Matapos gumaling ng buong pamilya ni Ina Raymundo mula sa COVID, siya naman ang nag-positive sa Omicron

Kabilang si Ina Raymundo at ang kanyang pamilya sa mga dumaraming celebrities na hindi rin sinanto ng Covid-19. The good news is, on her way to recover na siya. Nagbigay ng update si Ina sa kanyang followers and supporters at sinabing bumubuti na ang kanyang pakiramdam. Nagpasalamat din s’ya sa mga taong nag-alay ng dasal para s’ya ay gumaling.  “I got the Omicron but getting better. [J]ust take it easy peeps and thanks to those who prayed & wished me well.  [T]ruly appreciate it.”

PHOTOS: @inaraymundo95 on Instagram

Kabilang si Ina Raymundo at ang kanyang pamilya sa mga dumaraming celebrities na hindi rin sinanto ng Covid-19. The good news is, on her way to recover na siya. Nagbigay ng update si Ina sa kanyang followers and supporters at sinabing bumubuti na ang kanyang pakiramdam. Nagpasalamat din s’ya sa mga taong nag-alay ng dasal para s’ya ay gumaling. “I got the Omicron but getting better. [J]ust take it easy peeps and thanks to those who prayed & wished me well. [T]ruly appreciate it.”

On her way to recovery na ang aktres na si Ina Raymundo matapos s’yang magpositibo sa COVID-19.

In her Instagram post on January 7, ibinahagi n’ya na buong pamilya daw nila ang tinamaan ng sakit. Nauna umanong nag-positive sa coronavirus ang kanyang mister na si Brian Poturnak at ang lima nilang mga anak. 

Pero kung kailan daw gumaling ang kanyang family ay saka nila nalamang siya naman ang nag-positibo sa Omicron variant.

“My bunso has just recovered from Covid and she’s already playing so beautifully,” pagbibida ng aktres sa youngest daughter n’yang si Minka. 

“We all got covid, my husband and 5 kids. Most of them have recovered but I just tested positive today.”

Kahit nagkasakit ay umiral pa rin ang pagiging optimistic ni Ina dahil naalagaan at napagaling daw n’ya ang kanyang pamilya bago s’ya tuluyang nagka-COVID at kailangang mag-isolate. 

“Ang bait pa rin ni God that I’m the last to get it so I was able to take good care of all of them. Most of my kids were sick for 2 days not more than 3 days. I treated all of them like they have the flu,” saad pa n’ya. 

Kaya naman paalala ng aktres sa lahat, “Pls keep calm everyone. God is still in control.”

Kahapon naman, January 10, ay nagbigay ng update si Ina sa kanyang followers and supporters at sinabing bumubuti na ang kanyang pakiramdam. Nagpasalamat din s’ya sa mga taong nag-alay ng dasal para s’ya ay gumaling. 

“I got the Omicron but getting better. [J]ust take it easy peeps and thanks to those who prayed & wished me well.  [T]ruly appreciate it,” pagtatapos ni Ina. 

Kabilang na si Ina sa listahan ng mga celebrities na nagpositibo sa COVID-19 gaya nina Candy Pangilinan, Pia Wurtzbach, Sofia Andres, Iya Villania, at iba pa.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.