Maricel Soriano, nagkwento kung paano napa-amin ang #LoiNie na sila na!

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

Sa batuhan nang tanong between the members of the media at ng cast ng The General’s Daughter sa grand media conference nito kahapon ay natanong ang mga cast members kung sino-sino ang first time nilang mga naka-trabaho.

Nang dumating ang moment ni Diamond Star Maricel Soriano, huli sa mga naituro niya ang mga showbiz newbies at magka-loveteam na sina Loisa Andalio na galing sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014 at si Ronnie Alonte na miyemro ng all-boy group na Hashtags. 

Pero hindi inasahan ng mga naroroon sa media conference ang mga idinagdag na detalye ni Maricel na kilala sa showbiz bilang ’Nay Mary or Maria.

Kinuwento kasi ni Maria ang mga first encounters niya sa dalawa. Una daw ay si Ronnie. “Sabi ko, sino ba ’tong guwapong batang ’to…’Guwapo ka, ha. Sino’ng girlfriend mo?’ Ito pala!,” sabay turo kay Loisa Andalio na malapit sa kinauupuan niya.

Sinundo’t ng tanong ng mediacon host na si Eric John Salut kung umamin ba ang dalawa sa kanya dahil never pang daw umamin ang dalawa in public. Sagot ni Maria: “Ay, umamin sila sa akin, I don’t know with you guys…but with Tita Mary, they said yes.”

Nagbunyi ang mga #LoiNie fans na naroroon din sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, na siyang venue ng mediacon. 

Malamang na nangyari ang pag-amin ng dalawa kay Tita Mary nila towards the end of last year, kasabay na rin ng naging public admission nila sa GGV o Gandang Gabi, Vice program ni Vice Ganda.

So, there!

Here’s the clip:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.