Mother Lily iwas-pusoy sa Barretto issues, wag na daw intrigahin; sagot ni Lolit Solis: “Sila nag-open, e.”

Kapwa kasi naging malapit ang dalawang showbiz pillars na ito sa Barretto sisters, bagama’t aminado si Lolit na among the three, pinaka naging close siya noong araw kay Gretchen lalo noong mga panahong Regal baby pa ito, kasabay ng cute na cute daw noon na si Nadia Montenegro. Si Mother Lily naman ay naging producer ng mga projects ng tatlo at one time or another, lalo na si Gretchen na wholesome ang image sa Regal bago naging ST [sex trip] Queen ng Seiko Films in the late 80s.

PHOTO: Anna Pingol

Kanina, sa press conference para sa pelikulang The Annulment ng Regal Entertainment na ginanap sa #38 Valencia Events Place in Quezon City, ay saglit naming nakatsikahan sina Mother Lily Monteverde, producer ng said movie; at ang veteran movie writer/talent manager [na crossing over na rin as social media influencer dahil sa dami ng followers] at nahingan ng maikling comments regarding sa pinaka-maingay na showbiz issue ngayon: ang very public na bangayan at labasan ng baho ng pamilya Barretto partikular na ang mga directly involved na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Kapwa kasi naging malapit ang dalawang showbiz pillars na ito sa Barretto sisters, bagama’t aminado si Lolit na among the three, pinaka naging close siya noong araw kay Gretchen lalo noong mga panahong Regal baby pa ito, kasabay ng cute na cute daw noon na si Nadia Montenegro. Si Mother Lily naman ay naging producer ng mga projects ng tatlo at one time or another, lalo na si Gretchen na wholesome ang image sa Regal bago naging ST [sex trip] Queen ng Seiko Films in the late 80s.

Iwas-pusoy si Mother Lily. Ayaw niyang magbigay ng pahayag dahil mahal daw niya ang magkakapatid. Hinimok niya pa ang mga nag-uusisa—kabilang na ang pikapika.ph—na tigilan ang pang-iintriga sa mga ito.

“Hindi naman sa ayaw kong mag-comment kasi itong Barretto family they are all my love, they grew up with me kaya alam ko kung ano yong nangyayari. Kaya nga stop it na ’yong mga intriga sa mga tao...”

Sumabat naman si Manay Lolit, na sa tagal sa industriya ay maituturing na ring isang showbiz analyst, na iba naman daw ang case ng mga Barretto.

“Mother hindi sila nang-iintriga,” patukoy ni Lolit sa mga nagtatanong. “Sila [the Barrettos] naman ang nagpa-open, e. Kaya magbibigay ka lang ng comment, diba? Hindi mo ma-ano, Mother, e...Sila naman ang nag-open, public na public sila.”

Hindi na naka-hirit si Mother at um-agree nalang kay Lolit. In the end, hiniling nalang niya na:  “Let’s just pray for them.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.