Mikee Quintos, inspired sa pagiging grounded ni Alden Richards

“Pag si Alden ‘yong ka-eksena, game akong tumalon ng emosyon,” says Mikee (left photo). (Right Photo) The rest of the cast of The Gift (L-R) Tetay, Thia Thomalia, Mikoy Morales, Victor Anastacio, Mikee, Ms. Elizabeth Oropesa, Jo Berry, Alden Richards, Jean Garcia, Christian Vasquez, Direk L.A. Madridejos, and Ms. Luz Valdez.

PHOTOS: Anna Pingol

“Pag si Alden ‘yong ka-eksena, game akong tumalon ng emosyon,” says Mikee (left photo). (Right Photo) The rest of the cast of The Gift (L-R) Tetay, Thia Thomalia, Mikoy Morales, Victor Anastacio, Mikee, Ms. Elizabeth Oropesa, Jo Berry, Alden Richards, Jean Garcia, Christian Vasquez, Direk L.A. Madridejos, and Ms. Luz Valdez.

Naunang di hamak na mag-artista si Alden Richards kesa kay Mikee Quintos na noong 2016 lang naging official member ng Kapuso family. Pero more than sa seniority ni Alden sa showbiz, mas nirerespeto daw ni Mikee ang nakita niyang pagpapahalaga ni Alden sa kanyang trabaho.

“Magkaibigan na kami kasi nag-workshop na kami together, I’m really excited kasi isa si Alden talaga sa mga nirirespeto kong artista,” tsika ni Mikee sa press conference ng The Gift  kamakailan. “Mahal niya talaga ’yong craft niya. As in nakita ko ’yong work ethics niya nakita ko kung pa’no siya ’yon nga, hindi siya nagbabago.”

Si Alden daw is proof na kahit maging malaking pangalan ang isang tao ay p’wede palang manatiling grounded at hindi malaki ang ulo. At ang nao-observe daw niyang magandang ugali ni Alden serves as an inspiration sa mga gaya niyang relatively new sa industriya.

“I told him this na kahit sa amin kapwa artista he serves as an inspiration,” patuloy ni Mikee. “Kasi lahat ng naging success na naabot na niya ngayon, [mga] achievements...nagawa niya nang hindi siya nagbabago...na grounded pa rin siya. And inspiration ’yon for us... na oo hindi kailangan magbago, hindi kailangan ma-compromise ’yong values mo para lang maging successful na ganyan.”

Mahal kita, mahal mo siya ang drama ng role ni Mikee sa The Gift. In love siya kay Alden pero pine-friendzone lang siya nito dahil ang atensyon ni Seph (character ni Alden) ay nasa introducing star na si Thia Thomalia

“Hindi niya ako gusto, ako ’yong naghahabol sa kanya,” tsika ni Mikee tungkol sa kanyang role. 

Ganun pa man, ang mapasama sa The Gift at maka-eksena ang hinahangaan niyang si Alden are enough blessings for Mikee, na nakilala nang husto ng publiko dahil sa drama series na Onanay na nagtapos lang last March.

“I’m really excited o diba?  Hahaha! I’m really excited na maki-eksena siya at maka-create ng eksena o makapag-taping together with Direk and LA [Madridejos],” kinikilig na pahabol ni Mikee. “Ako mismo magulat din sa sarili namin na ’yong napi-feel namin sa bawat eksena... ’yong tipong game akong tumalon sa emosyon pag si Alden ’yong ka-eksena mo. We’re very comfortable na and sana ma-follow through at makita ninyo po ’yon sa gagawin naming mga eksena dito saThe Gift.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.