Mikee Quintos, on Cloud 9 ngayon matapos makagawa ng single na tatak-Mikee at hindi tatak-TV character

Ayon sa singer-actres na si Mikee, nasa single niyang “Just Enough,” composed by songwriter Ms. Roxy Fabian, ang pinakamalapit na kahulugan ng love para sa kanya. “...na  very calm, very comforting, ’yong hindi nakakabaliw, ’yong kalmado ka but it makes sense... na hindi mo ma-explain but it makes sense.”

PHOTOS: @mikee on Instagram

Ayon sa singer-actres na si Mikee, nasa single niyang “Just Enough,” composed by songwriter Ms. Roxy Fabian, ang pinakamalapit na kahulugan ng love para sa kanya. “...na very calm, very comforting, ’yong hindi nakakabaliw, ’yong kalmado ka but it makes sense... na hindi mo ma-explain but it makes sense.”

Hindi sinasadyang maging emosyonal ng singer-actress na si Mikee Quintos during the virtual media conference para sa kanyang debut single na “Just Enough” last September 24.

Napansin ng entertainment press na talagang masaya at halatang overwhelmed ang Kapuso artist sa bagong milestone sa kanyang showbiz career. 

Nito lamang Agosto nang mapabilang s’ya bilang isa sa mga piling artists para sa GMA Playlist, ang bagong sub-label ng GMA Music. At heto nga at may ini-rerelease na s’yang single.

Ayon kay Mikee, ipinagdasal daw talaga n’ya ang magkaroon siya ng sarili n’yang single na tatak-Mike talaga. Puro daw kasi naka-base sa mga naging characters n’ya sa TV series ang mga inilabas n’yang kanta in the past. 

“In my memory, sa point of view ko din, all my songs na we released before are as my characters,” esplika niya. “As Mila (in Onanay, 2018), as Lira (in Encantadia, 2016), as Chef Apple (in The Lost Recipe, 2021). But never as Mikee. This is the very first time na as Mikee.”

At sa puntong ito ng kanyang pagsasalita, hindi sinasadyang maiyak ng Kapuso star. 

“It’s really my dream kasi,” naluluhang pagpapatuloy ni Mikee. “As in mahirap s’yang i-start… Sobrang tagal ko po talagang pinagdasal.

“Siguro din ’yong mga na-realize ko po sa process at ’yong mga things na hinarap ko sa sarili ko. ’Yong insecurity... lahat ng ’yon na-realize ko because of doing this. Kaya po siguro happy din ako. Maaalala ko na ’yon pag narinig ko na ’yong kanta na ’yong time na ’yan ito ’yong natutunan ko.’”

Dahil dito, napatunayan daw n’ya sulit ang kanyang paghihintay na dumating ang araw na ito sa kanyang career. 

“Mas tama ’yong timeline ni God kesa ’yong timeline na nasa utak mo,” aniya. “Minsan kaka-plano natin, pinanghahawakan natin ’yong plans nakakalimutan natin may mas magandang plans si God.”

Love ang tema ng “Just Enough,” composed by songwriter Ms. Roxy Fabian. Sey ni Mikee, nasa kantang ito daw ang pinakamalapit na kahulugan sa kanya ng pag-ibig. 

“Out of all the songs they sent me, ito po ’yong pinaka-tumama sa akin ’cause s’ya ’yong pinaka-malapit sa definition ko of what I think love is…na  very calm, very comforting, ’yong hindi nakakabaliw, ’yong kalmado ka but it makes sense... na hindi mo ma-explain but it makes sense,” paliwanag ng talented Manileña actress. 

Dagdag pa n’ya, ang suporta daw ng kanyang mga fans ang nag-push sa kanya n’ya para ituloy ang pangarap na magkaroon ng sarili niyang single. 

“Honestly, ’yong motivation ko for this dito talaga ’yong mga fans, ’yong support nila,” pahayag n’ya. “I don’t want them to think na it’s corny. I don’t want people think na palusot ko lang ’yon kasi totoong na-feel ko s’ya for the fans.”

Takot daw kasi s’ya na mag-explore noon pero na-overcome n’ya daw ’yon dahil sa suporta ng kanyang fans. 

“Last year, 2020, or in my years in showbiz, it was hard for me to take compliments or it was hard for me to jump going to music. From acting, medyo takot ako sa jump na ’yon dahil all my life kumakanta ako so s’yempre magiging choosy ka sa ganu’n, ’di ba… ’yong takot,” pag-amin n’ya.

“Pero ’yong fans ’yong nag-push sa akin, as in ’yong messages nila na ‘Release a song na.’ ’Yon po talaga. I want them to feel the love, this love na I was feeling when I was recording, sila ’yong naiisip ko.”

Maliban sa bagong single, marami pa daw na io-offer si Mikee sa kanyang mga taga-suporta pero hindi n’ya muna idinetalye ang mga ’yon. 

“Maraming plans pero ayoko s’yang i-announce until it’s really out there na. But this [song] won’t be the last naman, promise. I really hope people will enjoy this song,” pagtatapos n’ya. 

Mikee’s “Just Enough” is now available in all streaming platforms worldwide.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.