MMDA Chairman Lim, positibo sa magiging resulta ng Summer MMFF sa Abril

PHOTO: Tom Pornel

PHOTO: Tom Pornel

Opisyal nang in-announce kahapon, March 2, ang mga pelikulang pasok sa Magic 8 ng first-ever Summer Metro Manila Film Festival [SMMFF] na gaganapin sa buwan ng Abril.

Kauna-unahan ito sa kasaysayan ng 45-year-old Metro Manila Film Festival [MMFF]. For the longest time kasi, tuwing December lang may MMFF na nagbubukas tuwing araw ng Pasko at tumatagal hanggang unang linggo ng January ng susunod na taon.

Matapos ang event at announcement ng official entries na ginanap sa Novotel in Quezon City, na-interview ng entertainment press si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim na s'yang nanguna sa pag-annouce ng walong pelikula katuwang si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Gaya ng MMFF tuwing December, hawak ng MMDA ang SMMFF. This time, kasama ang Local Goverment ng Quezon City na s'yang pinaka-host city ng festival ngayong taon.

Sa interview, nagbigay ng positibong pananaw si Chairman Lim sa papalapit na film festival.

"Kahit ano’ng mangyari, kahit magkaproblema tayo sa ekonomiya, kahit na may corona virus, tayong mga Pilipino mahihilig manood ng sine," paliwanag ng MMDA chairman sa press.

"So palagay ko tatangkilikin pa rin ito ng mga kababayan natin. At may mga problemang ganyan on the side, palagay ko, lalong lalo na unang-unang summer ng Manila Film Fest natin ito dapat talaga maganda...I'm very positive.

"Malaki ang suporta ng ating LGU, ng Quezon City, movie theater owners, lahat po. Magsasama-sama tayo dito para maging successful ito."

Malaki rin umano ang tiwala ni Chairman Lim na kikita ang mga pelikulang kalahok lalo pa't sinuri ito ng mga haligi ng Philippine movie industry.

"Buo ang tiwala ko sa board natin na namili ng walong entries na 'yan," patuloy pa ni Chairman Danilo Lim. "At sa tingin ko naman ay magaganda lahat ang mga napili na ito, deserving na mapasama sa walo. So, walang dahilan para hindi maging maganda ang performance ng mga pelikulang ito sa takilya.

"Very well-respected in the industry itong mga mga members [ng jury]. Alam naman ninyo ang chairman d'yan si Direktor Lumbera. Kilalang kilala...institusyon na 'yan sa ating sining at pelikula, supported by the others na equally competent.

Si Direktor Bienvenido Lumbera, by the way, ay isang dramatista at National Artist for Literature na nakatanggap din ng samu't saring awards at pagkilala mula sa National Book Awards, Ramon Magsaysay Award at Carlos Palanca Memorial Awards.

Dagdag pa ni Chairman Lim, parehas daw ang mga magiging pa-premyo sa mga mananalo ngayong summer sa kung ano ang prizes nila tuwing MMFF sa panahon ng kapaskuhan.

"Kung ano 'yong prizes na binibigay natin sa mga actors, sa mga nananalo, ganun din," paglalahad ni Chairman Lim. "May incentive pa tayo during the December Film Fest na kung sinong mananalong best picture, i-sponsor natin sa mga international film fest [para] magkaroon ng exposure, magkaroon ng pagkakataon na manalo ng international awards."

"'Yong mga awards na ibibigay natin, kung ilang daang libo 'yan na award, ganun din. Ayaw natin na masabi na itong summer film fest ay second class kumpara sa ano. Dapat pareho lang."

Hinimok din ni Chairman Lim ang younger generations na suportahan ang Summer Metro Manila Film Festival, and of course, ang Pelikulang Pilipino.

"Bakasyon ng mga kabataan. We encourage them na, bakasyon naman, isama ninyo ang mga pamilya ninyo, mga kaibigan ninyo. Manood kayo ng sine."

Magaganap ang Parade of Stars ng on April 4 na magmumula sa Welcome Rotonda at magtatapos sa Quezon City Circle.

Magbubukas naman ang 11-day film festival sa April 11 na tatapat sa Sabado de Gloria, at tatagal hanggang April 21. Habang ang kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival awarding ceremony naman ay gaganapin sa April 13.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aga Muhlach gives his thoughts on MMFF Best Actor loss; says he has learned not to expect throughout the years

VIVA bosses, may mga klinaro: na pitong taon na silang No. 1 sa MMFF at hindi kakulangan ng magagandang local materials ang dahilan kung bakit sila nag-a-adapt ng pelikula

45th MMFF Gabi ng Parangal Highlights

Si Aga Muhlach na nga ba ang bagong MMFF King?

Judy Ann Santos’s acceptance speech as best actress at the 45th MMFF Awards Night, magkahalong serious at patawa.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.