Mikee Quintos, umaming “umasa” noon kay Alden Richards; “Masisisi n’yo ba ako?”

Katwiran ni Mikee Quinto, sino ba naman daw ang hindi mai-in love kay Alden Richards gayong matagal n’ya itong nakasama sa tent noong magkatrabaho sila at nakilala n’ya nang mabuti ang pagkatao nito.

PHOTOS: @MikeeQuintosOfficial & @AldenRichards on Facebook

Katwiran ni Mikee Quinto, sino ba naman daw ang hindi mai-in love kay Alden Richards gayong matagal n’ya itong nakasama sa tent noong magkatrabaho sila at nakilala n’ya nang mabuti ang pagkatao nito.

Umasa pala noon ang aktres na si Mikee Quintos na magkakaroon sila ng relasyon ni Alden Richards.

Iyan ang matapang na inamin n’ya nang mag-guest sila ng kaibigan n’yang si Mikoy Morales ngayong araw, October 2, sa programang Fast Talk With Boy Abunda. 

Nasabi ito ni Mikee sa show matapos s’yang matanong ni Tito Boy sa “Fast Talk” segment kung naranasan na ba n’yang umasa sa kanyang mga naging co-star.

Oo” ang naging sagot dito ng palabang aktres kaya naman ito ang binalikang tanong ng TV host sa sumunod na segment na “Talk or Dare.”

Dito, binigyan ng chance si Mikee na sarilinin na lang ang kuwento sa likod ng kanyang pag-amin pero gagayahin n’ya ang dance moves ng boyfriend niyang si Paul Salas bilang kapalit.

Sa huli, “Talk” ang pinili n’ya.

Matagal na ’yon so, walang masama,” sabi n’ya. “Alam naman ni Paul ito. Talk na lang, Tito.

Dahil dito ay naghiyawan sa excitement ang mga tao sa set.

Wag n’yo ako tini-test. Matapang ako,” natatawa pero palabang bigkas ni Mikee.

Kasunod nito ay ang pag-amin n’ya na umasa s’ya na magiging sila ng kanyang leading man sa teleseryeng The Gift (2019) na si Alden Richards.

Si Richard po. Si Alden,” she confessed.

(Richard Faulkerson, Jr. ang real name ni Alden Richards.)

Ayon pa kay Mikee, aware daw si Alden na nagka-feelings s’ya dito noong mga panahong ginagawa nila ang The Gift. 

Alam n’ya ’yon kasi magkakasama kami sa show,” aniya. 

Na-curious naman si Tito Boy at nagtanong nag: “Ito ba ay resolved na?

“Yes, we talked about it. Okey naman. We’re good friends pa rin,” tugon  ni Mikee.

Na-fall daw s’ya sa tinaguriang Asia’s Multimedia Star nang makilala n’ya nang mabuti ang pagkatao ito. 

Kasi buong show, imagine n’yo po, magkaka-tent kami. Kaming tatlo [nina Mikoy]. Tapos nakilala ko ’yong pagkatao n’ya. Sweet s’ya, na mabait s’ya…gaano ka-genuine, sobrang God-fearing,” paliwanag ng dalagang aktres.

“And I just had to try to express whatever I was feeling. I couldn’t explain it so I did express. But it wasn’t reciprocated.” pagtatapat pa n’ya.

Pinasalamatan naman s’ya ni Tito Boy dahil sa kanyang tapang.

Sinabi ko ’yon straight up. I think, ngayon nakikita ko na ’yong worth ng tapang ko which is not something na ikakahiya ko, e,” ani Mikee.

Sarap din. I grew from it. I learned a lot from it. It was an experience,” she added.

Hirit naman ni Mikoy sa kanya, “Si Alden naman ’yon, e.”

Parang sinasabi nito na ayos lang ’yon dahil kahit sino naman daw ay talagang din mapo-fall sa binatang aktor. 

Oo nga. Masisisi n’yo ba ako?” sey naman ni Mikee na tila tinatanong ang mga manonood.

Sa ngayon, happy na ang aktres sa piling ng nobyo n’yang si Paul Salas. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Alden Richards, gustong si Joshua Garcia ang gumanap bilang siya sakaling magka-part 2 ang life story niya sa Magpakailanman

Mikee Quintos, na-awkward maging love interest ang BFF na si Ruru Madrid

Bestfriends ni Mikee Quintos na sina Ruru Madrid at Mikoy Morales, hindi boto sa boyfriend niyang si Paul Salas noon

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.