Masked Singer Pilipinas judges, Aga Muhlach, Cristine Reyes, at host na si Billy Crawford, umaapela ng unity

Lahat ng artistang kasali sa Masked Singer Pilipinas—mula sa host na si Billy Crawford at judges na sina Kim Molina, Matteo Guidicelli, Cristine Reyes at Aga Muhlach—ay pawang identified sa ABS-CBN, lalo na si Billy na matagal nag-host sa It’s Showtime at araw-araw ang exposure sa Kapamilya network. Although technically, ang talagang tahanan nila ay ang Viva Artists Agency, which just happened to find work for them on ABS-CBN at that time. But this time around, they’d be seen on TV5 starting October 24.

Lahat ng artistang kasali sa Masked Singer Pilipinas—mula sa host na si Billy Crawford at judges na sina Kim Molina, Matteo Guidicelli, Cristine Reyes at Aga Muhlach—ay pawang identified sa ABS-CBN, lalo na si Billy na matagal nag-host sa It’s Showtime at araw-araw ang exposure sa Kapamilya network. Although technically, ang talagang tahanan nila ay ang Viva Artists Agency, which just happened to find work for them on ABS-CBN at that time. But this time around, they’d be seen on TV5 starting October 24.

In their minds, nakahanda na marahil ang mga headliners ng Masked Singer Pilipinas—ang host na si Billy Crawford at ang judges na sina Kim Molina, Matteo Guidicelli, Cristine Reyes at Aga Muhlach—na matatanong at matatanong sila tungkol sa kanilang “paglipat” sa TV5 o kung ano pakiramdam na nasa bakuran na sila ng Kapatid Network sa pagharap nila sa entertainment press para sa virtual press conference ng kanilang show.

Lahat kasi sila ay identified sa ABS-CBN, lalo na si Billy na matagal nag-host sa It’s Showtime at araw-araw ang exposure sa Kapamilya network. Although technically, ang talagang tahanan nila ay ang Viva Artists Agency, which just happened to find work for them on ABS-CBN at that time.

Well, the universe has shifted and they just have to be where the work is.

In the case of Cristine, nang matanong kung tingin ba niya ay TV5 na ang bagong kakumpetensya ng GMA-7 sa free TV in terms of viewership and advertising, sinabi niyang hindi niya sa ganoong anggulo tinitingnan ang mga bagay-bagay. Basta daw siya ay masaya at nakabalik-trabaho na siya after seven months of inactivity.

“Actually, personally nakakapanibago po... ako ’yong experience ko kasi first time ko po dito sa TV5,” pag-amin ni Cristine about her initial state of mind sa Kapatid network.

“Pero parang wala po akong nakikitang competition between TV5 at GMA kasi at this moment in time, the whole entire world kailangan mas maging...magtulungan tayo kesa ’yong maging magka-kumpitensya.

“Para sa akin itong panahon na ito dapat hindi natin tinitignan kong nasaang network ka, e. I don’t know. Feeling ko nu’ng pag dating ko naman dito sa studio lahat din ng tao na nandito katrabaho din namin [dati] sa ABS-CBN. So, parang feeling ko, ‘Okey, wala pa ding nagbago.’ Parang pareho pa din naman. Kumbaga, kailangan lang natin mag-move on in life.”

On Billy’s part, ipinaalala niya sa mga tao na bago siya napunta ng ABS-CBN ay taga-GMA muna. And now, he’s exploring new options sa TV5. Wala naman daw talagang certain or fixed in life. And he believes na he, being seen on TV5 now, is God’s way of taking care of him so he can take care of his young family.

“And also ito na rin ’yong sinabi mo kanina, Cristine, na it’s time na magkaisa tayong lahat,” pick up ni Billy where Cristine left off. “Itong pandemya talaga taught us all to reset, rethink about our life... kung ano’ng gagawin namin in the future.

“So, by having TV5 open their doors para sa amin dito... hindi lang mga artista but pati na rin ang staff, camera men, you have producers, you have writers you have all these people involved... directors na galing din sa iba’t ibang networks...

“Katulad ng sinabi ko, I started with GMA then napalipat ako sa ABS-CBN...and you never really know. Nothing is really certain in life. Pero kami...ako, I speak on my... for me, siguro for everyone we really  just trusts God kung ano ’yong plano Niya para sa amin... and dito niya kami pinadpad and we’re just thankful na binuksan nila ang pintuang ito para sa amin dito.”

Samantala, mas naging emphatic ang sagot ni Aga, who is considered the most veteran in the roster. Aniya, tigilan na raw sana ang pagle-label sa mga artista kung Kapamilya, Kapuso, o Kapatid. Mas maganda raw na tingnan ang mga artista as one unified family under the wings of the entertainment industry.

“Ito ’yong noon ko pa sinasabi na dapat naman talaga kasi hindi divided ang mga artista,” sounding-frustrated na panimula ni Aga.

“When in the ’80s in the ’90s early 2000, diba sama-sama lang ang lahat and then nagkaroon ng division like...Dapat always welcome lahat.

“So, sa akin din, sa lahat ng mga taga-ABS... galing din ako ng ABS-CBN, nagpunta ako ng TV5...any division really... para you guys, sa mga nangyayari sa ABS-CBN... but ang gusto ko lang sabihin sa inyo, wag ninyo maramdaman na iba kayo dito. Dapat parang pareho-pareho tayo, magkakasama tayo sa industriyang ito, isa-isa ang ginagalawan natin.”

Patuloy na ratsada niya: “Tigilan natin ’yong mga division ng mga artista. Sama-sama tayong lahat nagtatrabaho. Mas gaganda, mas magiging masaya ang publiko kung hindi magkaka-hiwalay. Kasi nahihiwalay din kasi may Kapuso, may Kapamilya, may Kapatid, may ganyan... 

“Lahat tayo nasa entertainment industry... it’s about time... Salamat din sa covid itong nangyayaring ito... so, ngayon magkakasama tayo, nasa TV5 tayo because ito ’yong show ngayon... susunod pag nagkaroon ng show ang [Channel] 7, magkaroon ng show ang kahit sinuman,  bakit hindi? Sama-sama lang. Sana ganu’n.” 

In the meantime, ang Masked Singer Pilipinas, na isang franchised show mula South Korea, ay produced ng Viva’s SariSari Channel for TV 5.

It will start airing on October 24, 7pm, on TV5.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Masked Singer Pilipinas judges Aga Muhlach, Cristine Reyes, Matteo Guidicelli, and Kim Molina do technical rehearsals for the show which is slated to air on October 24.

Masked Singer Pilipinas, Pinoy na Pinoy kahit franchise show; costumes palang, undeniably Pinoy na

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.