Mga intimate scenes ni Awra Briguela sa digital series, aprubado daw ng magulang niya

Awra Briguela masayang suportado ng pamilya sa kanyang bagong advocacy project sa iWant na pinamagatang Ang Batang Poz.

PHOTO: Jewelle Pacia

Awra Briguela masayang suportado ng pamilya sa kanyang bagong advocacy project sa iWant na pinamagatang Ang Batang Poz.

Ibinahagi ng young star na si Awra Briguela na all out support ang kanyang parents and family sa very challenging and sensitive role na ginampanan sa bagong iWant advocacy series na Mga Batang Poz

The series aims to break the country’s HIV (human immunodeficiency virus) stigma, shed light on HIV, and give hope to HIV-positive people and their loved ones. 

Awra brings life to the character of Chuchay who grew up in a poor household and resorts to using sex for money, thus, eventually making him an HIV-positive teen.

At sa edad na 15 years old, game na game ang batang aktor na maging parte ng series to be an instrument in raising HIV awareness lalo na sa mga kabataan at ka-edad niya.

During the series’s presscon held earlier today, binanggit ni Awra na malaki ang pasasalamat nito sa kanyang family especially sa kanyang papa Oniel Brian na very supportive at mas excited pa manood ng nasabing series kahit na daring ang theme at madami itong ginawang intimate scenes doon.

“Actually, si papa kasi support talaga sa LGBTQ+. Si papa pa nga ’yong sumama sa akin sa mga [LGBTQ+] parade, nandoon din siya.” explain nito. 

Dagdag pa nito, “Wala naman siyang pakialam kasi alam niyang trabaho lang ’yon at alam niyang marami akong taong matutulungan. ‘Yong family ko supportive sila and excited silang lahat. Wala naman ako narinig sa kanila na ‘talaga kaya mong gawin ’yon?’. Hindi sila nag dalawang isip na tanggapin ko itong project na ’to. Kasi first of all hindi to basta project, awareness to at makakatulong sa maraming tao kaya support sila ng buong puso.”

Sinabi din ni Awra na kahit ang mga malalapit niyang kaibigan ay nabigla at humanga sa kanya sa pag portray ng kanyang role. 

“Actually my friends do, I have a lot of friends na LGBTQ+ and then super taas ng tingin, tingala sila sakin, sabi nila ‘super tapang mo neng, sis.’ Hindi sila makapaniwala na nakaya ko kasi at the age of 15 nga na kinaya ko ’yong sensitive na role na ’yon.” 

“For me kasi, hindi siya nakakatawa or nakakabastos na eksena. For me, nakakaawa siya, nakakaawang bata si Chuchay kasi under age siya tapos nakakaranas na siya ng ganon. Nakakaawa…’yon ’yong naramdaman ko no’ng ginagawa ko ’yong series na to na bilang Chuchay kailangan maawa sila sakin na dahil nagipit ako nagawa ko ’yong ganon.” exlain nito.

Nang tangunin ng pikapika kung meron ba itong plans pa na sumali sa mga organizations about HIV awareness, agad naman siyang sumagot, “Of course! As Pia Wurtzbach hindi ba, sobrang willing ako kung mga meron mangangailangan ng tulong. Nandito lang ako one call away lang ako pagdating sa mga awareness and advocacy. Nandito lang ako to help.”

Mga Batang Poz will start streaming for free on Friday, July 26 on iWant app and iwant.ph.

YOU MAY ALSO LIKE:

Teen star Awra Briguela helps dad finish college

Local celebs go gaga over BLACKPINK'S meet and greet

Erwan Heussaff’s funny reaction over wife Anne Curtis’s intimate picture with Marco Gumabao

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.