Inamin ng singer-songwriter na si Moira dela Torre na bukod sa pagiging introvert o mahiyain ay meron pa raw s’yang attention deficit hyperactivity disorder o ADHD.
Sinabi n’ya ito kamakailan nang ipakilala s’ya bilang brand ambassador ng wine brand na Maria Clara Sangria.
Natanong kasi si Moira ni TV5 reporter MJ Marfori kung anong uri ng social drinker s’ya bilang endorser na s’ya ngayon ng isang alcoholic beverage.
Dito sinabi ng hugot OPM singer na mahiyain talaga s’ya pero nagsikap raw s’yang sanayin ang sarili na makipaghalubilo sa mga tao.
“In our industry, we always have to be social. I am an introvert but I had to learn to be social,” sagot ni Moira.
Sa puntong ito na rin n’ya inihayag na meron s’yang ADHD, o iyong uri ng neurodevelopmental disorder.
(According to kidshealth.org, ang mga taong may ADHD ay karaniwang merong short attention span, implusive behaviour, o kaya naman ay overly active.)
“I am an introvert and I have ADHD. But I have to be social and to be around people,” pag-amin n’ya.
Pag dating naman umano sa pag-inom ng alak, kaya naman daw n’yang kontrolin ang kanyang sarili.
Pinagbibigyan naman daw n’ya ang sarili na malasing paminsan-minsan kapag alam n’yang safe s’ya at mapagkakatiwalaan ang kanyang mga kainuman.
“I have learned to kind of drink socially. So when I’m out, I’m kind of know how to control my drinking,” aniya.
“But when I am around the people I’m safe with I do allow myself to get a little drunk,” dagdag pa n’ya.
Sa one-on-one interview pa n’ya with MJ, nai-share ni Moira na recently lang n’ya nalaman na may ADHD pala s’ya.
“Just recently, actually. But walang na-surprise. Haha! Ako lang,” natatawang sabi n’ya.
Hindi pa nga raw n’ya in-expect na meron pala s’ya nito dahil ang pagkakaalam raw n’ya sa ADHD ay ang pagiging hyper active. Kabaliktaran naman daw kasi s’ya nu’n.
Pero nalaman umano n’ya na maraming nasa creative industry ang nagtataglay ng ganitong uri ng disorder.
“Parang madami palang creatives ang may ADHD. So now I’m about to find out what level… I don’t know. But I’m looking forward to that,” she said.
Sa case naman daw n’ya, may mga tunog lang na nakakapagpa-trigger sa kanya.
“Halimbawa, may certain sounds na mawawala ’yong train of thought mo,” pagbabahagi ng singer-songwriter.
Dahil dito ay na-curious si MJ kung paano na lang tuwing sumasampa s’ya sa stage sa concert n’ya.
“Siguro iba… hindi naman. There’s hyper focus… I don’t know. I really don’t know,” Moira said.
“When I’m on stage, I feel like I’m just talking to friends. But when it’s a big stage… I don’t know. I really don’t know. I don’t want to pretend na I know anything,” she added.
Ngayong nalaman na n’ya na meron s’yang ADHD, mas maglalaan daw s’ya ng panahon para mas kilalanin pa ang kanyang sarili.
“It looks like a new season for me to better knowing myself,” aniya.
Noon daw kasi ay masyado s’yang hard sa kanyang sarili lalo na kapag hindi n’ya nagagawa nang maayos ang mga bagay-bagay.
“I feel like I’ve been always so hard on myself. I always beat myself up for not having it together,” she shared.
“Hindi naman po ako perfectionist. Ang dami ko nga pong hindi natatapos, e. May mga bagay na gusto ko dapat tapusin, mga bagay na gusto kong gawin na hindi ko naman nagagawa,” paliwanag ni Moira.
“But I do like finishing what I started. I like being excellent with things,” dagdag pa n’ya.
“In general, I’m hard on myself because there are moments that I feel like I could do things better but for some reason I can’t.”
Kung may mensahe man daw s’ya sa publiko, iyon ay ang huwag matakot na magpatingin sa mga espesyalista para mabigyan ng sagot o lunas kung meron man silang nararamdaman.
“If there’s anything I want to encourage people is to not be scared to learn about yourself. Don’t be afraid to ask specialists, to go to a psych, because you can’t heal what you don’t acknowledge,” sabi n’ya.
“And you can’t move forward if you don’t acknowledge where you are right now. That’s what I’ve been doing, taking things one step at a time. I’m not in a rush,” she continued.
“But looking back in the past year, I’m so surprised how far I’ve come,” pagtatapos ni Moira.
YOU MAY ALSO LIKE:
Handler nina Jason Hernandez at Moira dela Torre, pumalag sa pang-iintriga ni Xian Gaza
Moira dela Torre, pala-utos daw according sa pala-sunod naman na asawa niyang si Jason Hernandez
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber