MTRCB board members, kinundena ang mga online threats kay Lala Sotto

Sa kabila ng natatanggap nilang pag-atake, ipagpapatuloy daw ng MTRCB ang kanilang mandato para masigurong maayos ang mga TV and movie content na napapanood ng publiko. Hiniling din nila na maging responsible ang netizens sa kanilang mga puna at komento. 

PHOTOS: @MTRCBgov & @LalaSottoAGAP on Facebook

Sa kabila ng natatanggap nilang pag-atake, ipagpapatuloy daw ng MTRCB ang kanilang mandato para masigurong maayos ang mga TV and movie content na napapanood ng publiko. Hiniling din nila na maging responsible ang netizens sa kanilang mga puna at komento. 

Kinundena ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang mga natatanggap nilang online attacks and threats, partikular sa head nilang si Lala Sotto.

Sa inilabas na statement ng ahensya ngayong araw, September 14, sinabi nilang nakaka-alarma umano ang mga natatanggap nilang banta sa buhay at kaligtasan ng kanilang chairperson.

"Lala Sotto, the Chairperson of the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) became the target of alarming online attacks. Netizens have taken to the official social media pages of the MTRCB to express their grievances in an inappropriate and harmful manner, raising serious concerns about the safety and security of the Chairperson," pahayag ng MTRCB.

Dumagsa umano sa social media pages nila ang mga pag-atake kay Lala simula pa nitong mga nagdaang linggo.

"Over the past weeks, we have experienced an unfortunate surge in threatening messages on our official social media pages, including explicit rape and death threats directed at Chairperson Lala Sotto," saad pa ng ahensya. 

Hindi raw nila ipagwawalang-bahala ang mga ito dahil ginagawa lang naman umano ni Lala ang kaniyang trabaho. 

"'Chairperson Lala Sotto is a dedicated public servant who has spent her career advocating for responsible and inclusive media content. She has consistently championed the importance of media content that respects cultural sensitivities while contributing positively to the Philippine entertainment industry,'" lahad ni MTRCB Vice Chairman Njel De Mesa.

Dagdag pa rito ni MTRCB Executive Director II Atty. Mamarico Sansarona Jr., hindi deserve ni Lala o kahit ng sinong Filipino ang mga ganitong uri ng pag-atake. 

"'No Filipino deserves such kind of unfounded personal attack. We must not resort to personal attacks because our agency is just doing its mandate. We are happy that our Chair is very active in discharging the functions of our office based on existing laws,'" he said.

Bagama't pinahahalagahan daw ng ahensya ang natatanggap nilang puna, constructive criticism, at suggestions, kinukundena umano nila ang anumang uri ng threats at harassment.

"While the MTRCB recognizes the importance of constructive criticism and open dialogue, it strongly condemns any form of threats, harassment, or violence, both online and offline. Such behavior is not only illegal but also runs counter to the principles of a Filipino value-based media and entertainment culture that the MTRCB upholds," diin ng ahensya.

Sa kabila nito, ipagpapatuloy daw ng government agency ang kanilang mandato para masigurong maayos ang mga TV and movie content na napapanood ng publiko.

Hiniling din nila maging responsible ang netizens sa kanilang mga puna at komento. 

"The MTRCB remains steadfast in its mission to ensure that television and movie content aligns with the cultural values and norms of the Philippines. We continue to encourage constructive dialogue with the public, emphasizing the importance of civil discourse and responsible criticism," pagtatapos nila.

Matatandaang naging laman ng mga balita nitong mga nagdaang linggo si Lala nang maglabas ng notice to appear and testify ang MTRCB para sa pamunuan ng noontime show na It's Showtime.

Dahil daw ito sa umano’y "indecent manner" na pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing sa segment nilang Isip Bata.

Dito na nagsimulang malagay sa hot seat si Chairman Lala. Umani ng negative reactions mula sa fans ni Vice at ng It's Showtime ang hakbang na iyon ng MTRCB. Bintang ng ilang netizens, tila may kinikilingan umano ito ang ahensya.

Nagkibit-balikat lang daw ang ahensya sa halos kasabay na reklamo naman laban sa katapat ng show ng It’s Showtime, ang E.A.T, pointing doon sa ginawang umano’y gigil na paghalik ni Tito Sotto sa wife nitong si Helen Gamboa. Pinunto rin nila ang pagmumura off-cam ni Wally Bayola pero ang audio ay na-capture pa rin sa live TV. Pinalagpas umano ni Lala ang mga nangyari sa E.A.T dahil mga magulang niya at malalapit sa kanya ang mga involved doon.

Mas naging mainit pa si Chairman Lala sa mata ng mga taga-suporta ni Vice nang ilabas ng MTRCB sanction nito na 12-day airing suspension para sa It's Showtime.

Depensa ng ahensya, ilang beses na umanong na-warning-an ang It's Showtime dahil sa mga violations na nagawa ng mga hosts sa magkakaibang okasyon.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Wally Bayola, tikom sa isyu ng pagmumura; handa sa anumang parusang ipapataw sa kanya ng MTRCB

It’s Showtime, hinatulan na ng MTRCB; suspended for 12 days!

Kim Chiu, may mensahe sa kanyang It's Showtime family kasunod ng 12-day suspension na ipinataw ng MTRCB sa programa nila

The Butcher | How will the MTRCB deal with the noontime miscreants?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.