Megan Young fangirls over Lea Salonga; gets to chat about BTS with her

Tatlong litrato with Lea Salonga ang ipinost ni Megan Young sa kanyang Instagram. Sa unang litrato ay napapagitnaan ng mag-asawa ang Broadway star; sa pangalawa ay makikitang nagtatawanan sila at base sa caption ni Megan ay nagtsitsikahan sila tungkol sa mga BTS merchandise bilang pareho fans ng phenomenal K-pop boy group sina Lea at Megan. Sa pangatlong litrato ay makikitang nakayakap si Lea kay Megan habang nakamasid ang tila naiinggit na si Mikael.

Photos: @meganbata

Tatlong litrato with Lea Salonga ang ipinost ni Megan Young sa kanyang Instagram. Sa unang litrato ay napapagitnaan ng mag-asawa ang Broadway star; sa pangalawa ay makikitang nagtatawanan sila at base sa caption ni Megan ay nagtsitsikahan sila tungkol sa mga BTS merchandise bilang pareho fans ng phenomenal K-pop boy group sina Lea at Megan. Sa pangatlong litrato ay makikitang nakayakap si Lea kay Megan habang nakamasid ang tila naiinggit na si Mikael.

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika ang mag-asawang Megan Young at Mikael Daez at isa sa mga naging itinerary nila ay ang panonood ng Tabernacle Choir Christmas Concert sa Salt Lake City sa Utah.

Nagkataon naman na guest sa naturang concert si Lea Salonga kaya naman ganoon na lamang tuwa ng mag-asawa.

Nang sumunod na araw ay muli nilang nakita si Lea sa isa pang event at hindi na pinalampas ng mag-asawa ang chance na makapagpa-photo op sa Tony award-winning actress.

Tatlong litrato with Lea ang pinost ni Megan sa kanyang Instagram. Sa unang litrato ay napapagitnaan ng mag-asawa ang Broadway star; sa pangalawa ay makikitang nagtatawanan sila at base sa caption ni Megan ay nagtsitsikahan sila tungkol sa mga BTS merchandise bilang pareho fans ng phenomenal K-pop boy group sina Lea at Megan.

Sa pangatlong litrato ay makikitang nakayakap si Lea kay Megan habang nakamasid ang tila naiinggit na si Mikael.

Naito ang buong caption ni Megan sa kanilang mga larawan.

“From watching Lea Salonga perform at  @thetabernaclechoir Christmas Concert to meeting her the next day! This is my second time meeting Lea and I’m just happy that I was able to converse with her a bit with the limited time that we had 💜My favorite part of her performance was when she sang Payapang Daigdig on stage 🥹

I was in awe the entire time she was singing ✨

*first photo… Fofo and I fangirling over  @msleasalonga
*second photo… BTS and merch talk hahahah my face says it all 😆Lea was wearing RJ socks toooooo omg I was so kilig fangirling over BTS with her hahahaha
*third photo… Inggit si Fofo kasi wala siyang hug hahaha!”

(Fofo is her term of endearment for husband Mikael.)

Sumagot naman si Lea sa post na ito ni Megan at ayon dito, masaya rin siyang nakita si Megan at makilala ang kanyang lovely husband.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mikael Daez at asawang si Megan Young, walang balak pakasalan ang isa’t isa noon

Mikael Daez at Megan Young, muntik makalimutan ang kanilang second wedding anniversary

Mikael Daez, tanggap na si Jin ng BTS at hindi siya ang tunay na dahilan ng pagdalaw ng asawang si Megan Young sa Korea

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.