Matteo Guidicelli on having a baby with wife Sarah Geronimo: “I-pray n’yo nang mabuti. Sana next week.”

PHOTOS: @matteog on Instagram

PHOTOS: @matteog on Instagram

Mahalaga para sa actor-athlete na si Matteo Guidicelli ang financial education lalo na ngayong may asawa na s’ya at nagsisumula nang bumuo ng sarili n’yang pamilya. 

Ito ang inihayag si Matteo last November 20 sa ginanap na virtual conference ng Sun Life insurance company kung saan ambassador ang Filipino-Italian kart racer-turned-actor para sa kanilang Newlywed Starter Pack. 

Swak daw si Matteo sa nasabing financial solution bundle dahil nga kakakasal lang nila ng misis n’yang si Sarah Geronimo

At dahil marami ngang adjustment when it comes to finances ang mga bagong kasal, isa sa naitanong kay Matteo kung sino ba ang nagma-manage ng finances nilang mag-asawa. 

Hindi man ito direktang sinagot ng aktor, sinabi n’yang dapat parehong may alam sa paghawak ng pera ang mag-asawa. 

“I think it’s important na we’re discussing this na ‘yong mister and misis maging financially educated…” paliwanag ng 30-year-old actor. 

“Sometimes dito sa Philippines, sa kultura natin, medyo taboo, no? Medyo parang, ‘Eeee.’ Medyo ganu’n kapag pinag-usapan n’yo ‘yong pera. 

“But it’s very, very important. I think everybody wants their money to grow. Nobody wants their money to be stagnant or to be...or you’re having a loss. So it’s very, very important na whatever you have would appreciate—the things you buy, the things you spend would appreciate,” sey pa n’ya. 

Kinumusta din ng press ang pagsasama nina Matteo at Sarah ngayong tatlong buwan na lang ay magsi-celebrate na sila ng kanilang first wedding anniversary. 

Sobrang blessing,” tugon ng Masked Singer Pilipinas co-judge. “Maganda ‘yong pinagdadaanan namin. At sobrang thankful na nakahanap ako ng asawa na tulad ni Sarah, no? [I’m] very, very thankful.”

Aware ang publiko kung gaano siya ka-proud dito sa mga ganap nito off cam. In fact, makaulang ulit nga n’yang pinuri ang baking skills ng kanyang misis. 

“Sarah is baking. Sarah is a very, very good cook. She’s baking very, very well. Talagang talented s’ya, e. Talented s’ya sa mga ganitong aspeto. Sobrang metikulosa s’ya. Ang galing n’ya.” 

Last November 8 naman nang mag-post si Matteo sa Instagram kung saan kasama nila si Baby Gianna ng sister n’yang si Georgia. Dahil dito, natanong ang aktor kung kailan ba sila ng misis n’yang si Sarah susunod na magka-baby. 

I-pray n’yo nang mabuti. Sana next week,” natatawang biro ni Matteo. “Sa totoo lang hindi pa namin alam. Kumbaga ‘yong relationship namin matagal-tagal na, no? Mag-boyfriend-girlfriend kami… Ngayon lang kami nagsama so… We’re not rushing. In God’s time it will happen. Sana in the near future. We’ll see.”

May nagpahabol pa ng tanong kung ilan bang baby ang pinaplano nila.  

Hindi ko pa alam, e,” nakangiting sagot ni Matteo. “The more, the merrier. Hahahaha!”

Isa pa sa naitanong sa aktor ay kung may plano pa ba silang magkaroon ng church wedding. Matatandaan kasing last February 20 ay naging kontrobersyal ang dapat sana ay secret wedding ng dalawa. 

“When the time is right. Sana, of course. ‘Yon naman talaga ‘yong maganda. Kung may vaccine na tayong lahat,” pagtatapos ni Matteo.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Matteo Guidicelli declares: “I can’t wait to be a father.”

Matteo Guidicelli talking about love and married life with Sarah Geronimo gives kilig to AshMatt fans; says finding your partner “will bring you to incredible places.”

Pika's Pick: Matteo Guidicelli flexes another of his “my wife’s” baked creations

Pika's Pick: Matteo Guidicelli beams with pride as she shares photo of wife Sarah’s dessert creation made just for him; adds that she also cooked him dinner

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.