Michelle Dee joins Miss Universe PH anew; "Last chance ko na this year."

Matatandaan na noong hindi nakapasok sa semi-finalist ng nagdaang Miss Universe 2023 pageant si Celeste Cortesi ay nababanggit ng mga netizens ang pangalan ni Michelle. May mga nagsabing baka kung siya pa raw ang nanalong Miss Universe-PH at siyang nag-represent sa Pilipinas ay baka mas nagka-"chance" pa. Isa ba ito sa nag-udyok sa kanya para lumaban muli? "Hindi naman po dahil do’n na nag-apply ako ulit...for me, it’s really about not having regrets in life."

Photos: @michelledee

Matatandaan na noong hindi nakapasok sa semi-finalist ng nagdaang Miss Universe 2023 pageant si Celeste Cortesi ay nababanggit ng mga netizens ang pangalan ni Michelle. May mga nagsabing baka kung siya pa raw ang nanalong Miss Universe-PH at siyang nag-represent sa Pilipinas ay baka mas nagka-"chance" pa. Isa ba ito sa nag-udyok sa kanya para lumaban muli? "Hindi naman po dahil do’n na nag-apply ako ulit...for me, it’s really about not having regrets in life."

Isa ang beauty queen-turned-Kapuso actress na si Michelle Dee sa cast ng bagong mythical primetime series ng GMA Network, ang Ang Mga Lihim ni Urduja at sa ginanap na media conference ng serye, kunsaan ang tanong namin ay kung ano ang ginawa ng mga cast members nitong nagdaang Valentine’s Day, ay pinaka-kakaiba ang sagot ni Michelle.

Hindi ang pagkakaroon ng romantic date o pagtanggap ng regalo ang tinalakay niya. Sa halip, siya umano ang nagbigay ng Valentine’s gift sa mga sumusuporta sa kanya.

Nag-apply daw siyang muli para maging official candidate sa Miss Universe-Philippines 2023.

“Binigyan ko po ang mga supporters ko ng isang regalo," panimulang lahad niya. "Ako po ay muling nag-apply sa Miss Universe-Philippines.

“Kinukuha ko na rin po ang pagkakataon to thank GMA for always supporting me, for always giving me opportunity like Urduja. So, 'yun po,'yun po ang ginawa ko ng Valentine.”

Matatandaan na noong hindi nakapasok sa semi-finalist ng nagdaang Miss Universe 2023 pageant si Celeste Cortesi ay nababanggit ng mga netizens ang pangalan ni Michelle. May mga nagsabing baka kung siya pa raw ang nanalong Miss Universe-PH at siyang nag-represent sa Pilipinas ay baka mas nagka-"chance" pa.

Si Michelle ang naging runner-up ni Celeste bilang Miss Universe Philippines-Tourism 2022. 

Isa ba ito sa nag-udyok sa kanya para lumaban muli?

“S'yempre, nakatulong po,” pag-amin niya. “Pero, hindi naman po dahil do’n na nag-apply ako ulit.  Alam din naman po ni Celeste last year pa na may balak akong sumali this year. And for me, it’s really about not having regrets in life.

“Last chance ko na this year and it’s something that I want to show my supporters na just keep fighting until wala ka ng maibigay or hindi mo na kaya,” esplika niya.

Naging representative na rin siya ng Pilipinas sa London noong 2019 bilang Miss World-Philippines kunsaan, nakasama siya sa Top 12 semifinalist. 

Sa pagkakataong ito, sa muling pagsali niya sa pageantry, may mga babaguhin ba siya sa dati niyang istilo?

“Well, the main reason po kasi is ang daming nangyari sa buhay ko, which is not showbiz-related. Actually po, I’ve been through a lot of adversities, a lot of challenges kaya mas maisi-share ko po 'yung story ko.  

“Sana po, mas maka-relate ang mga tao sa akin and mas mag-improve rin ako sa mga pagkukulang ko last year.”

Sa nakaraang Miss Universe, tila mas nabigyang focus ang mga advocacy.  Sa parte niya, paano niya ito mas pagtitibayin?

“Actually, I love that Miss Universe organization made that shift. I really feel that it’s toward that direction.  The reason po kasi why I chose my first pageant with Miss World is their strong advocacy.

“So, I’ve been advocating and championing on autism awareness ever since. I have two autistic siblings. I also advocate for mental illness and disabilities as well as equal rights for LGBTQ. But, it’s more important for me that I’m able to create a platform to do good because what’s the use of having a huge platform like Miss Universe if we can’t share the positivity or set a good example?"

“That’s why I’m really happy about it.”

Samantala, ang Mga Lihim ni Urduja, kung saan gaganap si Michelle bilang isa sa mga kontrabida, ay magsisimula nang mapanood sa GMA-7 on February 27.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Michelle Dee on Celeste Cortesi’s win: “No one can take her destiny away from her.”

Sa usapang beauty pageant, Michelle Dee, mukhang sasabak muli; Thia Thomalla, graduate na

Michelle Dee completes certificate program at the Harvard Business School OnlineMichelle Dee thanks her supporters; says Miss World pageant made her "better, stronger, and wiser person"

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.