Myrtle bukod sa pagiging singer-actress at cosplayer. Kaya naman hindi kataka-takang minsan siyang nag-fall sa kagaya niyang gamer.

At nang matanong sa presscon ng Ang Henerasyon Sumuko sa Love—na ginanap kahapon, September 23, sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City—kung ano ang mako-consider niyang “craziest thing she’s done for love” ay ’yon nga raw ’yon, ang—pagiging generous sa minahal na gamer.

Ano kasi ako, pag sa pag-ibig kasi pag may tao tapos alam ko may kailangan, magastos ako sa kanila,” pag-i-intro niya. “So, ang craziest na nagawa ko para sa isang tao was ’yong account niya sa isang mobile game, lahat ng mga gamit binili ko para sa kanyasobrang mahal ’yon pag alam n’yo [ang mga] ’yon.”

At ngayong nagbabalik-tanaw siya, bigla siyang napasabi na pinagsisisihan na niya ngayon ang pagka-generous niya.

“Dapat pala, sa character ko nalang ginamit ’yon... kung alam n’yo lang na hindi pala naman pala kayo magkakatuluyan, sana akin nalang. 

Pinagsisisihan ko na. Hahaha!”

Ang character na sinasabi niya ay mga sikat na pop culture characters—mula sa mundo ng anime or superhero films at iba pa—na pinagkakagastusan at detalyado niyang ginagaya ang costume mula anit hanggang talampakan as a cosplayer.

Ang Henerasypong Sumuko sa Love, which is produced by Regal Entertainment, also stars Jane Oineza, Jerome Ponce, Albie Casiño, and Tony Labrusca. It opens in cinemas on October 2.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.