Multi-awarded actor na si Jiro Manio, arestado sa pananaksak; publiko nanghihinayang sa aktor

Tumatak sa publiko, hindi lamang ang maamong mukha kundi ang maging ang naging pagganap ng half-Japanese na Jiro Manio—Jiro Katakura in real life—sa 2003 film na Magnifico, kung saan naghakot din siya awards mula sa Famas, Urian, at Film Academy of the Philippines.

Photos: Marikina City Police & Jiro Manio Facebook Official Fan Page

Tumatak sa publiko, hindi lamang ang maamong mukha kundi ang maging ang naging pagganap ng half-Japanese na Jiro Manio—Jiro Katakura in real life—sa 2003 film na Magnifico, kung saan naghakot din siya awards mula sa Famas, Urian, at Film Academy of the Philippines.

Nasa custody ngayon ng Marikina police ang dating multi-awarded child star na si Jiro Manio matapos itong arestuhin kagabi, January 17, dahil sa umano ay pananaksak sa isang nagngangalang Zeus Doctolero.

Naganap umano ang insidente sa loob ng isang karinderia sa Barangay San Roque sa Marikina at ayon sa report ng DWIZ, tatlong beses umanong sinaksak ni Manio, 27, si Doctolero, 25. 

Sa naging pahayag umano ni Manio sa pulis, si Doctolero ang unang nanakit sa kanya sa pamamagitan ng pagpalo ng helmet sa kanyang ulo na naging dahilan para gantihan niya ito.

Agad namang naisugod sa ospital si Doctolero habang nananatiling nasa kustodiya ng pulis-Marikina ang aktor. Kasalukuyang pang iniimbestigahan ang puno’t dulo ng away nina Manio at Doctolero. Gayunpaman, nahaharap umano ang dating aktor sa kasong frustrated homicide.

Hindi ito ang unang pagkakataong naging laman ng nakagugulat na balita si Manio. Matatandaang ilang beses itong nasangkot sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot at naipasok lang sa rehab noong 2011. 

Wala na masyadong nabalitaan ang publiko tungkol sa aktor matapos noon until noong 2015, kung kailan naging maingay na naman ang kanyang pangalan matapos siyang mamataang pagala-gala sa loob ng NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3. Sinaklolohan si Manio ng kanyang Tanging Ina co-star na si Ai-Ai delas Alas noong mga panahong iyon at nag-volunteer pa ang aktres na muling ipasok sa rehab ang aktor. 

Matapos makalabas ng rehab ay wala nang nabalitaang muli sa dating aktor.

Tumatak sa publiko, hindi lamang ang maamong mukha kundi ang maging ang naging pagganap ng half-Japanese na Jiro Manio—Jiro Katakura in real life—sa 2003 film na Magnifico, kung saan naghakot din siya awards mula sa Famas, Urian, at Film Academy of the Philippines. Pero bago pa man ang Magnifico, nakapagbigay na siya ng mga award-winning performances din sa mga pelikulang  Bagong Buwan at Mila na kapwa ipinalabas noong 2001.

Huling napanood si Manio sa 2010 movie na Ang Tanging Ina Mo (Last Na ’To), ang third installment ng 2003 blockbuster hit ni Ai-Ai delas Alas na Ang Tanging Ina.

Mixed public reactions

Samantala, mixed reactions ang publiko sa bagong balita tungkol kay Jiro Manio. Marami ang nalulungkot at nanghihinayang sa kinasapitan ng aktor lalo na iyong mga nakapanood ng kanyang mga pelikula. 

Mayroon namang umaasa pa ring makaka-recover ang talented actor. May mga kumukuwestiyon din sa pananaw nito sa buhay at sa kawalan nang willingness na magbago; habang ang iba ay naghahanap nang sagot kung nasaan na ang mga dating tumutulong dito.

 

 

 

 

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.