"Medyo hardcore" and description ni Kim Chiu sa sampal ni Maricel Soriano; "Sobra po akong natigalgal."

Kung nasampal daw s'ya ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa eksena, bawi naman daw dahil generous ito sa kanila sa set ng Linlang. “Ang dami niyang binibigay sa amin. Lalo na ako dahil magka-paa kami. So, ang dami kong sapatos na mamahalin, galing kay Inay."

Photos: Rose Garcia, @officialmaicelrsoriano

Kung nasampal daw s'ya ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa eksena, bawi naman daw dahil generous ito sa kanila sa set ng Linlang. “Ang dami niyang binibigay sa amin. Lalo na ako dahil magka-paa kami. So, ang dami kong sapatos na mamahalin, galing kay Inay."

Kakaibang Kim Chiu ang mapapanood sa kanyang bagong digital series na Linlang. Kaya p'wede ring sabihin na mapanlinlang si Kim, na bungisngis at parang bata pa rin kung minsan, dahil hindi mo aakalain na kaya pala niyang magpaka-daring sa isang eksena (na ipina-panood sa press during the Linlang media conference).

Kaya naman ang isa sa agad na tanong kay Kim kung kumusta ito no’ng gawin na nila ng co-acto na si Paulo Avelino ang mainit nilang eksena.

“Happy naman,” natatawang sagot ni Kim at saka sinundan ng: “Charot lang, charot lang.”

Anya, hiningi niya raw talaga ang tulong ng sa mga direktor nilang si FM Reyes.

"Nagpapasalamat din ako sa mga directors namin dahil sobra nila ‘kong inalagaan. Tinanggal nila lahat ng kaba, takot, dahil sa kanila talaga ako kumapit.

“Lalo na sa unang eksena, si FMR (Direk FM Reyes), sabi ko, 'Direk, gusto kong mag-grow, pero paano? Natatakot ako, kinakabahan ako.' Tapos, sabi niya, 'Magtiwala ka lang sa akin, ako ang bahala sa'yo.'

“Ang dami niyang naipaliwanag sa akin, e. Parang kami ni Direk, ngayon lang kami nagka-trabaho sa isang series. And then, second day pa lang ng taping namin, ginawa namin ang eksenang ‘yon ni Paulo.”

Samantala, first time ding naka-trabaho ni Kim si Paulo Avelino at napatunayan daw niyang talagang napakatahimik palang tao nito.

“Sobrang tahimik siya na tao,” k'wento niya. “Ako, first day pa lang, talagang, paano ko kaya siya kukuwentuhan? Tapos, hindi naman siya natatawa sa akin. Paano 'to?  Tapos, second day, kinakabahan pa rin ako. Pero, parang sige, e, game siya; so, game din ako. 

“Kunwari, seryoso rin ako. Tapos, hanggang sa nagpapasalamat din ako sa kanya dahil pinapadali niya ang mga bagay na kinakabahan ako. Every time na nag-i-step ako sa set namin, sobrang kabado talaga 'ko, kasi, hindi ko talaga 'to forte at hindi ko talaga ‘to comfort zone.  

“At hindi ako confident kung maayos ko ba nagagawa at nade-deliver. Pero dahil sa director namin, si FMR, si Direk Jojo [Saguin] at mga co-actors ko na sobrang galing, naiaangat naman nila ‘ko at natutulungan naman nila 'ko at 'yun ang ipinagpapasalamat ko sa series na 'to.”

Sa dalawang episodes na ipinapanood sa advance screening/mediacon sa media, wala pa sila halos na mga eksena talaga ni JM Rodriguez, isa sa dalawa nyang leading men. Pero mukhang isa sa aabangan ang koneksiyon ng mga karakter nila.

As for JM, pangalawang beses na raw nilang magkasama sa proyekto ni JM kaya kahit paano ay kilala na niya kamado nito. Kay Paulo daw talaga siya may ilang factor.

“Very kind and helpful din naman si Paulo na umalalay and hindi niya pinahalata sa akin noong kinakabahan ako. Feeling ko, hindi naman siya kinakabahan.”

Maganda naman ang naging pahayag ni Direk FM ukol kay Kim. Naibuking pa nito kung gaano ka-focus si Kim sa kanyang trabaho. May notebook pa raw ito at do’n sinusulat kung ano ang continuity ng emotion at character development niya sa serye.

“Si Direk kasi, palagi niya ‘kong binu-bully sa mga bagay na hindi ako naniniwalang kaya ko,” sabi naman ni Kim.

“Parang ito 'yung role na hindi ko talaga naisip na gagawin ko siya in my whole acting career.”

At halos in unison ay sinabi rin sa kanya  ng press, including us, na hindi rin namin akalain na magagawa niya ang mga napanood namin.

“'Di ba po, nagkagulatan tayo? Ako rin, e,” natawang sabi niya. “E, ‘eto na tayo. Nagawa na natin. So, parang sinusunod ko lang ‘yung sinasabi ni Direk dahil malaki talaga ang tiwala ko sa mga director namin dito sa Linlang.”

Bukod kina Paulo at JM, kasama rin sa Linlang sina Kaila Estrada, Ruby Ruiz at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Kumusta naman ka-trabaho ang Diamond Star?

“Very generous si Inay, ang dami niyang binibigay sa amin. Lalo na ako dahil magka-paa kami. So, ang dami kong sapatos na mamahalin, galing kay Inay,” nakangiting pagbabalita ni Kim.

“Ang daming pagkain palagi sa kuwarto niya," patuloy na kuwento niya. "So, pupunta lang kami ro’n. Magkukuwentuhan kami. Pero, kapag eksena na, 'yun na ‘yon, siyempre, kakabahan na 'ko.

“Ay sandali, hindi pala kami mag-ano rito. S'yempre, ninenerbiyos din ako kapag magka-eksena na kami.  S'yempre, ang dami nang nagawang projects at naka-eksena si Inay."

Nang matanong naman kung nasampal na ba siya ng Diamond Star...

"‘Yung sampal, e, medyo hardcore,” natatawang kuwento pa rin ni Kim. “Sobra po akong natigalgal.  Siyempre, 'di ba, pangarap ng isang artista na masampal niya?. Ano ‘yon, bucket list, checked. 

Isa daw 'yon sa mga kaabang-abang na eksena.

"Pero, sobra akong nagpapasalamat na naka-trabaho ko si Inay," patuloy niya. "Habang ginagawa ko ang eksena, kinakabahan ako. Habang pinapanood ko ang eksena na ‘yon, mas kinabahan ako, para sa role ni Juliana. So, ang galing. Ang galing lang maka-trabaho ang isang Maricel Soriano na ang tagal-taal na sa industriya pero sobrang down-to-earth, accommodating sa mga artistang katulad namin,” pagtatapos ni Kim.

Ang Linlang ay mapapanood na simula sa October 5 sa Prime Video.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Kim Chiu captures the ASAP Family’s grand time in Milan, Italy

Pika's Pick: Kim Chiu reaches 3 million YouTube subscribers

Kim Chiu, may mensahe sa kanyang It's Showtime family kasunod ng 12-day suspension na ipinataw ng MTRCB sa programa nila

Pika's Pick: Chinita Princess Kim Chiu, also dubbed as the multimedia princess, inks renewal contract with ABS-CBN

Pika's Pick: Kim Chiu flexes new home; says its fruit of her labor and that she’s forever grateful

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.