Hindi napigilang maging emosyonal ng actress-entrepreneur and celebrity mom na si Marian Rivera nang balikan n’ya ang kanyang kabataan noon na malayo sa kanyang nanay at tatay.
Naganap ito sa interview sa kanila ng mister n’yang si Dingdong ng journalist and TV host na si Jessica Soho para sa programa nitong Kapuso Mo, Jessica Soho na ipinalabas kagabi, December 18.
Dito ay ipinasilip ng mag-asawa ang bago nilang bahay, at nagpag-usapan rin ang pagiging magulang nila sa dalawa nilang anak na sina Zia at Sixto.
Natanong kasi ni Jessica si Marian kung nag-struggle ba s’ya kung paano babalansehin ang kanyang showbiz career sa pagkakaroon n’ya ng pamilya.
“Nu’ng una, yes po. Parang inisip ko sayang naman ’yong career, and then may asawa ako and may anak. And nag-focus ako. Sabi ko sa sarili ko, ‘Ano ba talaga ang importante sa akin? Ano ba talaga ang totoong dream ko sa buhay?’” lahad ng Kapuso Primetime Queen.
Noon pa man ay pangarap na daw n’ya na magkaroon ng buong pamilya kaya naman ang family daw n’ya ang naging priority n’ya.
Hiwalay kasi ang nanay ni Marian na si Amelia Rivera sa Spanish dad n'yang si Francisco Gracia. Bukod pa doon, matagal na naging overseas Filipino worker (OFW) ang kanyang ina kaya lumaki s’ya sa piling ng kanyang Lola Iska.
“Malinaw sa akin na family talaga ang priority ko, which is my husband at ’yong dalawang anak ko. So, as long as kailangan ako ng family ko, family muna. And then after po work, p’wede naman mag-work. Pero number one is my family,” pagbabahagi pa ng aktres.
“Pangarap ko po talaga maging nanay. Kasi alam naman ni Dong kung saan ako nanggaling…family na separated. Sabi ko, ‘If given a chance, Lord, isa lang talaga ang hiling ko...parang ultimate. Talagang buo ang pamilya tapos happy family and together talaga.’”
At nang matanong s’ya kung ano ba ang hindi n’ya naranasan noong bata pa s’ya na gusto n’yang maranasan ngayon ng mga anak nila ni Dong ay dito na naging emosyonal si Marian.
“Nandyan ’yong nanay at tatay. Kasi ako talagang wala, e. Lola talaga,” garalgal na sabi n’ya.
“So ’yon talaga ’yong dream ko na nand’yan kami ni Dong for the kids. Kasi even lola nand’yan, si nanay, wala akong reklamo, pero iba pa rin ’yong nanay at tatay,” naiiyak na pagpapatuloy ng Kapuso actress.
“So, sabi ko kay Dong ito talaga ’yong mabibigay ko. Kaya siguro hindi naging mahirap para sa akin na mas piliin ang mga anak ko kesa magtrabaho muna. Kasi priority ko na maranasan nila na nandito ako at saka si Dong para sa kanila. Kasi hindi ko talaga naranasan ’yon.”
Nasa hustong gulang na daw kasi at nasa showbiz na s'ya nang umuwi na for good ang kanyang ina.
“Naranasan ko ’yan after MariMar, which is 22 years old na [ako]. Sabi ko, ‘Mom, it’s about time. Kung talagang love mo ako, uwi ka ng Pilipinas dahil kailangan kita. Kasi nag-aartista ako, kailangan ko ng guidance mo.’ Sabi ni Mama, ‘Uuwi ako,’” pagre-recall ni Marian.
“Sabi ko nga kay Dong, nakabawi na si Mama. Kasi pag may trabaho ako si Mama po ang nandito. S’ya po ang nag-aalaga sa mga anak namin. Sabi ko, ‘Ma, bawing-bawi ka na.’ Siguro ’yon, a complete family for my kids.”
Happy naman daw ang aktres now that she’s living her dream.
“Yes. Patong-patong na nga po na pangarap, e. Pangarap na ganitong pamilya, pangarap na magkabahay. At siguro ’yong perfect ay ’yong perfect husband talaga,” pagtatapos n’ya sabay yakap sa mister na si Dingdong.
Good news naman para sa mga DongYan fans dahil magkakaroon ng garage sale ang celebrity couple ilang araw bago mag-Pasko.
Si Marian mismo ang nag-announce n’yan sa kanyang Instagram post kahapon, December 18.
“Bring home an item straight from our personal collections and memorabilia!” paanyaya n’ya sa kanyang IG post.
“Choose from our pre-loved items— mula sa aming fashion selections, toys, home items, and even personal keepsakes. A pre-loved sale just in time for Christmas!
“Head out to the one-day-only sale at The Concept Space Manila, 2F Greystone Bldg., Congressional Ave. Ext., Q.C., on December 20, 2022. Sale starts 10am until 8pm,” she concluded.
YOU MAY ALSO LIKE:
Christmas wish ni Marian Rivera: “To get pregnant.”
Dingdong Dantes, reregaluhan ng restaurant ang asawang si Marian Rivera
Marian Rivera turns business relationship into friendship
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber