Mikael Daez at Megan Young, nag-goodbye Manila na para tumira sa Subic, Zambales

PHOTOS: @meganbata on Instagram

PHOTOS: @meganbata on Instagram

Opisyal nang iniwan ng Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young ang kanilang bahay sa Metro Manila para manirahan sa Subic sa Zambales. 

Matatandaang October last year nang inanunsyo ng dalawa sa kanilang  #BehindRelationshipGoals podcast via YouTube na pinag-iispan nilang iwan ang Maynila para lumipat ng tirahan sa probinsya. 

At nito ngang December, sinabi nina Mikael at Megan - sa kanilang podcast pa rin - na tuloy na tuloy na at susubukan nila ang buhay probinsya this 2021 sa Zambales na s'yang home province ni Megan. 

Kagabi, January 14, kapwa nag-post ang celebrity couple ng photo sa kani-kanilang Instragram para ipaalam na they are ready to go. 

Nalulungkot daw si Megan na iwan ang una nilang bahay ni Mikael mula ng magpakasal sila pero masaya s'ya sa panibagong kaganapang ito sa kanilang buhay mag-asawa.

"Aaaaand we're outta here!!!" panimula n'ya sa kanyang post. "So sad to be leaving this place because it was our first home as husband and wife but I'm happy we are moving to a place that we can finally call our own."

Nakapag-impake na daw sila two weeks ago pa para hindi daw sila ma-stress sa kanilang paglipat. 

"We decided to make it a chill move and started two weeks ago so that we wouldn't get stressed with our move," pagbabahagi pa ng StarStruck alumna. "That was probably the best decision we made for this transition.

"[C]an't wait to fix up our new place! And can’t wait to declutter!! #bonezfofo #garagesaletime #MarieFofo," pagtatapos ng Kapuso actress-TV host.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Megan Young (@meganbata)

Masaya din daw si Mikael sa kanilang naging desisyon na hindi madaliin ang kanilang paglilipat. 

"Our move out is 95% complete with several days to spare!" sey ng model-turned-actor. "We planned super early and made sure to not over work ourselves during each moving day. 

Dagdag pa n'ya: "We ended up with a happy pace and now it’s time to properly settle in our new home which is a maze of boxes and garbage bags.

"[C]heers to a super fresh start in 2021," pagtatapos ni Mikael.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mikael Daez and Megan Young celebrate first wedding anniversary and 10 years of being lovers

Pika's Pick: Mikael Daez is three minutes late in greeting his wife Megan Young happy birthday; promises he’ll try better next year

Pika's Pick: Megan Young and Mikael Daez surprise their followers by announcing their simple wedding today!

Pika's Pick: Megan Young and Mikael Daez took on the hosting duties during their wedding

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.