Mikael Daez at asawang si Megan Young, walang balak pakasalan ang isa’t isa noon

Kung sila lang daw ng asawang si Megan Young, wala naman daw sa plano nilang magpakasal at all dahil kuntento na raw sila sa kanilang relasyon, ayon kay Mikael Daez.  “Pero nakita namin na sobrang saya ng mga kapatid namin, ng mga magulang namin na makita kami in the wedding, so we realized the wedding is not just for us. It’s also for the others,” pagbabahagi ng aktor.

PHOTOS: @mikaeldaez on Instagram

Kung sila lang daw ng asawang si Megan Young, wala naman daw sa plano nilang magpakasal at all dahil kuntento na raw sila sa kanilang relasyon, ayon kay Mikael Daez. “Pero nakita namin na sobrang saya ng mga kapatid namin, ng mga magulang namin na makita kami in the wedding, so we realized the wedding is not just for us. It’s also for the others,” pagbabahagi ng aktor.

Wala pala sa plano ng Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young ang magpakasal noon.

Inamin ito ni Mikael sa recent virtual media conference para sa kinabibilangan n’yang upcoming reality game show na Running Man Philippines.

Natanong kasi ng entertainment press ang actor-TV host kung ano ang biggest challenge na na-encounter n’ya in life at imbes na takbuhan ito ay mas hinarap pa n’ya.

Sey ng Kapuso actor, ito daw ’yong kasal nila ni Megan dahil hindi daw talaga nila gustong magpakasal noon. Kumbaga, secured na daw sila sa kanilang relasyon kahit na walang basbas ng simbahan.
 
’Yong wedding namin ni Bonez [term of endearment n’ya kay Megan]. Hahaha! Although magaan lang naman itong kuwentong ito,” natatawang pauna ni Mikael sa press.

“Actually, we didn’t want to get married. Happy na kami. We didn’t need a label. Para sa amin ’yong wedding doesn’t really change our relationship,” pag-amin n’ya.

However, umaasa daw ang mga ka-pamilya nila that one day they will finally seal the deal. Kaya naman iyon daw ang naging way nila para pasayahin ang mga ito. 

Pero nakita namin na sobrang saya ng mga kapatid namin, ng mga magulang namin na makita kami in the wedding, so we realized the wedding is not just for us. It’s also for the others,” pagbabahagi ni Mikael.

Dahil doon, tinuloy na namin. Sabi namin, ‘Let’s prepare. Let’s have the wedding.’ At the end of the day nag-enjoy din naman kami sa wedding namin,” dagdag pa ng aktor.

“But that was a different example of something that we run toward even though parang naiilang kami,” pagtatapos n’ya.

Matatandaan nga na dalawang beses pa nagpakasal sina Mikael at Megan makalipas ang siyam na taon bilang magkasintahan.

Naganap ang una nilang intimate wedding noong January 10, 2020 sa Caleruega Church sa Nasugbu, Batangas na dinaluhan ng kanilang closest loved ones. 

Ang sumunod naman ay noong January 25, 2020 sa Subic, Zambales kung saan present ang kani-kanilang pamilya, mga kamag-anak, at mga kaibigan. 

Sa ngayon ay magkahiwalay muna ang celebrity couple dahil may international commitment si Megan habang si Mikael naman ay kasalukuyang nasa South Korea.

Kasama n’ya doon sina Glaiza de Castro, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy De Santos, Angel Guardian, at Ruru Madrid para i-shoot ang Philippine adaptation ng Korean reality game show na Running Man Philippines na mapapanood naman soon sa GMA Network.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Megan Young celebrates her 30th birthday in low-key fashion

Mikael Daez and Megan Young celebrate first wedding anniversary and 10 years of being lovers

Megan Young at Mikael Daez, hindi pa ready’ng magka-baby

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.