Mikael Daez, tanggap na si Jin ng BTS at hindi siya ang tunay na dahilan ng pagdalaw ng asawang si Megan Young sa Korea

“Surpriiiiise!! After 4 weeks away from one another, Boneezy went into spy-ops mode to visit me,” panimula ni Mikael sa caption niya sa video ng pag-iikot nila ng asawang si Megan Young sa Seoul. “However, ang totoong kwento, she’s really just here to visit the BTS museum at side trip lang talaga ako hahaha. But nonetheless, it’s so nice to see Boneezy and I’m going to take her coffee hopping every single day that she is here. I will also take her to my favorite convenience stores lol.”

Photos: @meganbata @mikaeldaez

“Surpriiiiise!! After 4 weeks away from one another, Boneezy went into spy-ops mode to visit me,” panimula ni Mikael sa caption niya sa video ng pag-iikot nila ng asawang si Megan Young sa Seoul. “However, ang totoong kwento, she’s really just here to visit the BTS museum at side trip lang talaga ako hahaha. But nonetheless, it’s so nice to see Boneezy and I’m going to take her coffee hopping every single day that she is here. I will also take her to my favorite convenience stores lol.”

Hindi natiis ni Megan Young ang pagka-miss sa kanyang asawa na si Mikael Daez. Pagkatapos na magkalayo ng apat na Linggo, tila hindi na kinaya pa ni Megan ang susunod na isang buwan na magkahiwalay pa rin sila.

Kasalukuyan kasing nagte-taping si Mikael sa South Korea para sa GMA-7’s Running Man Philippines.

At base sa kanyang Instagram post, sinorpresa niya si Mikael by flying unannounced to South Korea.

“Reunited with Fofo!!!,” hayag niya sa kanyang Instagram post nang makarating na doon. “Kilig to the bones si Bonez. Hindi ko talaga natiis at pinuntahan ko siya sa Korea. Kaya hanggang sa pagkakape namin ay magiging clingy ako sa kanya.”

Pero pahabol na biro ni Megan, alam naman daw nila pareho na hindi talaga si Mikael ang tunay na dinayo niya doon kundi para magpaka-fan girl sa sikat na Korean boy group na BTS.

“Pero ang totoo niyan, hindi naman talaga siya yung pinuntahan ko dito hahaha,” dagdag niya sa kanyang IG caption.

At saka niya ito sinundan ng mga hashtags na “army lang nakakaalam” at “Nasaan ang BTS.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Megan Young (@meganbata)

Sa ipinost din na IG video ni Mikael kunsaan, makikitang ipinasyal na rin niya si Megan sa ilang lugar at restaurant sa Korea, nagbiro rin ito na ang BTS museum naman daw talaga ang totoong dahilan ni Megan kung bakit sumunod ito sa kanya.

“Surpriiiiise!! After 4 weeks away from one another, Boneezy went into spy-ops mode to visit me,” panimula ni Mikael sa caption niya sa video.  “However, ang totoong kwento, she’s really just here to visit the BTS museum at side trip lang talaga ako hahaha. But nonetheless, it’s so nice to see Boneezy and I’m going to take her coffee hopping every single day that she is here. I will also take her to my favorite convenience stores lol.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

At sa recent post nga nilang dalawa, masasabing na-achieve na ni Megan ang pagpapaka-BTS fangirl dahil nakapunta na sila sa Hybe Insight Museum.

Ang Hybe ang kumpanyang nagma-manage sa K-pop sensation na BTS. And to accommodate their fans na hindi man sila makita nang personal ay nag-open sila ng museum sa Seoul that lets them get a get closer at the seven-member boy band at iba pa nilang artists.

Hindi man nakita ni Megan nang personal ang kanyang bias sa BTS na si Jin o si Kim Seok-jin, tila wala pa rin itong pagsidlan sa kaligayahan.

“Ang saya saya saya mag fan girl,” masayang bungad niya. “Salamat sa supportive kong asawa na wala nang tanong tanong kung sinong pipiliin ko sa photocard ako na daw bahala.  Huehuehue ang saya saya koooo kahit na di ko nakita si Jin kanina dahil may date kami ng forever kong Fofo ahahaha kilig to the boneezy pa din akooo.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Megan Young (@meganbata)

For his part, nagpakuha ng litrato si Mikael sa giant photo exhibit ni Jin para biruin ang asawa sa kanyang IG post.

“I’m pretty sure hindi na alam ni Bonez kung sino sa amin ang totoo niyang asawa Jin o fofo? Fofo o jin? Fojin ftw!!! 😝 #PwedeRinJinFo

Sakay naman ni Megan: “Nalilito ako.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mikael Daez at asawang si Megan Young, walang balak pakasalan ang isa’t isa noon

Kumpara dati, Mikael Daez, open na sa idea na mag-baby na sila ni Megan Young; “Maybe one of these days. Baka magulat na lang tayong lahat.”

Mikael Daez at Megan Young, muntik makalimutan ang kanilang second wedding anniversary

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.