Marian Rivera at Heart Evangelista, wish list ni Vice Ganda na mag-guest sa online show niyang Gabing Gabi na Vice

“Open itong programang ito para kasama ko sila ulit lahat. Kasi sa bilis ng mga pangyayari parang ang tagal na ulit nu’ng naunang Gandang Gabi Vice. Parang fresh ito uli kaya lahat sila masarap makasama ulit para makapagpasaya ulit kami ng audience.”

Photos: Xander Angeles (Vice) & Instagram

“Open itong programang ito para kasama ko sila ulit lahat. Kasi sa bilis ng mga pangyayari parang ang tagal na ulit nu’ng naunang Gandang Gabi Vice. Parang fresh ito uli kaya lahat sila masarap makasama ulit para makapagpasaya ulit kami ng audience.”

This Friday, July 24, na ang grand launch ng The Vice Ganda Network kung saan mapapanood ang online talk show na Gabing Gabi na Vice

Excited na si Vice dahil miss na raw niyang makipag-tsikahan sa sinumang magiging guests niya dito. Dahil sa lockdown, miss na niyang makipag-tsikahan kahit kanino, period. Kahit daw take-2 ng mga naging guests na niya sa dating Gandang Gabi Vice.

“Alam mo lahat sila... open itong programang ito para kasama ko sila ulit lahat,” tsika ni Vice sa Zoom pres launch ng The Vice Ganda Network early this week. “Kasi sa bilis ng mga pangyayari parang ang tagal na ulit nu’ng naunang Gandang Gabi Vice. Parang fresh ito uli kaya lahat sila masarap makasama ulit para makapagpasaya ulit kami ng audience.”

Aminado siyang naging problema nila noon ng staff niya sa Gandang Gabi Vice kung sino pa ang mga p’wedeng i-guest. 

“But since digital naman ito (Gabing Gabi na Vice)—online, hindi naman siya TV, mas masaya kung marami tayong makakasama.

Kumbaga sa GGV dati, ’yong Gandang Gabi Vice, dumating kami sa point na na-guest na namin lahat ng artista sa ABS-CBN. Kahit ’yong mga staff, ‘Sino pa’ng kakausapin natin? Sino pa ba’ng i-interbyuhin mo? Lahat nakausap na natin. Lahat ng relevant, lahat ng artist sa ABS-CBN sa loob ng siyam na taon, naubos na lahat.’

“Sabi ko, ‘Wala naman tayong magagawa kasi ’yon ang ano sistema. Pero dito sa online, hindi naman siguro masama at magiging masaya ang viewers, for the audience na makakita sila ng iba pang mga artista o celebrities na hindi pa nila nakikita o nakakausap o nainterbyu ko o makaka-bonding ko.”

And since hindi naman sa digital platform ng ABS-CBN mapapanood ang Gabing Gabi na Vice, wini-wish ni Vice na sana ay makapag-guest siya ng mga artista ng GMA-7.

“Maraming GMA artists na gusto kong ma-interview sila Heart [Evangelista] o kaya sila Marian Rivera at si Dingdong [Dantes] ulit—kasi si Dingdong hindi ko pa s’ya na-interview na solo sa Gandang Gabi Vice dati...nu’ng na-interview ko siya, dalawa sila ni Kris [Aquino]. Pero ’yong solo hindi pa naman. And the other star of GMA, si Michael V. gusto ko din siyang makasama. Madami...madami pa.”

At this point in his life, wala na raw sa isip niya ang competition.

“Hindi mo s’ya maiisip ngayon—at saka pano’ng competition wala nga kami sa ere kanino kami makikipag-compete?” natatawa pero realistic na hirit ni Vice. 

“Mas uunahin ko muna ’yong bumili ng mask, mas uunahin ko muna na siguraduhin wala akong COVID, mas uunahin ko muna ’yong mapa-kain ko ’yong sarili ko at ’yong pamilya ko... mas uunahin ko muna tumulong doon sa mga kapamilya ko na nangangailangan ng tulong kesa isipin ko pa ’yong competition. Hindi. It’s not right.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice Ganda, tipid mode din dahil sa pandemic

Vice Ganda gets solid support from fellow Viva artists to promote launch of online show 'Gabing Gabi Na Vice'

The Vice Ganda Network, na binuo para magpasaya at makatulong, ila-launch na sa July 24!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.