Mike Tan, pabor sa sperm-freezing

Pabor daw si Mike Tan sa idea na magpa-freeze ng sperm ang mga lalaking hindi pa ready magkaroon ng baby. “If you have the money…kasi medyo mahal s’ya, e. If you have the money, if you have the resources, at gusto mo s’yang gawin, just do it. Wala namang mawawala,” saad n’ya.

PHOTO: GMA Network

Pabor daw si Mike Tan sa idea na magpa-freeze ng sperm ang mga lalaking hindi pa ready magkaroon ng baby. “If you have the money…kasi medyo mahal s’ya, e. If you have the money, if you have the resources, at gusto mo s’yang gawin, just do it. Wala namang mawawala,” saad n’ya.

In favor daw ang aktor na si Mike Tan na magpa-freeze ng sperm ang mga gaya n’yang daddy o ’yong mga lalaking gustong makabuo ng anak in the future. 

Sinabi n’ya ito sa media conference nila last April 25 para sa upcoming afternoon drama nilang The Seed of Love.

Base sa kuwento ng teleserye, nagpa-freeze ng sperm ang character ni Mike na si Bobby at gagamitin nila ’yon ng wife n’yang si Eileen, played by Glaiza de Castro, para makabuo ng anak.

Dahil dito ay natanong ng entertainment press ang aktor kung pabor ba s’ya sa pagpapa-freeze ng sperm sa totoong buhay.

“Yeah, definitely,” sagot ni Mike.

Basta may pera at resources naman daw ang kahit na sinong lalaki ay p’wede itong gawin. 

“If you have the money…kasi medyo mahal s’ya, e. If you have the money, if you have the resources, at gusto mo s’yang gawin, just do it. Wala namang mawawala,” saad pa ng celebrity dad.

Kung may mga babae daw kasi na hindi pa ready magkaanak kaya’t nagpapa-freeze ng kanilang egg cells, meron ding mga lalaki na ganu’n ang naiisip.

P’wede kasi nilang magamit ang frozen eggs and sperm in the future kapag handa na silang magka-baby. 

Baka hindi ka pa ready na magkaroon ng anak sa ngayon then gawin mo,” panghihikayat pa ni Mike.

May ibang hugot naman daw kasi ang character n’yang si Bobby kaya ito nagpa-freeze ng kanyang semilya.

“’Yong kay Bobby, ang nangyari, may cancer scare s’ya. Ang kinakatakot nila, baka hindi na p’wede yong sperm niya by the time na gusto na nilang magka-baby,” lahad ng Sparkle artist.

“’Yon ang problema. Probably because of the radiation sa chemotherapy. ’Yon ’yong kinakatakot nila. But sabi ko nga, if you have the resources, why not do it? It’s okay, it’s fine.”

At dahil kakaiba ang character n’yang ito ay natanong pa si Mike kung ano naging reaksyon n’ya noong sa kanya ito ipinagkatiwala ng GMA.

Ayon sa kanya, grateful lang s’ya sa kahit anong project ang ipagkaloob sa kanya ng Kapuso network. 

Kung ano man ’yong ibigay sa akin ni GMA na role or script, trabaho, ginagawa ko lang s’ya,” saad ng StarStruck Season 2 graduate. 

Naging mabusisi nga daw sila para mabuo ang character ni Bobby. 

Inaaral ko ’yong script. Nagre-research nang konti kung saan galing then gagawa ako ng biography nu’ng character ko. Tapos habang nasa taping nakikipag-usap sa direktor, kay Direk Ricky [Davao],” pagbabahagi ni Mike sa kanyang naging proseso.

Bini-break down namin ’yong character ni Bobby, kung saan s’ya galing, anong school [ang pinasukan n’yaMayaman ba s’ya? Kung mayaman s’ya, saan s’ya nag-aral? Sa States ba? [Kung] dito sa Pilipinas, anong klaseng university?”

Sa ganu’ng paraan daw ay napi-picture out n’ya kung paano n’ya bibigyang buhay ang kanyang role sa harap ng camera.

Para din mabuo kung paano s’ya magsalita, paano s’ya trumato ng tao, paano s’ya pinalaki ng character ni Tito Alan [Paule], ’yong tatay ko dito,” he continued.

“’Yon ’yong mga kailangan kong i-consider bago ko mabuo ’yong character, kung saan talaga s’ya nanggaling para ma-execute ko nang tama ang character ko hanggang dulo na consistent ’yong ugali, ’yong pag-deliver n’ya ng lines.”

Nagiging reminder daw n’ya ito para hindi s’ya mawala sa kanyang karakter habang ginagawa nila ang TV series.

Para hindi nababago. Kasi minsan, habang tumatagal, baka minsan pagod na ako hindi ko na iniisip kung paano i-deliver,” pag-amin ni Mike.

Dapat lagi ko ring nire-remind ang sarili ko na, ito ’yong character ni Bobby: edukado, mabait s’ya sa asawa n’ya, kung paano trumato ng tao, mga ganun,” pagtatapos n’ya.

Mapapanood si Mike, kasama sina Glaiza de Castro, Valerie Concepcion, Alan Paule, Tina Paner, at marami pang iba, sa The Seed of Love simula May 8 sa GMA Afternoon Prime. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mike Tan, inalala ang pagiging mabait sa kanya ng late comedian-director na si Phillip Lazaro

Ngayong mga tatay na, StarStruck alumni na sina Mark Herras at Mike Tan both realize na “’Yong pagiging parent 24/7...Hindi s’ya humihinto.”

Mike Tan, nai-stress kapag walang trabaho

Pika's Pick: Mike Tan loses his wedding ring while filming in Banaue; asks the finder to contact him directly on his social media accounts

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.