Mother Lily turns 80

PHOTO: Anna Pingol

PHOTO: Anna Pingol

Isang bonggang selebrasyon ang inihanda ng buong Monteverde family para sa kanilang beloved matriarch na si Lily Yu Monteverde, na mas kilala sa tawag na Mother Lily, who turned 80 years old today. 
     Mahigit isang buwan ding plinano ng mga ka-anak ni Mother Lily—(asawang si Leonardo or Father Remy), mga anak at manugang (na sina Renald Winston, mag-asawang Stephen and Marie Sherida, Marie Roselle, mag-asawang Ronald Stephen at Grace, at si Richard Goldwin) at mga apo (na sina Keith at asawang si Winni, Theodore Gallagher, Bridget Lauren, Matthew Grabt, Redwin Grifgith, Jewel Marie, at Kristen Gabrielle)—ang big celebration na kasalukuyang ginaganap sa grand ballroom ng Crowne Plaza Manila Galleria sa Quezon City.
     Bagama’t taun-taong nagpa-pa-“tayo-tayo” lang party si Mother Lily na inaabot din naman nang 200-plus guests, minarapat ng mga kaanak niyang mas bonggahan pa ang celebration this year. After all, bihira and umaabot sa 80 years old na maliksi pa ang katawan at isip gaya ni Mother.
     Mahigit pa nga naman sa milestone na maituturing ang pag-abot niya sa edad na ito, lalo pa’t minsang nagka-cancer scare ang iconic lady film producer nang may matuklasang lump sa kanyang baga noong 2013.
    Thanksgiving party ang tawag ng mga Monteverde sa ginanap na party ngayon, kung saan imbitado ang halos buong showbiz, ilang political figures, at mga malalapit na Filipino-Chinese friends ng beloved lady producer. 
     Sa dulo ng ipinamahaging printed invites ay may nakasaad na message na tila galing mismo sa birthday celebrant. It went: “After 80 years, we need nothing more. The very best gift is your presence.”
Past 8pm na nang lumabas si Mother para harapin ang mga bisita at nagbigay muna siya ng isang bongga at mahabang dance number na sinimulan sa kantang “Mama Mia.”
      Tune in for our video and photo coverage soon.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.