Melai Cantiveros sa birthday celebrant niyang panganay na si Mela: "10 Years na akong sobrang saya."

Wish ni Melai Cantiveros para sa panganay niyang si Mela na nagse-celebrate ng kanyang 10th birthday: "Pakabait at pakabuti ka always mahal yan lang ang hiling nmin ni Papa nyu and always be Happy ok??? Mama and Papa love u So much Ate Mela."

PHOTOS: @mrandmrsfrancisco on Instagram

Wish ni Melai Cantiveros para sa panganay niyang si Mela na nagse-celebrate ng kanyang 10th birthday: "Pakabait at pakabuti ka always mahal yan lang ang hiling nmin ni Papa nyu and always be Happy ok??? Mama and Papa love u So much Ate Mela."

Ibang level daw ang sayang nararamdaman ng comedienne-TV host na si Melai Cantiveros ngayong nagdiriwang ng 10th birthday ang panganay niyang si Mela.

Naibahagi nga niya sa kanyang Instagram post niya ngayong araw, April 3, ang naging usapan nila nang i-greet niya ito. 

"Happy Bday My Ate Mela Love you," pagbati niya sa anak. 

Sagot naman daw ni Mela sa kanya, hindi umano nito feel na sampung taong gulang na siya. 

"Love you too Mama , thank you 10 yrs old na ako Mama  pero di ko naman Nafeel? [Person raising hand and woman tipping hand emojis]," sey ng kanyang anak. 

Natawa na lang daw ang Kapamilya comedienne and celebrity mom. 

"[Flushed face and face with monocle emojis] bakit kailangan mu IFeel??????? [Face with tears of joy emoji]" balik na tanong umano niya sa anak.

Sa pagpapapatuloy niya sa kanyang IG post, nagpapasalamat daw si Melai sa Diyos dahil parang kelan lang nang magsilang siya pero heto't may 10-year-old na siyang anak. 

"Kidding aside [Face with tears of joy emoji] heheheh Happy Birthday My Ate Mela [Red heart emoji] Salamat Lord may 10 Yrs old na ako," she wrote.

Isang dekada na raw kasi na ibang level ang kanyang saya bilang isang ina. 

"[Ten] Years na akong sobrang saya dahil sa inyu ni Steya [sic] , iba kasi ang saya sa sobrang saya," aniya. 

"[Ten] years nading di kinakaya ni Papa nyu ang kaingayan nating mga April Girls [Beaming face with smiling eyes emoji]," pagbibiro pa ng komedyana. 

Sa kabilang banda, tila excited din si Melai sa nalalapit na pagdadalaga ng kanyang anak. 

"[A]ng bilis ng panahon ilang kembot Ate Mela magdadalaga kana may double digit na kmi na anak ni Papa nyu," saad niya. 

"Pakabait at pakabuti ka always mahal yan lang ang hiling nmin ni Papa nyu and always be Happy ok??? Mama and Papa love u So much Ate Mela [Kiss mark emoji]" pagtatapos ni Melai. 

Kalakip ng IG post niyang ito ang series of photos ni Mela at ng kanilang pamilya through the years. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Melai Cantiveros, asiwa sa bodyguards na padala ng producers niya; "Mas mukha pa nga akong tanod sa kanila. Hahaha!”

Melai Cantiveros, may tribute sa mga kasamahan niya sa It's Your Lucky Day sa huling araw ng show nila

Melai Cantiveros, nakikiusap sa mga bashers na wag nang idamay ang mga anak niya

Pika's Pick: Melai Cantiveros and Jason Francisco’s Baby Stela graduates kindergarten; brought home two medals

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.