Mayor Vico Sotto, pumalag matapos mag-resurface at malagyan ng ibang konteksto ang lumang statement niya tungkol sa leadership

PHOTOS: @VicoSotto on Facebook

PHOTOS: @VicoSotto on Facebook

Pumalag si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos diumanong magamit sa pulitika ang kanyang binitiwan statement noon about leadership sa pamamagitan ng paglalagay ng ibang konteksto djto.

Matatandaan na noong May 2020, sa kasagsagan ng COVID-19 lockdown, sinabi ng batang mayor sa online show na Quarantined with Howie Severino na mas makakabuti kung hindi lang iisang tao o pamilya ang namumuno sa isang lugar. 

Natanong kasi s’ya ni Howie kung hindi ba n’ya ipapamana sa sinumang kamag-anak ang kanyang puwesto sa Pasig kapag natapos na ang kanyang termino.

Narito ang naging pahayag n’ya noon:

Kung magaling kang leader, mapapasa mo sa susunod na leader. Ibig sabihin may continuity. Hindi ‘yung anak mo lang o ano… 

Hindi lang namang isang tao ang magaling, e. Hindi lang isang pamilya ang magaling… 

“Let’s find the next generation of leaders who will be better than the leaders that we already had.”

However, makalipas ang mahigit isang taon ay muling lumutang ang statement n’yang ito at ginagamit diumano sa pulitika lalo pa’t malakas ang bali-balitang tatakbo sa pagkapangulo ang anak ni Pres. Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Kahapon, June 17, isang screenshot photo mula sa Panay News Facebook page ang ipinost ni Mayor Vico sa kanyang FB at tinawag niya itong “fake news.”

Nakasaad kasi sa caption nito na ang statement daw n’yang ‘yon ay ang stand n’ya kontra sa pag-eendorso diumano ni Duterte sa anak nitong si Sara para kumandidato sa pagkapangulo sa darating na eleksyon.

“Maaaring totoo ang quote, pero last year pa at HINDI presidential elections ang topic!!” paliwanag ni Mayor Vico sa kanyang FB post.

Ginamit daw ang statement n’yang ‘yon ng mga kritiko ng administrasyon na pinaniwalaan naman daw ng ilang tagasuporta ng president kaya nagalit daw ang mga ito sa kanya.

“Misquoted ng ibang Dilawan group para sumakto sa naratibo nila...kaso lang, naniwala ang iilang supporters ng Presidente at kaya nagalit,” patuloy na paliwanag n’ya. 

Babala pa n’ya sa publiko, “Laganap talaga ang fake news at dadami pa ito habang lumalapit eleksyon. Maging mapanuri. Hindi porket gusto (o ayaw) mo ang quote ay totoo na.”

Hindi rin daw s’ya nakikialam sa national politics dahil mas nakatuon s’ya sa kanyang trabaho para sa kanyang nasasakupan.

“Dito sa Pasig, WORK MODE lang tayo,” aniya. “Wag nating intidihin ang maiingay na boses na mahilig gumawa ng intriga. Sa lungsod pa lang, ang dami na nating kailangan gawin; hindi ngayon ang panahon para makikisawsaw sa national politics.”

Dagdag pa n’ya, “Masyado na tayong polarized bilang mga Pilipino. Basta sa Pasig, welcome ang lahat ng partido.

“Hindi natin kailangan gumaya sa politika ng iba,” pagtatapos pa ni Mayor Vico.

SCREENSHOT: @VicoSotto on Facebook
 
 
SCREENSHOT: @VicoSotto on Facebook

LINK: https://www.facebook.com/VicoSotto/posts/4183223078403005

 
 
 
 
 
 

Sa ngayon ay edited na ang caption ng Panay News Facebook page. 

SCREENSHOT: @PanayNews on Facebook

LINK: https://www.facebook.com/PanayNews/posts/3881667281903027

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Pasig City Mayor Vico Sotto finishes 14-day quarantine

Pika's Pick: Mayor Vico Sotto announces that he and his other staff members test negative on their PCR Test after having been exposed to his driver who just died from Covid-19

Pasig City Mayor Vico Sotto recognized as anti-corruption champion by United States state department

Pika's Pick: Mayor Vico Sotto good humoredly clarifies he’s not an EXO member

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.