Marvin Agustin, wala nang planong sundan ang kambal niyang sina Sebastian at Santiago

Dahil 18 years old na ang kambal ni Marvin Agustin na sina Sebastian at Santiago, natanong ang actor-restaurateur kung may plano pa ba s'yang bigyan ng kapatid ang mga ito. “Hindi ko alam kasi I’m 44 now. I’ll be 50 years old six years from now. Paano ’yong energy nu’n? So, ini-enjoy ko na ’tong buhay ko na ’to na ’yong mga bata malalaki na. Hindi na ganu’n ka-stressful asikasuhin."

PHOTOS: Melo Balingit & @MarvinAgustinOfficial on Facebook

Dahil 18 years old na ang kambal ni Marvin Agustin na sina Sebastian at Santiago, natanong ang actor-restaurateur kung may plano pa ba s'yang bigyan ng kapatid ang mga ito. “Hindi ko alam kasi I’m 44 now. I’ll be 50 years old six years from now. Paano ’yong energy nu’n? So, ini-enjoy ko na ’tong buhay ko na ’to na ’yong mga bata malalaki na. Hindi na ganu’n ka-stressful asikasuhin."

Totoo ang kasabihang "Time flies fast” dahil sinong mag-aakalang ang baby twins ng actor-restaurateur na si Marvin Agustin ay mga binata na pala.

Magko-kolehiyo na raw ang dalawa at, for the first time in their lives, ay pansamantalang magkakahiwalay muna ang mga ito dahil mag-aaral umano sa US ang isa sa kanila. 

Iyan ang naikuwento ni Marvin sa pakikipagtsikahan n’ya with the entertainment press kamakailan nang pormal s’yang ipakilala bilang bahagi na ng Crown Artist Management ng magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Magka-college na sila. Parang this time lang sila maghihiwalay since pinanganak sila,” pagbabalita ng aktor sa press people. 

Kasi nga [’yong isa] gustong mag-aral sa ibang bansa. ’Yong isa dito sa Pilipinas gusto. Si Santiago [gusto mag-abroad], si Sebastian gusto dito sa Pilipinas,” dagdag pa n’ya.

Balak daw kasing mag-aral ng business ni Santiago sa Amerika, habang ang kakambal naman nitong si Sebastian ay pinaplanong kumuha naman ng Political Science, while at the same time, gusto rin daw nitong i-pursue ang hilig nito sa music and songwriting. 

Nauwi ang usapan tungkol sa mga anak n’ya nang matanong ang actor and business owner kung may plano pa ba s’yang magpakasal at magkaroon pa anak.

Hindi naman kasi n’ya itinatangging may karelasyon s’ya ngayon na ayaw n’ya daw munang isapubliko kaya nausisa na lang s’ya kung may plano pa ba s’yang sundan ang kanyang kambal. 

Parang after magkaroon ng kambal… Hindi, parang okey na ako sa dalawang kambal. Parang mas gusto ko na mag-enjoy ng buhay,” natatawang sagot ni Marvin. 

Bata pa raw kasi s’ya nu’ng dumating sa buhay n’ya ang dalawa. Pero ang advantage noon, para lang daw silang magkakatropa ngayong mga binata na rin ang mga ito. 

Kasi I was 26 when I had them. At least, bata pa nga, e. Ngayon, para na kaming magkakaibigan pag lumalabas kami, pag nag-uusap kami. Parang mas masarap ’yong ganu’ng moment na may energy ka for your kids,” pagbabahagi n’ya. 

Baka wala na daw s’yang energy kung magkakaroon pa s’ya ng panibagong anak na aalagaan.

Hindi ko alam kasi I’m 44 now. I’ll be 50 years old six years from now. Paano ’yong energy nu’n? So, ini-enjoy ko na ’tong buhay ko na ’to na ’yong mga bata malalaki na. Hindi na ganu’n ka-stressful asikasuhin,” katuwiran n’ya.

Pagbibida pa ng celebrity dad, nag-e-enjoy s’ya ngayon set up nila ng kanyang kambal.

Ang relationship kasi namin para kaming magkakaibigan. In the beginning I was actually very strict to them,” pag-amin ni Marvin. 

Pero na-realize ko hindi na ganu’n ’yong style ng parenting dahil ’yong information na nakukuha nila ang dami na. Parang mas kailangan nila ng isang tao, kaibigan, pamilya o parent na makakakuwentuhan nila with the information that they have been getting,” pagpapatuloy n’ya.

Ganu’n ’yong relationship namin. Maraming kuwentuhan. Ako, nagtatanong ako sa kanila, e, dahil mas alam na nila kung anong nangyayari sa social media. Sila pa ang magkukuwento sa akin. 

Nandu’n kami ngayon which I like because mas less pressure. Lalo na kung anong gusto nilang mangyari sa buhay nila.”

At nang matanong naman kung anong namana ng mga anak n’ya mula sa kanya, buong pagmamalaking inilahad ni Marvin na nakuha ng kambal ang pagiging creative at organized n’ya.

Si Sebastian, very creative. May ganu’n ako pag nag-iisip ng concepts [for my restaurants]. Tapos si Santiago naman mas organizer. Ganu’n naman ako pag may naisip na at kailangan na s’yang gawing business. They actually got little bits of myself,” he shared. 

Isa pa sa naitanong sa aktor ay kung napanood ba ng mga anak n’ya ang movies nila ni Jolina Magdangal. 

Kuwento ni Marvin, happy daw s’ya na natutuwa ang mga anak n’ya sa mga pelikula nila ng ka-tandem n’ya before na si Jolens noong 90s. 

Sa generation nila ngayon parang cool ’yong 90s, e. Kaya nga natutuwa ako. Dati kasi nababaduyan sila sa akin. Pero ngayon cool ako sa kanila. Panapanahon lang ‘yan,” natatawang pahayag n’ya. 

Ngayong nasa Crown Artist Management na si Marvin, asahan daw na magkakaroon sila ng projects kung saan itatampok nila ang mga pagkaing Pinoy at ang proseso ng mga ito mula sa farmland hanggang makarating sa hapag-kainan. 

Gusto kong gumawa ng mga projects na magha-highlight lalo sa food industry, ’yong hirap na pinagdadaanan nating lahat. Hindi lang actually kami, buong ecosystem ng food industry,” pagtatapos n’ya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Marvin Agustin’s twins, Sebastian and Santiago turn 16 and dad wishes they’d be armed with strength to face life’s challenges

Ogie Diaz, humingi ng dispensa kay Marvin Agustin; “Sorry ha kung napasobra ako ng opinyon.”

Marvin Agustin, nag-sorry matapos dagsain ng customer complaints sa araw mismo ng Pasko

Pika’s Pick: Actor-entrepreneur Marvin Agustin ventures into farming in La Union

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.