Maymay Entrata, nilinaw na hindi ang ex-boyfriend na si Aaron Haskell ang tinutukoy niya na "wrong path" sa kanyang recent Instagram post

Hiniling ni Maymay Entrata sa kanyang fans and followers na wag sanang pag-isipan nang masama ang dati niyang karelasyon na si Aaron Haskell dahil hindi umano ito ang tinutukoy niyang "wrong path" sa kanyang Instagram post.

PHOTOS: @maymay on Instagram

Hiniling ni Maymay Entrata sa kanyang fans and followers na wag sanang pag-isipan nang masama ang dati niyang karelasyon na si Aaron Haskell dahil hindi umano ito ang tinutukoy niyang "wrong path" sa kanyang Instagram post.

May paglilinaw ang Kapamilya actress-singer na si Maymay Entrata hinggil sa naging pahayag niya sa kanyang recent Instagram post.

Ito iyong tungkol sa naging baptism niya bilang Christian kamakailan kung saan inamin niyang naligaw umano siya ng daan few years ago. 

"I’ve been a Christian since 2015, got lost when I entered the industry, was invited and attended favor church last 2019, took the wrong path again (2021) not until 2023, when I slowly came back to Him," lahad niya sa nasabing IG post.

"When He wrapped His arms around me, without condemning who I was and what I did, it was my turn to surrender all that I am & all that I do for Him — acknowledging that it is He who is in control of my life and not me," dagdag pa ng aktres.

"Now, I want to seek Him first before anything else because I know by doing so, everything will fall into its right place."

Kalakip nito ang photo at videos na kinunan noong siya ay nagpa-bautismo. 

Pero dahil puwedeng ma-misinterpret ito ng ilan, lalo na't kagagaling lang niya sa breakup, agad na nilinaw ni Maymay na na ang tinutukoy niya sa sinasabi niyang "wrong path" ay ang “trauma” umano niya before at hindi ang kanyang ex-Canadian boyfriend na si Aaron Haskell. Hindi na nilinaw ni Maymay kung ano’ng trauma ito.

"Hello po sa lahat, gusto ko lang po mag explain ng konti about dun sa last post ko sa IG. 'I took a wrong path again nung 2021' it was my past trauma po. I was hurt and so I hurt other people even the people I love," paglilinaw ng aktres sa X (formerly Twitter).

Kasunod nito, hiniling niya sa lahat na wag sanang pag-isipan nang masama ang dati niyang karelasyon. 

"I’m asking lang po sana to be kind especially po from my past relationship (Aaron). Do not take this against him. From the bottom of my heart maraming salamat po," pagtatapos ni Maymay.

Matatandaan na Valentine's Day noong 2022 nang ipakilala ni Maymay sa publiko si Aaron bilang kanyang nobyo through her Instagram post.     

However, umugong ang balitang naghiwalay na sila nitong nakalipas na March matapos mapansin ng netizens na in-unfollow nila ang Instagram account ng isa't isa.  

Sa naging paglilinaw ni Maymay, kinumpirma niyang break na sila ni Aaron.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Maymay Entrata at boyfriend na foreigner, in-unfollow ang isa't isa sa Instagram

Pika's Pick: Maymay Entrata had a Christian baptism; recalls her wavering journey to being a Christian

Maymay Entrata, pasabog ang d'yowa reveal; celebrity friends and fans, todo kilig

Maymay Entrata, ramdam ang challenge ng long-distance relationship nila ni Aaron Haskell

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.