Matapos maging “sexy mistress,” Lianne Valentin, excited sa bagong wholesome role

Excited si Lianne Valentin sa bago niyang role sa singer sa “Love Your Beat” episode ng Regal Studio Presents dahil unknown to many, mahilig din daw talaga siyang kumanta. “I love to sing. Hindi lang ako masyadong ma-post sa social media accounts ko ng pagkanta ko. Noong nalaman ko na may kanta itong episode, sobrang thrilled ako. Sana masundan pa ng mga ganito na may singing," sey ni Lianne sa naganap na Zoom mediacon ng RSP.

Photos: @lianne.valentin / @carlosanjuan_

Excited si Lianne Valentin sa bago niyang role sa singer sa “Love Your Beat” episode ng Regal Studio Presents dahil unknown to many, mahilig din daw talaga siyang kumanta. “I love to sing. Hindi lang ako masyadong ma-post sa social media accounts ko ng pagkanta ko. Noong nalaman ko na may kanta itong episode, sobrang thrilled ako. Sana masundan pa ng mga ganito na may singing," sey ni Lianne sa naganap na Zoom mediacon ng RSP.

Para sa first anniversary presentation ng Regal Studio Presents (RSP) ngayong September, ang kanilang unang handog ay isang romantic-musical-drama titled “Love Your Beat” na pagbibidahan nina Lianne Valentin at Carlo San Juan.

Sa naturang episode, na eere na sa September 11, gaganap si Lianne bilang Det, isang singer na nadurog ang puso dahil sa isang failed relationship. Si Carlo naman ay si Ian, ang kapalit na gitarista ng banda kunsaan dating miyembro ang ex-boyfriend ni Det.

Ibang-iba ang role na ito kay Lianne bilang singer after ng kanyang breakthrough role as the mistress Stella sa nagtapos na top-rating afternoon series ng GMA na Apoy Sa Langit

Isa nga raw sa talento ni Lianne noong bata pa siya ay ang kumanta at maipapakita niya ito sa RSP.

“I love to sing. Hindi lang ako masyadong ma-post sa social media accounts ko ng pagkanta ko. Noong nalaman ko na may kanta itong episode, sobrang thrilled ako. Sana masundan pa ng mga ganito na may singing," sey ni Lianne sa naganap na Zoom mediacon. 

Inamin ni Lianne na hindi raw madaling kumawala sa kanyang character na si Stella dahil ilang buwan din daw niyang dinala iyon. Kaya kailangan niyang gumanap sa ibang characters para maipakita niya ang kanyang pagiging versatile actress.

"Noong nag-taping kami for Regal Studio Presents, medyo naninibago talaga ako kasi mayado akong nasanay sa production ng Apoy Sa Langit, ’yung mga co-stars ko doon and siyempre 'yung role ko. Ilang months ding nag-lock in 'yun so 'yung role ni Stella masyadong kasado sa utak ko. 

“Itong Regal Studio Presents, opposite, as in sobrang iba talaga pero excited ako. 'Yung taping namin dito, very smooth lang and naramdaman ko 'yung pagka-enjoy ko din na maka-discover or makatrabaho 'yung mga bagong tao," diin pa niya.

Ang former Mr. Pogi naman na si Carlo ay first time din na ilalabas ang talento sa pag-awit at isa rin daw siyang bad boy sa episode na first time niyang gagawin. 

"Napakaganda po ng role na binigay sa akin. Tulad po ng role ko sa Daddy’s Gurl, saka 'yung mga natatangap ko pong ibang role na kuwela, kilig, ito po, bad boy po ako dito.

“Dito po sa episode namin ni Lianne, masho-showcase ko din po 'yung talent ko in singing and also pagpe-play ng guitar.”

Isa pa sa ikinatuwa ni Carlo ay ang magandang chemistry nila ni Lianne noong mag-taping sila.

"Excited na rin po akong mapanood ito kasi sa set pa lang po, sinasabi na din po sa amin na ang ganda po ng chemistry namin ni Lianne. 

“Napi-feel ko din po 'yun sa set kaya very excited po ako ngayong sa story po naming dalawa," sey ni Carlo.

Bukod sa episode nina Lianne at Carlo, ang iba pang aabangan na kilig episodes sa first anniversary ng Regal Studio Presents ay "Eat Must Be Love" starring Almira Muhlach, Bryce Eusebio, at Jana Taladro on September 18. At "Win a Date" starring Althea Ablan and Yasser Marta on September 25.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Lianne Valentin, ayaw mag-boyfriend para hindi masira ang focus sa career

Apoy sa Langit star Lianne Valentin, willing na ring magpaka-daring sa pelikula basta walang pasilip ng harapan

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.