Matet de Leon, aminadong napahiya matapos sitahin at pagtinginan ng mga tao nang pumila siya sa priority lane ng isang supermarket

Hindi rin naman daw masisisi ni Matet de Leon ’yong ibang sumisita dahil may ibang tao rin naman daw talaga na mapagsamantala at pipila sa mga priority lane kahit na hindi sila elderly, buntis, o PWD. “Alam mo meron kasing mga pumipila na hindi naman talaga PWD or magpe-pretend na buntis. Kasi ang buntis p’wede ring pumila doon, e, pero hindi naman talaga buntis... I think they can get away with that, right? Kasi we let them,” aniya.

PHOTOS: @missmatet on Instagram & Anna Pingol

Hindi rin naman daw masisisi ni Matet de Leon ’yong ibang sumisita dahil may ibang tao rin naman daw talaga na mapagsamantala at pipila sa mga priority lane kahit na hindi sila elderly, buntis, o PWD. “Alam mo meron kasing mga pumipila na hindi naman talaga PWD or magpe-pretend na buntis. Kasi ang buntis p’wede ring pumila doon, e, pero hindi naman talaga buntis... I think they can get away with that, right? Kasi we let them,” aniya.

Nagbigay detalye ang aktres na si Matet de Leon sa kanyang unpleasant experience kamakailan nang pumila s’ya sa priority lane ng isang supermarket.

Nai-post kasi n’ya ang karanasang ito sa kanyang Instagram account noong September 2 kung saan sinabi n’yang napahiya s’ya sa pinuntahan n’yang grocery store.

Ayon sa aktres, pumila s’ya sa priority lane hindi dahil nagmamaganda o nanlalamang siya kundi dahil dahil isa rin s’yang person with disability o PWD dahil na-diagnose s’ya na meron s’yang bipolar disorder.

(Sa ngayon kasi, p’wede nang mag-apply para magkaroon ng PWD ID ang mga taong merong mental illness-triggered disability gaya ng down syndrome, bipolar disorder, post-traumatic stress disorder (PTSD), and schizophrenia alinsunod na RA 11036 o Philippine Mental Health Act.) 

“I have bipolar disorder. I’m a pwd. Hindi halata? Kaya pala pinag titinginan ako kanina sa isang supermarket. Kinalabit pa ako ng isang babaeng yayamanin at pinapalipat ng lane. Hiyang hiya ako,” lahad ni Matet sa Instagram.

“Pati sa sarili ko…Pumila kasi ako sa pwd lane.. Wala akong kasunod na senior o may visible disability kaya nag decide ako na doon na pumila. Kung saan ako dapat,” saad pa n’ya. 

Ito raw ang mahirap sa mga katulad n’yang may pinagdadaanan mentally dahil hindi ito agad nakikita kumpara sa mga physically challenged people. 

“Ang hirap ng kalagayan naming may mental health issues na hindi nakikita ng iba.. Sanay sila na ang may mental illness, nagtutulo ng laway o nagsasalita mag isa,” sabi ng aktres. 

“Sana sa lahat ng makakabasa nito, mag ingat. Guys, hindi madali ang malagay sa sitwasyon namin. Sana huwag nang pabigatin pa ng iba.. Sana huwag nang paabutin pa sa kailangan na naming isabit sa leeg namin mga id namin…Kaloka,” panawagan ni Matet.

“At sa mga kagaya ko, na kaya naman magtiis ng sandali, paunahin ang matatanda at yung talagang makikita ninyong hirap nang pumila. Yun lang,” she concluded.

Kaya naman ng makausap s’ya ng entertainment press sa yellow-carpet premiere ng kinabibilangan n’yang teleserye na Love Before Sunrise nitong September 16 ay natanong s’ya tungkol dito.

Ang bastos kasi nu’ng mga iba. Ano ko lang… Ang ganda ko kasi tapos… Hahaha! Hindi ako mukhang [PWD], e. Kung hindi ako magsasalita hindi ako mukhang PWD,” pabirong pangre-real talk ng aktres.

Binalikan n’ya rin ang sandaling sinita s’ya ng isang babae nang magbabayad na s’ya sa counter. 

“So ’yon nga. Pumila ako. May dala akong toothbrush, may dala akong harina. ’Yon ang dala-dala ko, nakaganyan ako, sabi nu’ng babae… Hinawakan ako sa braso. [Mukhang] maykaya. ‘Hi,’ sabi n’ya, ‘Isang pila lang tayo.’”

Sumagot naman daw s’ya para ipaalam dito na PWD s’ya.

Sabi ko, ‘PWD ho ako.’ Doon pa lang… ‘Ay, sorry.’ ‘Sorry din ho.’ Tapos nakatayo akong ganu’n pinagtitinginan na ako ng mga tao,” pagre-recall n’ya.

Napahiya raw s’ya dahil sa nangyari. 

’Yong kahihiyan, ’di ba? Nahiya ako talaga. Although… walang nasa likod ko na matanda or whatever. Bakit hindi ako doon pipila? Ayon lang,” punto n’ya. 

Ang medyo isyu ko lang doon is respeto doon sa mga hindi nakikitang disability. Kasi a lot of people don’t know kung anong pinagdadaanan ng iba,” she added. 

Pag depressed kasi ang isang tao sobrang hirap maligo, sobrang hirap kumain, sobrang hirap lahat. Pati ’yong pagtayo at pagbili ng mga kailangan nila sa grocery hirap na hirap sila. Hindi n’yo alam, ’di ba?

Sa case ni Matet, nag-apply daw s’ya for PWD ID this past August dahil qualified naman s’ya roon dahil nga na-diagnose s’ya na may bipolar disorder. 

Kailangan ma-diagnose ka at pag na-diagnose ka saka lang mabibigyan ng reseta para kung gusto mo mag-apply for an ID. If not, kung ayaw mo naman, e di, wag, ’di ba?” paliwanag n’ya. 

Pero hindi n’ya rin naman daw masisi ’yong iba na naninita dahil may mga tao rin na talagang mapagsamantala at pipila sa priority lane kahit na hindi sila naman sila elderly, buntis, o PWD. 

Alam mo meron kasing mga pumipila na hindi naman talaga PWD or magpe-pretend na buntis. Kasi ang buntis p’wede ring pumila doon, e, pero hindi naman talaga buntis. O kaya pipila sa prestige [lane kahit na] hindi naman talaga sila prestige. I think they can get away with that, right? Kasi we let them,” aniya.  

At dahil may mga nagpaparinig pa raw sa kanya sa pila that time napilitan umano s’yang ilabas ang kanyang PWD ID. 

Nilabas ko. Kasi after that, nu’ng sinabi ko na ‘PWD po ako,’ ’yon namang mga nasa likod ko [nagtatanong ng], ‘Isang pila lang ba? Dalawa yata, e.’ ’Yong parang, ‘Ba’t nand’yan s’ya?’ Parang ganyan ang dating o na-aning lang ako? Hindi ko alam,’” pagbabalik-tanaw ng actress-entrepreneur.

Nilingon ko. ‘Sige na nga.’ Nilabas ko na ’yong ID pati ’yong booklet para [patunayan]. Nakakahiya. Nahiya ako sa mga tao. Nahiya ako sa sarili ko, sa paligid, everybody. Hiyang-hiya ako,” pag-amin n’ya.

Kung may gusto man daw s’yang ipunto sa nangyari, iyon ay matuto raw sana ang mga tao na irespeto ang bawat isa dahil lahat naman ay may kanya-kanyang pinagdadaanan sa buhay nakikita man ’yon sa pisikal na anyo o hindi.

Bakit kailangang umabot na ’yong may mental illness, ’yong may problema sa tenga, sobrang labo ng mata… yong mga hindi iika-ika, alam mo ’yon? Kailangan naming magsabit sa leeg [ng ID]? Respeto…” pagtatapos n’ya.

Anyway, mapapanood ang Love Before Sunrise, na kitatampukan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo, simula September 23 sa Viu streaming app, at sa September 25 sa GMA Telebabad.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Nora Aunor at anak si Matet de Leon, nagkita at nagkaayos na!

Matet de Leon, severs ties with adoptive mom Nora Aunor over gourmet tuyo and tinapa product line tapatan; says "ampon na ampon ’yong pakiramdam ko ngayon."

Matet de Leon addresses "walang utang na loob" paratang anew; credits her Ate Lotlot as her and her siblings' real mother figure

Lotlot de Leon, dinepensahan si Matet at mga kapatid: “Wala akong mga kapatid na masasama ang ugali.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.