Miss Universe 2023 made history dahil sa unang pagkakataon ay nanalo ang beauty queen from Nicaragua sa katauhan ni Sheynnis Palacios.
Ginanap ang 72nd Miss Universe coronation ceremonies sa Jose Adolfo Pineda Arena in San Salvador, ang capital ng El Salvador.
Kinabog ni Palacios ang 84 other candidates sa simula pa lang ng preliminary hanggang sa final coronation. Consistent crowd favorite at naging effortless ang pagpasok ng Nicaraguan beauty sa Top 20, Top 10, Top 5, at Top 3 hanggang koronahan na siya ni outgoing queen R'bonney Gabriel of the United States of America.
Born in Managua, Nicaragua on May 30, 2000, Palacios was educated at La Salle Managua Pedagogical Institute, kunsaan nanalo siya as Miss Lasallista. She also won Miss Teen Nicaragua in 2016.
She graduated from Central American University with a bachelor's degree in mass communication at nagtrabaho bilang isang journalist.
During her youth, nag-suffer si Palacios ng anxiety attacks kaya ang tumulong sa mental health awareness ang kanyang pageant platform.
Bago ang Miss Universe, nag-compete na si Palacios sa Miss World 2021 at nakapasok ito sa Top 40.
Ang former Miss Supranational and Thai candidate na si Anntonia Porsild ang hinirang na 1st runner-up; samantalang ang Australian beauty na si Moraya Wilson ang 2nd runner-up.
Completing the Top 5 were Karla Guilfu Acevedo of Puerto Rico and Camila Avella of Colombia, na kauna-unahang contestant ng Miss Universe na isang mother of two children.
Ang ating pambato na si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ay nagpakita ng strong performance mula sa preliminary judging hanggang sa makapasok siya sa Top 20 at Top 10.
Nakabilang din si Dee sa tatlong Gold winners ng Voice for Change advocacy project ng Miss Universe. Kasama niya rito sina Karla Guilfu Acevedo of Puerto Rico and Ana Barbara da Silva Coimbra of Angola. Tumanggap sila ng tig-$12,000 para sa respective outreach projects nila.
Ang ibang kandidata na bumuo sa Top 10 ay sina Camila Esribens (Peru), Isabella Garcia-Manzo (El Salvador), Diana Silva (Venezuela) and Athenea Perez (Spain).
Ang ibang candidates ng Top 20 ay sina Marina Machete (Portugal), Erica Robin (Pakistan), Shweta Sharda (India), Jameela Uiras (Namibia), Celeste Viel (Chile), Jordanne Levy (Jamaica), Noelia Voigt (USA), Issie Princess (Cameroon), Jane Dipika Garrett (Nepal) and Bryoni Govender (South Africa).
Si Miss Portugal naman ang unang transwoman na makapasok sa Top 20 ng Miss Universe; habang si Miss Nepal naman ang unang plus-size candidate. First time ding sumali ng bansang Pakistan sa naturang pageant.
Ang naging members ng selection committee this year ay sina Miss Universe 1977 Janelle "Penny" Commissiong, Carson Kressley, Avani Gregg, supermodel Halima Aden, Dr. Connie Mariano, Mario Bautista, Sweta Patel, actor Giselle Blondet, Denise White, and Miss Universe 2016 Iris Mittenaere.
Nagpasalamat naman ang president ng El Salvador na si Nayib Bukele dahil sa mainit na pagtangkilik ng buong mundo sa Miss Universe na ginanap sa kanilang bansa for the second time. Unang ginanap ang Miss Universe sa El Salvador noong 1975.
Mga naging hosts ng pageant ay sina Maria Menounos, Miss Universe 2012 Olivia Culpo, Jeannie Mai, habang backstage correspondents sina Zuri Hall and Miss Universe 2018 Catriona Gray. Ang EGOT (Emmy, Grammy, Oscar, Tony) awardee na si John Legend ang naging guest performer.
YOU MAY ALSO LIKE:
The Butcher | A hotel that once housed Miss Universe delegates is now in peril
Michelle Dee, pasok bilang Silver Finalist ng The Voice for Change competition ng Miss Universe
National costume ni Michelle Dee sa Miss U, pinusuan ng mga celebrities at netizens
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber