Mark Anthony Fernandez, muntik daw magdemanda noon dahil sa binawalang mag-workout sa kulungan

Photos: Vivamax

Photos: Vivamax

Forty pounds na raw ang nababawas sa timbang ni Mark Anthony Fernandez mula nang makalaya siya sa Pampanga Provincial Jail noong December 2017.

(Matatandaang mahigit isang taong nakulong ang aktor doon matapos mahulihan ng marijuana sa kanyang sasakyan habang nasa Angeles City siya noong October 2016.

Na-dismiss ang kasong illegal drugs possession laban sa kanya pero nadiin siya sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o ’yong naging hindi magandang asal niya sa checkpoint at that time. Reportedly ay nakipag-habulan muna sa mga pulis si Mark bago siya na-check.)

Sa Zoom conference kasi kahapon, March 17, para sa horror movie niyang Biyernes Santo, pinuna ng ilang members of the movie press ang panunumbalik ng kagwapuhan ni Mark. May isang direktang nagsabi na kapansin-pansin ang pagiging hunk na naman niya gawa ng obvious na pagkabawas ng weight. Malaki na ang nabago sa katawan niya kumpara sa nakita sa kanya onscreen sa Miracle in Cell No.7 noong 2019. 

Tila ikanatuwa naman ni Mark ang obserbasyon na yon.

“Forty pounds na [ang nawala sa akin],” proud na tsika ni Mark. “Tapos mag-e-800 days na akong nagwo-work out...dire-diretso mula nang nakalaya ako.”

“Kasi umabot sa punto na ayaw akong pag- ensayuhin [sa loob ng kulungan],” pa-singit na back story ni Mark. “Actually, p’wede ko nga silang i-demanda ng ganu’n, e, na ayaw nila akong pag-workout-in sa loob ng kulungan nu’ng time na ’yon—pero hindi ko ginawa kasi mababait naman ’yong ibang tao doon.”

“Mag-e-800 days na akong nagwo-work out,” balik topic niya. “Simula nu’ng nakalaya ako. Natitigil lang pag may trabaho. So, sa awa ng Diyos...”

Aniya, alam daw niya kasi na bilang artista, it’s his obligation to look good para sa mga manonood. Mas marami rin daw offers ang dumarating kapag hindi siya mataba.

“Kasi ako talaga bilang artista, pakiramdam ko walang dating ako kapag hindi proper ’yong weight ko. So, ito kahit papa’no, alam mo ’yon? Umabot pa sa punto na kailangan ko pang ipagdasal ’yong weight ko, ‘Lord, ibalik ninyo ’yong figure ko.’ Ganyan-ganyan... Buti na lang na answered prayer. Salamat kay God.”

Dagdag pa niya, ang goal niya ay makabawas pa ng 10-15 pounds at pipilitin daw niyang ma-maintain ang pagiging trimmed niya.

Si Angel Michael daw ang role niya sa Biyernes Santo na ang misyon ay puksain ang anti-Christ. Pero ayon sa kwento ng co-star niyang si Gardo Versoza, ang character umano ni Mark ang magpapalabas ng “dark side” ng character niyang “busilak ang kalooban.”

Malalaman natin kung paano nangyari ito sa March 26, ang premiere streaming date ng Biyernes Santo sa streaming app na Vivamax.

Bukod kay Gardo Versoza, kasama rin sa Biyernes Santo sina Andrea del Rosario, ang baguhang si Via Ortega, at ang Cinemalaya 2019 best supporting actress an si Ella Cruz.

By the way, available ang Vivamax online sa web.vivamax.net, o i-download ang app sa Google Play Store. Makaka-avail din ng Vivamax vouchers through Shopee and Lazada.

 

YOU MAY ALSO LIKE:
Denise Laurel calls on the public to stay at home as COVID-19 cases rise

Collectible company Topps issues apology after battered portrayal of BTS on trading card, fans express anger and disappointment

Bianca Lapus, humihingi ng dasal para malagpasan ang Covid-19 at pneumonia

Jon Jon Briones voices out against Asian hate and violence after Atlanta spa shootings

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.