Mayabang na lyrics ng “Pangmalakasan” single ni Janno Gibbs, “joke lang” daw

“Ako naman, kapag sinasabi kong, ‘Ako ang pinakamagandang lalaki,’ ‘pangmalakasan ako,’ ‘malakas ako sa chicks,’ ganyan, I make sure that I say it in a playful manner.  “Kumbaga, pinapaalam ko sa’yo na, ‘Joke lang ‘to, ha. Laro lang ‘to, ha. Hindi [ito] seryoso.’ So, pag sineryoso mo ’yon, hindi na maganda ’yon… ’Yong sa’kin naman, alam naman ng mga tao na playful [ako pag dating sa pagsusulat ng songs]. Being a comedian, alam naman ng mga tao na kumbaga, it’s an act.”

PHOTOS: @jannolategibbs on Instagram

“Ako naman, kapag sinasabi kong, ‘Ako ang pinakamagandang lalaki,’ ‘pangmalakasan ako,’ ‘malakas ako sa chicks,’ ganyan, I make sure that I say it in a playful manner. “Kumbaga, pinapaalam ko sa’yo na, ‘Joke lang ‘to, ha. Laro lang ‘to, ha. Hindi [ito] seryoso.’ So, pag sineryoso mo ’yon, hindi na maganda ’yon… ’Yong sa’kin naman, alam naman ng mga tao na playful [ako pag dating sa pagsusulat ng songs]. Being a comedian, alam naman ng mga tao na kumbaga, it’s an act.”

Nagbabalik sa music scene ang multi-hyphenate celebrity na si Janno Gibbs with his song “Pangmalakasan,” his newest single after 15 years na released under Viva Records.

Bukod sa naging busy ang singer-comedian sa mga acting and hosting projects, aminado rin siyang nagkaroon siya ng writer’s block. 

Sa virtual media conference ni Janno kahapon, May 19, naik’wento n’yang medyo na-challenge din s’ya sa pagsusulat ng newly released n’yang kanta na tila kapatid ng 2004 upbeat song niyang “Pinakamagandang Lalaki.” Nang tumatak daw sa kanya ang salitang “pangmalakasan,” saka siya nagka-idea na gawan ito ng kanta.

“It’s started with the word ‘pangmalakasan,’” lahad ni Janno sa entertainment press. “Because nga gamit na gamit ’yong word [ng mga millennials], I had to find a way kung pa’no mailalagay sa kanta na babagay ’yong tunog, babagay ’yong lyrics. 

Doon ako nahirapan kung papaano s’ya magdyi-gel together,” pag-amin n’ya. “Kasi hindi naman p’wedeng ‘Pagmalakasan’ ’yong title pero ’yong kanta, mellow, weak ’yong lyrics. Hind rin p’wede. Kailangan strong talaga.

Aminado rin si Janno na he doesn’t play any musical instruments kaya nire-record niya lang sa kanyang phone ang beat at tempo na naglalaro sa isip niya (by mimicking the sound na parang nagbi-beatbox) at saka niya pinalalapatan ng music at areglo. 

But even with that unconventional way of writing a song, very sure si Janno sa sound na gusto niya for “Pangmalakasan”—which is funky fused with Pinoy RnB—at sa don’t-take-it-seriously lyrics niya na tila ode niya sa masculine charm.

Paliwanag ni Janno, naging playful and creative lang s’ya sa pagsusulat ng kanta base sa naging trademark ng song n’ya before.  Kaya kung may yabang man daw ang dating ng “Pangmalakasan” na tila pasok sa toxic masculinity category ay wag daw ito masyado i-take seriously at pakatandaan daw na siya ay isang comedian by nature.

Ako naman, kapag sinasabi kong, ‘Ako ang pinakamagandang lalaki,’ ‘pangmalakasan ako,’ ‘malakas ako sa chicks,’ ganyan, I make sure that I say it in a playful manner,” paliwanag ng singer-songwriter and comedian. 

Kumbaga, pinapaalam ko sa’yo na, ‘Joke lang ‘to, ha. Laro lang ‘to, ha. Hindi [ito] seryoso.’ So, pag sineryoso mo ’yon, hindi na maganda ’yon… ’Yong sa’kin naman, alam naman ng mga tao na playful [ako pag dating sa pagsusulat ng songs]. Being a comedian, alam naman ng mga tao na kumbaga, it’s an act.”

Kahit natagalan man, proud si Janno sa nabuo niyang produkto kung paanong proud siya sa mga nalikha na niyang songs before.

“[I’m] very proud. I’m proud of all my songs. Kahit na ’yong mga hindi naging hits very proud ako kasi ako ang gumawa nito, e. So, whether it makes it or not, it’s still an accomplishment for me,” pagtatapos ni Janno.

Very proud din si Janno sa digital art album cover na gawa ng anak niyang si Gabs (na siya ring gumawa ng sariling version niya ng Pakboys Takusa poster na ala-Ocean’s 11). Ani Janno, mahirap daw kasing mag-mount ng mga pictorials sa ngayon kaya binatuhan nalang niya ang creative niyang anak ng lumang litrato niya at ito na ang dumiskarte. And voila! Isang very cool album cover ang nabuo nito.

Pareho raw tech-savy at creative ang mga daughters niyang sina Chi at Gabs at thankful siyang nagkaka-suportahan sila creatively within the family.

Sa ngayon ay p’wede nang ma-access ang “Pangmalakasan” sa Spotify, Apple Music and all music streaming platforms. 

At dahil soon to be released pa ang official music video ni Janno, panoorin muna ang official lyrics video ng “Pangmalakasan” dito:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Viva Records new releases include songs from Janno Gibbs, Bandang Lapis, Schumi, Kean Cipriano and Max Importunate

Hitmaker Arthur Nery, ayaw maniwalang malakas ang sex appeal niya

Kean Cipriano, ALLMO$T, Juan Caoile, King Badger and more music gems release new tracks under Viva Records

Viva Records’ “huling hirit” for the month of April includes new releases from Karencitta (ft. DJ Loonyo), This Band, Arthur Nery, Gian Magdangal, and more!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.