Marjorie Barretto at Dennis Padilla, kapwa may mensahe para sa anak nilang si Leon on his 21st birthday

Na-appreciate ni Leon Barretto ang heartwarming message ng mommy n’yang si Marjorie for his 21st birthday. Pero wala pa s’yang tugon sa message ng kanyang amang si Dennis Padilla.

PHOTOS: @marjbarretto & @dennisastig on Instagram

Na-appreciate ni Leon Barretto ang heartwarming message ng mommy n’yang si Marjorie for his 21st birthday. Pero wala pa s’yang tugon sa message ng kanyang amang si Dennis Padilla.

Parehong may pagbati ang former couple na sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla para sa binata nilang anak na si Leon ngayong nagse-celebrate ito ng kanyang 21st birthday.

Idinaan nila ang kani-kanilang birthday greeting para sa kanilang anak on their respective Instagram accounts ngayong araw, April 2.

Umiral ang pagiging sweet mommy ni Marjorie kay Leon sa open letter nito sa binatang anak. Hindi raw kasi n’ya ma-imagine ang buhay nila kung wala ito sa kanilang piling. 

“Happy 21st birthday to my only son Leon!! I can’t imagine a life without you, Kuya. You are everyone’s go to person. Our gentle giant, the best son, brother and friend!” pagbati ng actress and content creator sa kanyang anak.

Kalakip nito ang series of photos nilang mag-ina. 

Pinasalamatan din ni Marjorie ang anak dahil masipag umano itong mag-aral at naaasahan din n’ya sa mga gawaing bahay.

“Thank you for all the hard work you put into school, Kuya. I appreciate how you make everything easier for me. I love you so much,” she wrote.

Wala raw s’yang ibang hiling para kay Leon kundi ang magkroon ng mabuting kalusugan at maginhawang buhay in the future.

“My greatest wish and prayer for you, a bright future, good health and that you will be surrounded with all the right people around you. Cheers to 21!” pagtatapos ni Marjorie.

Simpleng reply naman dito ni Leon sa comment section: “LOVE U MOM.”

SCREENSHOT: @marjbarretto on Instagram

Bukod kay Marjorie, nag-alay din ng pagbati ang comedian-actor na si Dennis Padilla for his son.

Nag-upload s’ya ng collaged photo sa Instagram na naglalaman ng message n’ya para sa kanyang anak.

Narito ang mensahe ni Dennis para kay Leon:

“DEAR LEON MARCUX, HAPPY B-DAY ANAK GOD BLESS YOU MORE!! WE LOVE YOU!! [Heart] PAPA.”

Maliban pa rito, sinabi rin ng aktor sa kanyang caption na umaasa s’yang magkikita silang muli.

“Dear Leon... Happy birthday anak!! Love you... Hope to see you soon [Folded hands, birthday cake, and heart suit emojis],” dalangin ni Dennis.

Unlike sa post ni Marjorie, as of the writing ay hindi pa nagko-comment si Leon sa IG post ng kanyang amang si Dennis.

Matatandaang sinabi ng aktor sa isang interview noon na nagkausap na silang muli ng anak n’yang si Julia Barretto noong nagdaang 62nd birthday n’ya noong February. 

Sinabi rin n’ya na halos two years na n’yang hindi nasisilayan ang anak dahil sa tampo nito sa kanya. Kaya naman gusto umano n’ya itong makita kasama ang mga kapatid pa nitong sina Leon at Claudia.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Leon Barretto, naglabas din ng hinanakit sa ama: “Why do you keep posting cryptic posts about us and allow people to bash us on your own Instagram page?”

Dennis Padilla, “rebuilding” his relationship sa mga anak na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto; may planong magkikita-kita ngayong Bagong Taon

Julia Barretto, katuwang ng mommy niyang si Marjorie para mapag-aral ang brother na si Leon

Marjorie Barretto, aminadong pinaka-malaki ang pagkukulang sa nag-iisang anak niyang lalaki na si Leon

 

​​​​FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.