Maya Flores, ibinuking ang mga dahilan kung bakit ideal guy ang fiancé niyang si Geoff Eigenmann

PHOTOS: @g_eigenmann on Instagram, Welcome to the Eigenhouse on YouTube Channel

PHOTOS: @g_eigenmann on Instagram, Welcome to the Eigenhouse on YouTube Channel

Nagpaunlak ang aktor na si Geoff Eigenmann at ang fiancée n'ya, ang singer na si Maya Flores, na sagutin ang ilang tanong mula sa kanilang fans about their family and relationship. 

Dinaan ng mag-sweetheart ang kanilang Q&A, with questions coming from their fans, through pagmu-Mukbang at ini-upload ito kahapon, August 3, sa kanilang kabubukas lang na YouTube Channel na, Welcome to the Eigenhouse.

At s’yempre, hindi nawala sa video ang dalawa nilang adorable kids na sina Arabella Simone (2 years old) and Augustus Geoffrey (1 year old).

Habang kumakain sa dahon ng saging nang naka-kamay ay sinagot nina Geoff at Maya ang question kung paano nga ba nabuo ang kanilang relasyon at kung sino ang gumawa ng first move.

“We met through work,” simulang paliwanag ni Geoff. “There’s a bar a few years back that I was invested in. Every week kumakanta s’ya doon. And along the way... getting to know each other... starting going to more [of her] gigs. Doon nagsimula. We started showing up, and then eventually, nakilala ko ang mga magulang [niya].

Natawa naman si Maya sa huling sinabi ng aktor.  

Ang bilis, e,” sundot ni Maya. “Hinatid na ako sa bahay. Nagpakilala na sa magulang ko.” 

Ganu’n lang s’ya and we've been together ever since,” pagpapatuloy pa ng 35-year-old actor. “In four years, nakabuo na kami ng pamilya. Sobrang saya pa rin. Everyday is different. 'Yong growth namin, maturity, sacrifices we've made for each other...”

Matatandaan na 2016 nang napabalitang nagdi-date sina Geoff at Maya, na kapwa under ng same management team noon na PPL Entertainment Inc. ni Perry Lansingan. Hanggang naging opisyal nga ang kanilang relasyon and in 2017, biniyayaan sila ng baby girl at baby boy naman noong 2019. That same year in April, in-announce nila ang kanilang engagement.  

“I’m so proud of you, babe,” sweet na komento naman ni Maya kay Geoff. “Ikaw talaga ang rock nitong family na ’to, e. Naks!

Ibinahagi rin ng dating member ng Asian girl group na Blush na between them, mas pasensyoso at mas matured daw si Geoff.

S'ya talaga ’yong mapag-pasensya and siguro may pagka-immature pa ako minsan na wala sa...”  pag-amin ni Maya sa viewers. “Ini-explain n’ya sa’kin isa-isa...[mga]  bagay-bagay. Talagang mahaba ang pasensya n’ya sa akin. Kaya nga nandito kami—happy!”

Sunod naman nilang sinagot ang question sa kung ano ang natutunan nila after having two lovely kids. 

Ang lalim ng tanong,” komento agad ni Geoff habang busy pa rin sa pagkain. 

“It's a good question though,” sey naman ni Maya. “Each child is different kasi, e, ’di ba? So 'yong approach mo sa kanila iba din, mag-iiba din.

Dagdag ni Geoff, magka-iba raw ang interes ng dalawa nilang anak na as early as now daw ay nakikita na nila. 

Mahilig daw mag-perform si Beanie (nickname ni Arabella) at mas gusto nito ang mga indoor activities habang ang younger naman na si Gus (short for Augustus) ay outdoorsy.

Mas gugustuhin n'yang lumabas ng bahay to check the dog, to hear the birds,” tsika ni Geoff about his boy.

“With our third baby, we’re both excited to get to know her or him,” singit ni Maya.  "Wow! Kasi exciting din kasi sobrang iba.”

It was last July 15 lang nang in-announce nina Geoff and Maya—via their respective Instagram accounts—that they’re are expecting their Baby No. 3. 

Kung pa'no rin sa amin on how are we gonna be able to help each other calm down kapag nairita na ’yong isa, ’di ba?” pagpapatuloy naman ni Geoff. “How are we gonna survive three kids. Kahit na magiging...malamang, chaotic s’ya, we’re looking forward to it ’cause as people, as individuals, and as parents, we're gonna grow along with our children.” 

Halos wala namang ma-pick up na favorite memory of their family ang celebrity couple dahil halos lahat daw ng moments sa buhay nila as a young family ay tine-treasure nila. 

“Everyday,” sagot ng The Killer Bride actor. “Even the bad days, eventually after it happens, when you look back to it, the bad things turn into good things, e. Kasi naaalala mo ’yong pinagdaanan mong hardship sa kanila. 

Tapos kunwari si Beanie magsasabi ng ‘I love you, Dadda. I love you, Momma.’ S’yempre nakakatunaw ’yon ng puso after kunwari ng breakdown? ‘Di ba? Even bad things to turn into good because of what they do... everything they do.”

Para naman kay Maya, isa daw sa favorite niya ay ang mga bagong-gising moments ng mga anak dahil dahil sweet daw ang mga ito kapag bagong gising.  

Isa sa favorite ko every morning," k’wento pa ng magaling na singer-mom. “Sa umaga pagka-gising and then cuddles...kiss...'Good morning, Momma. I love you, Momma. I love you, Dadda.' It’s so ano lang... nakakatunaw ng puso. ’Di ba, gigising ka sa ganu’n?

Biglang sumingit naman si Geoff at sinabing: “Tapos everyday puro ganyan na...”

Ang tinutukoy ni Geoff ay ang pagsisimulang magkulitan at magsigawan nina Gus at Beanie on-cam. At nang hindi nagpa-awat ang mga ito, inalis na lang muna ni Geoff sa video ang makukulit nilang supling. 

Itong phase ng buhay natin with them... habang ganyan pa sila kabata, 'yan talaga, e,” pahayag ni Maya nang dalawa na lang sila ni Geoff sa video at patuloy na kumakain.  

“Favorite,” pagsang-ayon naman ni Geoff sa sinabi ng fiancee. "As much as ano, sinasabi namin kay Arabella at saka kay Augustus na, ‘Don't grow up. Stay the way you are.’”

“For sure mami-miss namin ’tong moment na ’to [pag lumaki na sila],” ani Maya.  

"That's one for us,” balik ni Geoff. “Kasi may family tayong nagsisimula na... what's happening to us, kahit na pandemic, to us it's easier to see the brighter side of things.”

Importante talaga na always be in the now. Be present,” tugon naman ni Maya. 

Natanong din ang dalawa kung kelan nila balak bumisita sa Amerika. 

"Parehas kaming may family in the States,” salaysay ni Maya sa vlog. "Since tumira din ako doon for five years, marami akong mga kaibigan na kailangang bisitahin. They want to meet the kids, they want to meet Geoff. For sure kapag naayos na...”

“When everything gets better, kapag lumuwag-luwag na 'yong lockdown and traveling is safer na,” echo ni hands-on dad. “Kasi number one priority, especially now, is ’yong kids' safety, ’di ba?” 

Kasama naman daw talaga sa bucket list ng family nila ang maka-bisita sa US.

Bago naman matapos ang video, hinamon ni Maya si Geoff na tanungin s’ya nito.

Ano’ng favorite mo sa ’kin?” pa-sweet na usal ng aktor. 

Sabi na, e, yan itatanong mo,” natatawang komento ni Maya. 

Kaya naman binago ni Geoff ang tanong at sinabing: “Ano’ng favorite mo na ginagawa ko para sa’yo?

’Yong paggiging maalaga mo,” pa-sweet ding tugon ni Maya. “Yeah. You take care of me everyday. ‘Di ba usually ’yong babae ang mas ma-alaga? Usually, 'di ba gan'on naman? Baliktad [sa atin]...

"Grabe, nakakahiya naman,” natatawang pagpapatuloy ni Maya. “Nilaglag ko ang sarili ko. Pero sobra ang alaga n’ya sa akin... the moment I wake up, una n’yang tanong, ‘Ano’ng gusto mong breakfast?’ Ganu’n agad. Parang, ‘Wait lang naman. Wala pa akong naiisip.’ Gano’n s’ya. Very caring and protective. And na-appreciate ko ’yong pagiging mahaba ang pasensya mo sa akin.

Ano pa? Ano pa?” pangungulit ni Geoff. “Ang sarap pakinggan, e.

Totoo,” sagot naman ni Maya. “’Yong pagiging ma-pasensya mo sa akin kasi we’re still getting to know each other talaga, sa totoo lang, ’di ba?
 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.