Maricel Soriano, proud sa friendship nila ng ex-husband na si Edu Manzano

Hiling ni Edu Manzano, maging huwaran daw sana ng mga ex-couples ang magandang pagkakaibigan nila ng ex-wife n’yang si Maricel Soriano. “Sana kahit papano magsilbi kaming inspirasyon, ’yong pagbubukas ng mata, na people can still be friends even after having a relationship, ’di ba?”

SCREENSHOTS: Maricel Soriano on YouTube

Hiling ni Edu Manzano, maging huwaran daw sana ng mga ex-couples ang magandang pagkakaibigan nila ng ex-wife n’yang si Maricel Soriano. “Sana kahit papano magsilbi kaming inspirasyon, ’yong pagbubukas ng mata, na people can still be friends even after having a relationship, ’di ba?”

Kahit hindi naging successful ang pagsasama ng dating mag-asawang sina Maricel Soriano at Edu Manzano ay proud naman daw ang aktres na napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan. 

Ipinahayag ’yan ng Diamond Star sa kanyang trending vlog entry on YouTube kung saan si Edu ang kanyang naging special guest.

Napa-throwback pa ang mag-ex-couple habang nagla-lunch sa mga magaganda at nakakatawang memories nila together noong mag-asawa pa sila hanggang sa nauwi nga ang usapan tungkol sa kanilang friendship. 

Sa tingin mo, bakit nananatiling magkaibigan tayo despite of our marriage ended?” tanong ni Maricel sa dati n’yang mister.

“I forgave you na, e,” pabirong sagot naman ni Edu na ikinagulat ni Maricel.

“Huh? Iba. Hahaha!” natatawang sabi ni Maria sa joke ng dati n’yang asawa. 

Hindi nga? Pero nananatili tayong magkaibigan. Do you know I’m so proud of this? ’Yong friendship natin,” dagdag pa n’ya.

Sey naman ng seasoned actor, maraming hindi nakakaunawa sa estado ang relasyon nila ni Maricel na dating mag-asawa na naging magkaibigan. 

Ay, ipaintindi natin,” pag-e-encourage naman ni Maricel sa kanya.

Dahil dito ay ibinahagi ni Edu ang mga dahilan kung bakit maayos pa rin ang pakikitungo nila ni Maricel sa isa’t isa sa kabila ng kanilang pinagdaanan.

Nauna ’yong we’re very patient with each other. We have very good balance. Hindi natin sinisiraan ang isa’t isa sa ibang tao. It was never that way, e,” lahad ni Edu.

“When we see each other nagiging napaka-genuine naman nu’ng feelings natin sa isa’t isa,” dagdag pa ng aktor.

Sinang-ayunan naman ni Maricel ang mga sinabi ng dati n’yang mister.

“I think maganda ang ating pundasyon,” pahabol pa ni Edu. 

Hiling pa ng aktor, ma-inspire daw sana sa current setup nila ni Maricel ang mga dati ring magkarelasyon gaya nila.

Sana kahit papano magsilbi kaming inspirasyon, ’yong pagbubukas ng mata, na people can still be friends even after having a relationship, ’di ba?” aniya.

Agree din dito si Maria na aminadong ayaw na daw magtanim pa ng galit sa puso n’ya.

Sana makatulong kami sa inyo. Maging good example kami, ’di ba? Kasi ’yong mga naghihiwalay magkagalit na pag naghiwalay. Dapat hindi, ’di ba? Bakit kayo mag-aaway, e, nagmahalan naman kayo once upon a time,” punto n’ya.

Hirit naman ni Edu, normal lang daw na makaramdam ng sakit ang mga magkarelasyong nauwi sa hiwalayan. Pero sana daw ay huwag kimkimin ang galit dahil sila rin ang mabibigatan.

Natural ’yong may hurt feelings pa kayo ay naghiwalay. Ano, dadalhin mo ’yan habangbuhay?” tanong n’ya.

Hindi. Mabigat ang maleta. Mahal ang [plane] ticket ngayon, ’di ba, so mahal din ang excess baggage,” makahulugang analogy pa ni Maricel.

Matatandaang ikinasal sina Maricel at Edu noong 1989 pero nauwi rin sila sa hiwalayan noong 1991.

Samantala, at press time ay nasa No.3 slot na sa YouTube trending videos ang lunch date vlog ni Maricel with Edu at nakapagtala na ng more than 1M views.

https://www.youtube.com/watch?v=mJiRljbD51o

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Maricel Soriano’s Pa Drag Race Den parody trends on Twitter

"MARYA IS OUT" post ni Diamond Star Maricel Soriano, pala-isipan sa fans

Eric Quizon sa hiling ni Maricel Soriano ngayong Pasko: “Ang hirap naman ng gusto mo.”

Maricel Soriano, inggit kay Snooky Serna noon

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.