Michelle Dee, nagdalawang-isip pa pala bago muling sumali sa Miss Universe-Philippines pageant

Umaga pa lang daw ng May 13 ay mina-manifest na si Michelle Dee na masusungkit niya ang Miss Universe Philippines 2023 crown.

PHOTOS: @michelledee on Instagram

Umaga pa lang daw ng May 13 ay mina-manifest na si Michelle Dee na masusungkit niya ang Miss Universe Philippines 2023 crown.

Naging hesitant pala ang actress-beauty queen na si Michelle Dee sa pagsali sa Miss Universe-Philippines 2023 pageant kung saan siya ang itinanghal na grand winner.

Iyan ang ikinuwento niya nang mag-guest siya sa Kapuso morning show na Unang Hirit kahapon, May 15.

May pinagdadaanan daw kasi ang kanilang pamilya. Bukod pa doon, matindi rin ang pressure sa kanya lalo pa't mataas ang placement na nakuha niya nang sumali siya sa kaparehong pageant last year.

"Coming into the year kasi, 'di pa ako sure kung gusto kong sumabak ulit. Kasi last year naaksidente both parents ko. I was taking care of the household. And of course, ako 'yong naging prime caregiver ng two autistic siblings ko. Kaya hindi talaga ako sure kung kakayanin ko," lahad ni Michelle.

"Kasi, s'yempre, I had to out beat my last performance. First runner-up lang ako nu'n. S'yempre, what's the next? Level up. Winner na dapat," dagdag pa niya.

Ganu'n pa man, alam daw niyang pagsisisihan niya ang bagay na ito kung hindi niya muling susubukan sa huling pagkakataon.

"But I told myself I'm going to regret this for the rest of my life because it's my last chance to join. Nasa age limit na ako. Kaya I just gave it my all. And if destiny permits sa akin mapupunta ang korona," aniya.

At umayon nga sa kanya ang tadhana. Umaga pa lang daw ng May 13 ay ramdam na umano niya na masusungkit niya ang korona.

"Everything just really aligned. Na-feel ko na talaga na s'ya umaga pa lang. Kasi iba na talaga ang energy," pagbabahagi ni Michelle.

"And I think nakita po talaga siya on stage, e. Kasi my calmness that night, it's incomparable. It's like I wasn't intimidated, I wasn't pressured. I was just in the moment talaga," she added.

Iyon nga ang nangyari dahil siya ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2023 sa grand coronation na ginanap sa Mall of Asia Arena last Saturday night.

Looking back, hindi raw naging madali ang kanyang pinagdaanan dahil nagsabay-sabay ang commitment siya sa pageant, sa showbiz, at sa kanyang pamilya.

"I'm just grateful kasi ang dami po talagang nangyari in the past months. I was fighting for my life, I was shooting a teleserye, I was taking care of my two autistic siblings. I was like, 'Oh my gosh! If I could pull this off, I should be the next wonder woman,'" natatawang sabi ng newly-crowned beauty queen.

Ipinakita rin ni Michelle sa Unang Hirit ang kanyang pagrampa na tinawag niyang "Snake Walk" dahil iyon daw ang tawag ng netizens sa lakad niya.

Sa ngayon ay maghahanda siya to represent the  sa Miss Universe pageant na napapabalitang gaganapin sa bansang El Salvador later this year.

Maliban kay Michelle, kinoronahan din that night bilang Miss Supranational Philippines 2023 si Pauline Amelinckx ng Bohol, at Miss Charm Philippines 2023 naman si Krishna Gravidez ng Baguio.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Michelle Dee joins Miss Universe PH anew; "Last chance ko na this year."

Michelle Dee on Celeste Cortesi’s win: “No one can take her destiny away from her.”

Sa usapang beauty pageant, Michelle Dee, mukhang sasabak muli; Thia Thomalla, graduate na

Michelle Dee completes certificate program at the Harvard Business School Online

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.