Miguel Tanfelix replaces Ruru Madrid as the 7th running man in Running Man PH

May mga netizens nang nakahula na si Miguel ang bagong runner dahil may mga nakakita sa Sparkle actor na kasama ang Running Man PH cast and crew sa airport noong paalis sila for South Korea noong nakaraang Jan. 15

Photos: @migueltanfelix_, @gmarunningmanph

May mga netizens nang nakahula na si Miguel ang bagong runner dahil may mga nakakita sa Sparkle actor na kasama ang Running Man PH cast and crew sa airport noong paalis sila for South Korea noong nakaraang Jan. 15

Opisyal nang winelcome ng buong cast ng Running Man Philippines ang ika-pitong runner ng show na si Miguel Tanfelix.

Naganap ang pagri-reveal kay Miguel sa talk show na Fast Talk with Boy Abunda habang may video feed mula sa South Korea ang Running Man PH cast na sina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Lexi Gonzales, Angel Guardian, Kokoy de Santos at Buboy Villar.

Happy si Miguel sa pagkakasama niya sa Running Man PH dahil ang saya raw kasama ng mga makukulit na runners at first time daw niyang mararanasan ang winter season sa South Korea.

May mga netizens nang nakahula na si Miguel ang bagong runner dahil may mga nakakita sa Sparkle actor na kasama ang Running Man PH cast and crew sa airport noong paalis sila for South Korea noong nakaraang Jan. 15.  

Nakita rin ng ilang Pinoy si Miguel sa airport pagdating ng Running Man PH cast and crew sa South Korea.

Pinasok si Miguel sa naturang reality-comedy competition program bilang pansamantalang kapalit ni Ruru Madrid.

Hindi nakasama this season si Ruru dahil sa taping ng second season ng pinagbibidahan niyang actionserye sa GMA na Black Rider.

Pero magkakaroon pa rin naman daw ng special role si Ruru sa isa sa mga episodes ng Running Man PH.

Si Angel Guardian ang tinanghal na winner sa first season ng Running Man PH na umere noong September 2022.

Ang Running Man ay isang variety show sa South Korea na formerly part of SBS’s Good Sunday lineup na unang umere noong July 11, 2010.

Tinawag itong "urban action variety", a genre of variety shows in an urban environment. Ang mga runners ay kailangan ma-complete ang missions sa isang specified landmark para manalo sa race.

Naging popular ang show sa ilang parts of Asia pati na online dahil naisalin ito sa iba’t ibang languages: English, Persian, Spanish, Portuguese, French, Italian, Thai, Vietnamese, Chinese, Malay, Indonesian, Burmese, Arabic, Russian, and Turkish.

Ang naging five permanent cast ng Running Man ay sina Haha, Lee Kwang-soo, Song Ji-Hyo, Kim Jong-kook, and Jee Seok-jin.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Miguel Tanfelix, naniniwalang p'wedeng gawing bonding moment ng mga dating fans ng Voltes V at mga anak at apo nila ang kanilang show

Miguel Tanfelix names Barbie Forteza and Bianca Umali as ex girlfriends and Kyline Alcantara as someone whom he had “something special” with

Miguel Tanfelix, ayaw ikumpara ang love team nila ni Ysabel Ortega ngayon sa tandem nila ni Bianca Umali noon

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.