Last October 25, ginulat nina Marian Rivera at talent manager Popoy Caritativo ang publiko nang halos sabay silang nag-post sa kani-kanilang social media account na magkaparehong set of pictures na nagpapakitang magkasama sila at ang iba naman ay kasama ni Popoy ang mga anak ni Marian na sina Zia at Baby Ziggy.
Si Popoy ang naka-discover at naging manager ni Marian sa mahabang panahon. But they parted ways noong 2013 for undisclosed reasons. Ang sabi ni Marian that time, it was a mutual decision. Marian was since managed by Triple A, ang talent management company ni Mr. Tony Tuviera na itinuturing naman ni Marian na tatay-tatayan niya sa showbiz.
Six years ang lumipas bago muling nagharap at nag-usap sina Marian at Popoy. At base sa respective posts nila, angkop sa kanila ang kasabihan “Time heals all wounds.”
Marami ang natuwa sa pagbabati ng dalawa, lalo na ang mga nakasaksi kung paano sila nagmahalan bilang manager at talent noong araw—bago at hanggang sa maging Marian Rivera na siya. In fact, Momshie ang tawag niya kap Popoy for the longest time at ito pa rin ang tawag niya dito ngayon.
Sa renewal ng kanyang endorsement contract with BeauteDerm Home kahapon (November 7) na ginanap sa Luxent Hotel sa Quezon City, isa ang tungkol sa pagbabati nila ni Popoy sa mga naitanong sa walang kupas ang gandang si Marian.
“Lahat ng mga bagay bagay ay nakukuha sa pagdadasal,” simulang kwento ni Marian sa mga kakilalang press. “So, isa yan sa mga pinagdadasal ko talaga dahil sabi ko nga si Popoy talaga, e, isa sa mga importanteng tao sa buhay ko.”
Maski daw sa mga anak niya, lalo na kay Zia na may isip na, ay ipinaliwanag na niya kung ano at sino si “Momshie” sa buhay niya.
“Hindi ko na ie-elaborate si Popoy kasi hindi naman ako nagkipagbati para...alam mo yon?,” muling sabi ni Marian. “Basta mahal ko siya mula noon hanggang ngayon at kung nasaan man ako ngayon ay utang na loob ko yon sa kanya. At ang utang na loob na ito ay tatanawin ko habang nabubuhay ako at i-e-extend ko yan hanggang sa mga anak ko.”
Kahapon, ni-reveal din ni Marian sa ilang press na malaki ang kinalaman ni Dennis Trillo, ang isa sa pinakamatagal nang alaga ni Popoy, sa pagbi-bridge para magka-usap sila. In fairness kay Marian, nag-effort itong mag-reach out.
“Si Dennis kasi ang isa sa mga dahilan,” esplika ni Marian. “Humingi ako ng tulong kay Dennis kasi nagkita kami sa Avon Run...Ayon kinulit ko siya nang kinulit.”
Pati daw ang girlfriend ni Dennis Trillo na si Jennylyn Mercado ay kinulit din niya para kulitin naman si Dennis.
“Sabi ko kay Jennylyn: ‘Jennylyn ha, ano yan, paalala mo nang paalala kay Dennis. Paalala mo ’yan.’ ‘Oo Yan, oo Yan.’ So, ayon binigyan ako ng pagkakataon.”
Mukang mabilis ang naging pagkilos ni Dennis dahil October 19 ginawa ang Avon Run sa Alabang, kung saan siya kinausap ni Marian, at October 25 nang dumalaw si Marian sa bahay ni Popoy. Bale anim na araw lang ang pagitan.
“Nakuha sa matinding pagdadasal ng ilang taon,” nakangiting dagdag ni Yan-Yan (nickname ni Marian). “At least ano din... talagang maghihintay talaga ng tamang panahon para mag-heal ’yong mga bagay na...”
Nang tanungin kung nagka-iyakan sila, tumili si Marian.
“Wag na natin extend doon [ang k’wento]! Basta sobrang happy ako no’ng makita ko siya uli.”
Samantala, hindi lang pala si Popoy ang naka-ayusan ni Marian lately. Aksidente pala silang nagkita sa backstage ng Sunday PinaSaya (kung saan isa siya sa mga regular hosts) at walang seremonyas daw silang nagyakapan.
Kung tutuusin ay wala naman talaga silang alitan ni Lovi. Tila nadamay lang ito sa alitan nila noon ni Heart Evangelista noong panahon ng Temptation Island (2011).
“Wala, wala kaming pinag-awayan [ni Lovi],” maikling sagot ni Yan.
Nagte-text na raw sila ngayon at sinabihan pa niya ito ng goodluck para sa upcoming nito [na The Annulment].
May pasimpleng nagbanggit ng pangalan ni Heart. Pero mukang
kailangan pang magpalipas ng ilang panahon bago sila magka-ayos.
Basta daw at this point, masaya ang puso ni Marian.
“Masaya. Diyos ko, sino ba naman ang taong gustong may iiwasan na kagalit diba?,” katwiran ni Marian. “Mas masarap lahat masaya, walang iiwasan... saka may anak na ako, diba? Parang gusto ko happy lang.”
At masaya din daw ang asawa niyang si Dingdong Dantes sa mga bagong developments na ito sa buhay niya na hiwalay sa buhay-mag-asawa nila.
“S’yempre si Dong, alam mo naman, sinasabi ko nga sa inyo si Dong ’yong tipo ng tao na mas gusto niya lahat okey, lahat masaya, lahat... alam mo ’yon? Wala kang iiwasan... So, sobrang happy talaga ’yon. Kapag nakikita naman niya sa akin na masaya ako, talagang mas masaya siya para sa akin.”
Samantala, tuloy-tuloy ang buhos ng blessing kay Marian at kabilang nga dito ang muling pagpirma niya ng extension contract bilang endorser ng BeautéDerm Home, ang home collection ng 10-year-old BeauteéDerm Corporation na may 100 branches na bago matapos ang 2019.
Pero ayon sa BeautéDerm CEO na si Miss Rhea Tan, a contract renewal is in order dahil napaka-effective endorser daw ni Marian. Nag-triple daw ang sales nila ng home products (aromatherapy, candles, etc.) mula nang i-endorse ni Marian at tinawag pa rin nila itong “Marian fever” sa kanilang opisina.
YOU MAY ALSO LIKE:
Marian Rivera clarifies her take on traffic issue; apologizes to the public
Marian, nagpa-HIV at Hepa test bago makapag-donate ng breast milk!
IN PHOTOS: Marian Rivera, Dingdong Dantes welcome Baby Ziggy to the Christian world!