Myrtle, iniyakan ang muntik pagka-etsapwera sa pelikula

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

Hindi napigilan ni Myrtle Sarrosa na mapaluha sa press conference kamakailan ng pelikulang Papa Pogi ng Regal Films. Binawi na pala kasi sa kanya ang role dahil sa conflict ng shooting schedule nito sa isa pa niyang pelikula na last year din ginawa, ang fantasy-comedy na Wander Bra. Nagkataon na gustong-gusto niya ang leading lady role niya sa rom-com na Papa Pogi.

Sa pagre-recall ni Myrtle sa kung ano ang mga nangyari, nadamay na rin sa recollection niya ang hinagpis niya sa patuloy na pagiging struggling star niya, seven years after niyang hiranging big winner ng reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong 2012.

“Alam n’yo ’yong struggle sa industry na…ahh ilang beses nang nag-PBB (Pinoy Big Brother)… simula no’ng 2012, na nag-PBB ako, tapos nag-big winner…every year, tinatanong sa akin na, ‘Bakit hindi ka katulad ng ibang big winner, bakit wala kang project?’” gumagaralgal ang boses na salaysay ni Myrtle. 

“’Yon ang lagi nalang na tanong sa ‘kin, kung bakit wala sa akin ’yong gano’ng klase ng parang mga role? So, I’ve been waiting…struggling… na sana one day dumating sa akin ’yong mga role na ganito.”

Marahil ay naikukumpara siya sa mga iba pang big winners ng PBB malalaking pangalan na ngayon gaya nina Kim Chiu, James Reid, Melai Cantiveros, at maging ang namamayagpag ngayon na si Maymay Entrata.

Bukod pa roon, ilang beses na rin daw kasi siyang nawalan o muntik mawalan ng lead roles in the past.

Before kay Direk Maryo [J. delos Reyes] din…dapat Regal din kasi ’yon tapos nag-aantay din ako na sana nga may dumating…” patuloy ni Myrtle. “So grateful ako na even after Direk Maryo passed away, binigyan pa rin nila ako ng role…so thankful ako kay Ate Roselle [Monteverde] saka kay Mother [Lily Monteverde] and of course, sa Regal [Films]…Hay nako, naiiyak na ’ko…

Kaya aminado si Myrtle na talaga raw iniyakan niya ang role niya sa Papa Pogi no’ng akala niya ay talagang hindi na mapapasa-kamay niya.

“Kasi akala ko hindi na nila ibinigay sa akin last year…so, naalala ko pa ’yon no’ng sinabihan na ko na,Myrtle, hindi ka na namin kukunin sa Papa Pogi kasi nakahanap na sila ng ibang leading lady.’ So ‘yon na ang expectation ko last year na, ‘Hay, hindi na pala dadating sa akin…’

“So, no’ng ibinigay sa akin ’yong ano, a few weeks later na parang,  ‘Ay, ikaw na ulit, para sa’yo talaga ’yong role.’ So, sobrang happy ko.”

In fairness ay multi-talented si Myrtle. Bukod sa pagiging singer-actress, isa ring mahusay na cosplayer ang dalaga from Iloilo. Isa rin siyang professional online gamer at last year lang, kasama ang iba pang kabataang Pinoy, ay nagka-9th place sila sa isang international gaming competition na ginanap sa Bangkok, Thailand.

After ng Papa Pogi, mapapanood din si Myrtle sa pelikulang Ang Henerasyong Sumuko Sa Love na also under Regal Films. In the meantime, now showing na ang Papa Pogi in cinemas nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Maymay Entrata on having admirers: “hindi ko alam wala naman po”

Edward, binisto ang fangirl moment ni Maymay kay Dingdong Dantes

 

Kim Chiu stuns in series of bikini pics

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.