Marian Rivera turns business relationship into friendship

Kasabay ng paglo-launch ng mga new products ng Beautéderm Home ay ang pagre-renew din ng endorsement contract ni Marian for the next 30 more months. Ibig bang sabihin ay mas tumaas ang endorsement fee ng Kapuso Primetime Queen lalo pa’t dagdag sa credentials nito ang pagiging judge ng Miss Universe? “Marian Rivera yan, pero dahil love po niya ako, binibigyan niya ’ko ng kaibigang presyo,” natatawang lahad ni Beautederm prexy Rhea Tan. Sinalungat naman ito ni Marian at natatawa ring sinabi na: “’Wag kang ganyan. Hindi [presyong] kaibigan ’yon, mataas na rin ’yon.” “Hayaan mo nang lituhin mo sila para ’di nila alam,” susog naman ni Rhea.

Photos: Courtesy of Beautéderm

Kasabay ng paglo-launch ng mga new products ng Beautéderm Home ay ang pagre-renew din ng endorsement contract ni Marian for the next 30 more months. Ibig bang sabihin ay mas tumaas ang endorsement fee ng Kapuso Primetime Queen lalo pa’t dagdag sa credentials nito ang pagiging judge ng Miss Universe? “Marian Rivera yan, pero dahil love po niya ako, binibigyan niya ’ko ng kaibigang presyo,” natatawang lahad ni Beautederm prexy Rhea Tan. Sinalungat naman ito ni Marian at natatawa ring sinabi na: “’Wag kang ganyan. Hindi [presyong] kaibigan ’yon, mataas na rin ’yon.” “Hayaan mo nang lituhin mo sila para ’di nila alam,” susog naman ni Rhea.

Naging celebration of friendship ang ginanap na press launch at contract renewal ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera bilang Beautéderm Home celebrity endorser.

Ang pagiging endorser kasi niya ay nauwi sa malalim na pagkakaibigan nila ni Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan. Beyond business na kumbaga ang relasyon.

Hindi umano ito pinilit kundi kusa lang nangyari.

“Gustong-gusto ko ang ugali niya,” sambit ni Ms. Rei Tan. “Kasi, ’di ba? Kapag ayaw mo ng isang tao, ayoko. Kapag gusto mo, mas lalo mo siyang pinapakitaan ng love. 

“At napakatotoo niyang friend. Siya ’yung tipo ng friend na napaka-loyal niya at ipaglalaban ka niya. Gano’n siyang klase ng tao.”

Sinegundahan din ni Marian ang sinabi ni Rhea na hindi talaga pinilit na nauwi na sila sa pagiging magkaibigan ang kanilang business relationship lang noong una.

“Kasi si Ate Rhea, hindi naman kami instant naging close. Kumbaga, gradual na nangyari yan,” saad ni Marian. “Siguro kasi, palagi kaming nag-uusap. Noong una, about the products lang. Pero after no’n, iba-iba na ang pinag-uusapan namin. About shopping na, about family na. So, lumalim nang lumalim.

“At bilang tao, siguro alam n’yo yan, mararamdaman n’yo naman kung sincere ang tao sa inyo, kung concern sa inyo. So, naramdaman ko lahat kay Ate Rhea ‘yon at naging malapit ang loob namin hanggang ngayon.”

Pero sa loob ng apat na taon simula nang maging endorser si Marian ng Beautéderm Home, nagkaroon na rin naman daw sila ng tampuhan.

“May one time lang na nagtampo siya,” ani Marian. “Pero, nasolusyonan naman.  Pero hindi naman OA. Tampo lang—’yung , ‘Hindi mo ko naisip do’n.‘Yung mga gano’n lang. Pero hindi sobrang lalim to the point na nag-aaway.

“Parang hindi yata mangyayari sa aming dalawa ‘yon. Katulad ng sabi niya, parehas kami ng ugali. We’re very transparent to each other and ang pamilya ang love namin at priority namin.”

Dagdag pa ni Marian: “At kapag nakikita namin ang ibang tao na love kami, mas mamahalin pa namin. Parehas kaming dalawa na gano’n.”

At kung meron man daw silang maituturing na “bonding time” ni Marian, ito ay mag-shopping. Pero natatawang tumanggi si Marian na banggitin pa kung ano ang mga hilig nilang bilhin.

“Huwag na lang nating banggitin,” sey ni Marian.

“Sabihin na lang natin na every time na may new collection [noon], hindi p’wedeng hindi kami magdi-DM [direct Messaging] sa isa’t-isa.”

Isa naman daw sa naa-appreciate ni Marian kay Rhea ay ang pagiging supportive nito sa mga endeavors niya.

“Si Ate, very supportive yan sa Floravida [her flower shop]So, marami, e… marami kaming pinag-uusapan. Pagkain, shopping...kung anu-ano. Family, relationships, and of course, Beautéderm products. So, marami kaming pinag-uusapan at marami pa kaming gustong gawin.”

Dagdag-kwento naman ni Rhea: “Ang nangyayari kasi, dahil malalim na at matagal na rin siya sa industriya, hindi na rin ako nahihiyang lapitan siya at magtanong. At saka, kung anu-ano lang.

“Dapat nga pareho kami ng damit, sapatos na cute, ganyan… ano po siya, Number one budol ng buhay ko. ‘Ate, bagay mo yan.’ Basta sinabi ni Marian, naku bibilhin ko yan!’  

“So, si YanYan, parang pamilya ko na, na-appreciate ko so-so much. Mga kaibigan na na-earn ko dito sa negosyo na ito. Hindi lang sila mga basta-basta endorsers ko. Hindi lang nagme-message kapag magre-renew ng kontrata or pag patapos na ang kontrata.”

Maraming celebrity endorsers ang Beautéderm pero si Marian lang ang sole endorser ng Beautéderm Home mula sa original na Reverie lines. Ngayon ay ini-introduce nila ang Pour Tout Faire – a 3-in-1 multi-purpose spray that deodorizes, disinfects, and protects. Meron itong dalawang variants, ang Fresh & Vibrant at Clean & Calm.

At kasabay nga ng paglo-launch ng mga new products ay ang pagre-renew din ng endorsement contract ni Marian for the next 30 more months.

Ibig bang sabihin ay mas tumaas ang endorsement fee ng Kapuso Primetime Queen lalo pa’t dagdag sa credentials nito ang pagiging judge ng Miss Universe?

“Marian Rivera yan, pero dahil love po niya ako, binibigyan niya ’ko ng kaibigang presyo,” natatawang lahad ni Rhea.

Sinalungat naman ito ni Marian at natatawa ring sinabi na: “’Wag kang ganyan. Hindi [presyong] kaibigan ’yon, mataas na rin ’yon.”

“Hayaan mo nang lituhin mo sila para ’di nila alam,” susog naman ni Rhea.

Turning serious, Rhea adds: “Parang nakadikit na ang pangalan ko kay Marian. Parang kinikilig ka. Kapag sinabing Beautéderm Home, parang nakadikit na siya. ‘Kailan mo dadalhin si Marian dito?’ Parang gano’n na ang sinabi nila.

“At saka mula nang magkaroon ako ng Marian, yumaman ako, charot!,” natawang biro pa niya.  “Pero totoo ’yon, iba talaga ang Marian.

“Bakit siya kinukuha ng malalaking kumpanya? Kasi nagtutulungan kayo. Kinuha mo siyang endorser and at the same time, tutulungan ka niya para makilala ang brand mo.

“Hindi ’yung kinuha mo lang siya para sa pangalan and then, wala lang. So, ginagawa niya ang trabaho niya ang trabaho niya as endorser tapos, siya pa ang nag-iisip na gumawa tayo ng ganito, gumawa tayo ng ganyan.

“Kaya lahat po ng ito, idea ng isang Marian Rivera. Kasi gusto niya, dapat okay ang sales mo. Gano’n po ang concern niya sa isang kumpanya. Gano’n po ang isang klaseng endorser na dapat kunin ng malalaking kumpanya.”

At tahasan ding sinabi ni Rhea na si Marian daw ang Number One endorser ng Beautéderm.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Marian Rivera, nanariwa ang mga sugat sa puso dala ng pagkakawalay sa ina habang ginagawa ang OFW docu sa Israel

Marian Rivera, tumangging magbigay ng advise ukol sa mga problematic relationships sa showbiz

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.