Matapos maispatan with Jake Ejercito, Kylie Verzosa, pinaalalahanan ng netizen: “Tama ka na sa Jake. Quota ka na.”

May video'ng kuha ni Kim Chiu sa sweet interaction between Kylie Verzosa at Jake Ejercito during the Dreamscape Christmas party at na-pick up at ini-repost din ng admin ng Instagram fan page ni Jake. Doon ay pabiro pang kinastigo ng admin ang kilig at sweetness ng kitang-kita sa dalawa.

PHOTOS: @kylieverzosa, @chinitaprincess, & @unoupdates_ on Instagram

May video'ng kuha ni Kim Chiu sa sweet interaction between Kylie Verzosa at Jake Ejercito during the Dreamscape Christmas party at na-pick up at ini-repost din ng admin ng Instagram fan page ni Jake. Doon ay pabiro pang kinastigo ng admin ang kilig at sweetness ng kitang-kita sa dalawa.

Game na tumugon ang beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa sa pabirong paalala sa kanya ng netizen ngayong tila nali-link s’ya kay Jake Ejercito. Jake din kasi ang pangalan ng dati n’yang boyfriend.

Naispatan kasi sila ng Kapamilya actor na si Jake Ejercito na sweet and close sa naging Christmas party ng Dreamscape Productions na ginanap nitong Sabado, December 17. 

Nakunan pa ni Kim Chiu ng video ang tagpo habang kumakanta sila Kylie at Jake na ipinost nito sa kanyang Instagram Story.

Sa video ay makikitang inakbayan ni Jake ang kinikilig na si Kylie habang sumisigaw ang aktres ng “Stop it. Stop it.” Base sa background noise ay kinikilig din ang mga nanonood sa kanila.

“We go for Jake and Kylie,” pahayag pa ni Kim sa inilagay n’yang text sa nasabing video.

Tila pagpapahayag n’ya ito ng suporta sa dalawa kung sakaling mauwi ang mga ito sa pagiging magkasintahan.

Na-pick up din ang video’ng ito at ini-repost ng admin ng Instagram fan page ni Jake. Pabiro pang  kinastigo ng admin ang kilig at sweetness ng kitang-kita sa dalawa.

“Ano na naman to Jakey! Ms Kylie alam namin may korona ka pero mahaba po pila,” pabirong pahayag ng admin sa inilagay n’yang caption.

https://www.instagram.com/p/CmQzLfHtyj-/?next=%2F

Bumuhos din sa comment section ang iba’t ibang reaction ng netizens dahil nga rare interaction na ito nina Kylie at Jake, na at present ay kapwa single.

May isa namang nagbiro at sinabing quota na umano ang aktres sa mga lalaking nagngangalang Jake.

“Kylie tma kn s jake kotah kn,” maikli ngunit malamang joke nito.

Game namang tumugon dito si Kylie at sinabing, “Tru mi.”

SCREENSHOT: @unoupdates_ on Instagram

Matatandaan na nito lang nakalipas na April nang ipaalam nina Kylie at dati n’yang nobyo na si Jake Cuenca na natapos na ang kanilang three-year relationship bilang magkasintahan. 

Sa presscon naman ng Baby Boy, Baby Girl last July ay sinabi ni Kylie na masaya umano s’ya lalo pa’t tuloy-tuloy na blessings na natatanggap n’ya pero hindi pa daw s’ya ready’ng magmahal muli.

This time around, si Jake Ejercito na kaya ang bagong nagpapatibok ng puso n’ya? 

Sa ngayon ay wala pang paglilinaw sina Kylie at Jake Ejercito kung may namumuo nga bang pagtitinginan sa pagitan nilang dalawa.

 

YOU MAY ALOS LIKE:

Kylie Verzosa, tumangging sagutin kung hiwalay na sila ni Jake Cuenca; aktor, umaming break na sila

Kylie Verzosa, amindong wala ng communication with Jake Cuenca; mas magpo-focus daw sa trabaho ngayon single na ulit siya

Kylie Verzosa, hindi naniniwalang love is enough sa isang relasyon

Kylie Verzosa on her former boyfriend Jake Cuenca: “Akala ko s’ya na.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.