Miguel Tanfelix, ayaw ikumpara ang love team nila ni Ysabel Ortega ngayon sa tandem nila ni Bianca Umali noon

This year ay nai-partner na si Bianca kay Ken Chan sa Mano Po Legacy: Her Big Boss na co-project naman ng Kapuso network at Regal Entertainment; habnang s'ya naman ipinartner kay Ysabel Ortega sa What We Could Be ng GMA-7 at Quantum Films. Magtatambal din sila sa upcoming action fantasy series na Voltes V.

PHOTOS: @ysabel_ortega & @sparklegmaartistcenter on Instagram

This year ay nai-partner na si Bianca kay Ken Chan sa Mano Po Legacy: Her Big Boss na co-project naman ng Kapuso network at Regal Entertainment; habnang s'ya naman ipinartner kay Ysabel Ortega sa What We Could Be ng GMA-7 at Quantum Films. Magtatambal din sila sa upcoming action fantasy series na Voltes V.

Thankful ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix na nabigyan s’ya ng panibagong TV project, ang What We Could Be na co-produced ng GMA Network at Quantum Films. 

Mahalaga daw for him ang proyekto na ito, kung saan katambal n’ya si Ysabel Ortega, para sa advancement ng kanyang showbiz career.

Ang tagal na daw kasi n’yang hindi napapanood sa mga teleserye. Ang pinakahuli n’ya kasi ay noong ka-loveteam pa n’ya si Bianca Umali, ang cultural series na Sahaya noong 2019. 

(This year ay nai-partner na si Bianca kay Ken Chan sa Mano Po Legacy: Her Big Boss na co-project naman ng Kapuso network at Regal Entertainment.)

Kaya nang matanong ng entertainment press during the virtual media conference para sa What We Could Be kung turning point ba ito sa kanyang career ay kaagad na um-oo si Miguel.

Hindi na rin s’ya nagbigay ng comparison sa love team nila noon ni Bianca at sa kanila ngayon ni Ysabel.
 
“Definitely. Para sa akin [it’s] definitely [a turning point]. Hindi ko s’ya mako-compare sa past love team na napasama ako before kasi ang tagal ko na ring nawala sa TV,” sagot n’ya. 

Ang pakahulugan n’ya ay matagal-tagal din s’ya bago muling mapapanood sa isang teleserye  bagama’t madalas s’yang present sa All-Out Sundays. 

“Before pandemic pa ako lumabas sa TV. And ang dami nang nangyari… Ito ’yong parang transition period ko to be the young adult, ’yong mga characters na gagampanan ko in the future. So yes, this is a big turning point in my career,” lahad pa n’ya. 

Dahil in-introduce na rin s’ya bilang leading man at hindi lang basta heartthrob, natanong pa s’ya kung ito na ba ang path na tatakbuhin ng career n’ya. 

“Hopefully, kasi mahirap naman kung mga mid-20s ka na, umabot ka ng late 20s [na-stock ka na sa pagiging] tween, ’di ba?” natatawang sagot ni Miguel. 

Makakaasa daw ang mga viewers na bagong Miguel ang mapapanood nila dahil hindi pa n’ya nagagawa before ang character n’ya sa What We Could Be. 

“So, very important sa akin ’tong project na ’to dahil,’yon nga, turning point sa career, and at the same time ’yong character na gagampanan ko dito bago s’ya lahat ng ginampanan kong character. Very mature, pinaka-mature sa lahat,” pagbibida pa n’ya.

Aniya, na-enjoy daw niya ang teleseryeng ito at hindi na alintana ang pressure.

“So, makakatulong s’ya sa career ko and nag-enjoy ako, overall. Hindi ako na-pressure sa fact na turning point ito ng career ko,” pagtatapos n’ya. 

Maliban kay Ysabel Ortega, kasama rin ni Miguel sa What We Could Be sina Yasser Marta, Vince Crisostomo, Soliman Cruz, Art Acuña, Aleck Bovick, Joyce Ann Burton, Celeste Gallardo, and more. 

Mapapanood ang What We Could Be simula ngayong August 29 sa GMA Telebabad.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

WATCH: #BiGuel dancing the “Igal.”

Miguel Tanfelix learns to play cello during lockdown; while Bianca Umali finds joy in video conferencing

Bianca Umali, nasanay sa heavy drama kaya na-challenge at na-lowbatt sa pagko-comedy: “Ang hirap din pala nang palaging masaya lang. Hahahaha!”

Bianca Umali, pinaiyak si Ruru Madrid sa South Korea

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.