Makailang ulit na raw naipasa ng sexy-drama actress na si Maui Taylor ang titulong “Pantasya ng Bayan” pero for some reason ay bumabalik daw iyon sa kanya.
Iyan ang inilahad n’ya sa ginanap na media conference kamakailan para sa upcoming Vivamax movie n’ya na Haliparot.
“Actually, ’yong title na Pantasya ng Bayan matagal ko nang pinasa ’yon [sa iba]. Hahaha! Parang bumalik lang ulit,” natatawang lahad n’ya sa entertainment press.
“Yes, from the previous artists that I supported when it comes to their launching films, naipasa ko na. It’s just that parang, it finds its way back to me. Hahaha!” dagdag pa n’ya.
Kaya naman muli raw n’ya itong ipinasa, this time, sa showbiz newbie at co-star n’yang si Aiko Garcia. Ito kasi ang gaganap na anak n’ya sa pelikula na, incidentally, ay launching movie nito.
“But being in this film, supporting a newbie, another upcoming actress, ito na nga s’ya, si Aiko, I feel like this project, parang feeling ko ito na talaga ang pagpasa ng korona,” saad ng former Viva Hot Babes member.
Masaya naman daw s’ya na kay Aiko n’ya ibinigay ang titulo dahil mahusay umano itong aktres kahit na baguhan pa lang.
“I’m very happy na si Aiko ’yong pagpapasahan ko nito because she did very well in this movie. Magaling, e. Magaling,” pagko-compliment n’ya sa showbiz newbie.
Noon pa man daw ay nakitaan na n’ya ng potensyal si Aiko nang sumabak at manalo ito sa erotic reality show na Pantaxa: Laiya.
“Actually, when we were doing Pantaxa isa s’ya sa nakita namin na meron talagang edge. So, congrats, our baby girl,” ani Maui.
Nagpasalamat naman si Aiko sa magagandang sinabi ng seasoned actress sa kanya.
“Thank you so much. S’yempre, napaka-honored ako na maka-work si Ms. Maui. Mentor namin s’ya,” saad ng baguhang aktres.
“Mahiyain ako, e. During Pantaxa parang iwas na iwas nga ako sa kanila,” pag-amin pa n’ya.
Pinatotohanan ito ni Maui by saying, “Hindi s’ya nakikipag-usap. Hindi rin s’ya tumitingin sa amin.”
Aminado naman ito ni Aiko dahil mahiyain daw talaga s’ya.
“May sarili akong mundo kasi nahihiya talaga ako na I can still feel na nandito lang ako, nandoon sila. So nahihiya talaga ako,” aniya.
Kaya naman na-appreciate umano n’ya nang husto ang pagtanggap ni Maui sa mother role nito sa launching movie n’ya.
“And then naka-work ko s’ya dito and sinabi n’ya na…nandu’n ’yong thought na sasamahan n’ya ako sa project na ito,” lahad ng Vivamax star.
“Sobrang honored ako at na-presure talaga ako. Sabi ko, ‘Magagawa ko kaya ito, e, si Ms. Maui ’yan?’” pagpapalakas umano n’ya sa kanyang loob bago magsimula ang shooting.
Marami rin daw lessons ang naibahagi ni Maui sa kanya.
“Ang isa sa tumatak sa akin ay ’yong wag kung intindihin ang sasabihin ng iba o judgment kasi ano ’yan, e…ang mga pinapakita sa labas o sa social media, it’s all lie,” pagbabahagi ni Aiko.
“Sabi ni Ms. Maui. ‘Now, just do your best at mag-focus ka lang sa sarili mo.’ And it helps a lot kasi isa sa mga bagay na humahadlang sa pagiging performers mo is ’yong doubt,” she went on.
“S’yempre, [kumbaga] iisipin ko pa kung ano ’yong iisipin ng iba. Thankfully, nand’yan s’ya as a mentor. Isa ’yon sa pinanghahawakan ko na I have to focus on myself.”
Ang mahalaga naman daw kasi ay wala s’yang inaagrabyadong tao sa kanyang pag-aartista.
“What’s important, e, wala akong inaapakang tao. And I’ll just be myself. Kung ano ’yong gagawin ko, ibibigay ko ’yong best ko as I always say,” pahayag ni Aiko.
Singit naman ni Maui, sweet and thoughtful ang showbiz newbie dahil talagang nagpasalamat ito sa kanya noong natapos nila ang shooting.
“Ang sweet n’yan. Kasi after ng last day ng film talagang minessage n’ya ako nang personal. Minessage n’ya talaga ako,” kuwento ng aktres.
“Ang haba ng text n’ya sa akin, ang iksi ng reply ko. Hahaha! Kasi may gig… Nasa HongKong na ata ako nu’n. Hahaha!” natatawang pagpapatuloy n’ya.
Bibihira raw kasi ang ganu’ng gesture sa mga baguhang artista.
“Very sweet. Kasi alam n’yo, bihira ’yong artista lalo na like her na ila-launch, makaka-appreciate ng ganu’n na sinamahan mo s’ya. Kumbaga, tumanggap ka ng isang pelikula para suportahan s’ya. Bihira ’yon,” pagtatapos ni Maui.
Mapapanood ang movie nina Maui at Aiko, kasama sina Matthew Francisco at Aerol Carmelo, na Haliparot simula October 20 sa Vivamax.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.
YOU MAY ALSO LIKE:
Maui Taylor at non-showbiz ex-partner, sa iisang bahay pa rin nakatira
Revelation ni Maui Taylor: may tinu-time siya noon
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber