Mylene, ayaw ng kasal; ayaw na rin ng dagdag na anak

(Left photo) Mylene Dizon plays as Manisan, the mother of Sahaya played by Bianca Umali in GMA-7 latest drama series, Sahaya. (Right photo) Mylene with her boyfriend of six years, Jason Webb. The photo, which Mylene posted in her IG account, was taken in Boracay in December last year.

PHOTOS: GMA-7 Corp Comm & @missmylenedizon on Instagram

(Left photo) Mylene Dizon plays as Manisan, the mother of Sahaya played by Bianca Umali in GMA-7 latest drama series, Sahaya. (Right photo) Mylene with her boyfriend of six years, Jason Webb. The photo, which Mylene posted in her IG account, was taken in Boracay in December last year.

Tahimik at very private ang relasyon ni Mylene Dizon sa basketball coach na si Jason Webb. Kaya naman hindi namamalayan ng publiko na magsi-six years na pala silang magkasintahan.

 

“Never naman akong nagkaroon ng relationship na wherein naka-balandra sa public, e,” natatawang bungad ni Mylene.  “It’s not necessary. Saka siguro kasi nagma-mature na rin ako, and I’m looking for… pareho kami na naghanap na ng [stability]. . .”

 

Na-in love daw si Mylene sa pagiging maalaga ng boyfriend.

 

He will go out of his way… when he notice it na that there’s something wrong, na malungkot ako, I’m not enjoying whatever, he will find a way to spent time or to fill in whatever gap is missing there.”

 

Kapwa sila may mga anak na sa mga nauna nilang ka-relasyon pero never daw naging issue ito lalo pa’t magkakasundo naman daw ang mga bata. But as far as ang relasyon naman nila with each other’s kids are concerned, malinaw daw na hindi sila nagpapaka-parent sa mga anak ng isa’t isa.

 

Kumbaga, pag dating sa dalawang anak ni Mylene kay Paolo Paraiso na sina Tomas at Lucas, “ang tatay pa rin nila, si Paolo,” esplika ni Mylene. “Hindi step father level [si Jason].”

 

Dagdag pa ni Mylene, masaya raw ang set-up nila.

 

“[Parang] Brady Bunch lang,” natatawang sabi Mylene. “Yeah ’yong mga bata magkakalapit naman ang edad, magkakasundo…enjoyin na lang.”

 

Ang relationship daw nila ni Jason ang maiko-consider niyang longest niya so far. Nakatatlong taon sila ni Paolo, habang naka-apat na taon naman sila ng musician na si Ira Cruz (kabilang na ang balikan blues nila from 2010-2012). October 2013 naman naging magkasintahan sina Mylene at Jason na hiwalay sa asawa nitong si Claudine Trillo.

 

Pero hindi rin ma-i-pin down ni Mylene ang rason o sikreto kung bakit sila nagtatagal at lalong tumitibay.

 

“I don’t know, maybe because it’s not boring,” kaswal na sambit niya. “We fight. We like each other, we don’t like each other…maano kami, ang dami naming levels, hindi kami gano’n [flat], today is going to be different from… it’s never the same.

 

 “And there’s so many challenges because there are children involved. So that why siguro six years…kasi meron kayong laging ginagawa hindi ’yong nakatunganga lang kayo staring each other eyes or waiting for whatever’s going to happen. Both are …we’re both hard-working, we both love our children. Napaka-dedicated namin.”

 

Pero kahit tila all the stars are aligned for them, ayaw daw ni Mylene na makasal kay Jason.

 

Hindi na. . . never ko naman sinagot yan na gusto kong magpakasal, alam ninyo yan diba? Hindi ako pang-kasal, e.

 

Nasa process na yata ng pagpapa-annul sina Jason at ang dating TV host/news anchor na si Claudine Trillo. Pero umabot man daw doon ay hindi pa rin daw option for Mylene ang pakasalan si Jason. Kaya mabuti naman daw at hindi ito nabi-bring up pa ever sa kanilang pag-uusap.

 

Pero paano kung bigyan siya ng engagement ring nito isang araw?

 

“Maganda ba ’yong ring?” sakay naman ni Mylnene. “Ring lang naman diba? Isusuot ko lang naman diba? Wala naman, e. Unang-una hindi naman ako nagri-ring so, hindi magbibigay ng ring yan. Nakikita n‘yo ba ako na ma-aksesorya maliban pag may taping or shooting? Hindi rin naman.”

 

Bukod pa sa no-marriage policy ni Mylene, hindi na rin daw niya mabibigyan ng anak si Jason in the future.

 

“Forty-four [years old, na ako], sarado na natin ’yong factory…pucha naman ang mahal mahal ng tuition at saka ayoko nang maghabol ng bata…anak ng tipaklong naman. Okey na ako, okey na ako. Itong body na ito ang hirap ma-achieve nito, wag na natin pahirapan pa. Hahaha!”

 

Incidentally, umere na ngayong gabi (March 18) ang pilot episode ng nightly epic drama na Sahaya, ang reunion project ni Mylene sa tambalang BiGuel (Bianca Umali and Miguel Tanfelix), na una niyang nakatrabaho sa Once Upon A Kiss noong 2015. Ito rin ang nagsibling pagbabalik ni Mylene sa GMA-7.

 

In Sahaya, Mylene plays as Manisan, ang ina ni Sahaya (played by Bianca Umali) na gagawin ang lahat para magkaroon ng magandang buhay ang anak.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

 

Aga and Charlene exchange sweet messages for their 18th wedding anniversary


LOOK: Gardo Versoza is married!


Tom, 1000% sure nang pakakasalan si Carla


Makisig Morales’s wife Nicole Joson pens sweet wedding message: “I am yours and you are mine.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.